HTG's|Note : Yoooo!! Watsap? I have something to tell. Thanks sa patuloy nyong pag babasa ng stories ko SPECIALLY this one. Nasa #676 IN HORROR na kasi ito IF I'M NOT MISTAKEN. So, salamat po :) Dahil dyan, mag uupdate ako. HIHI! Ang kwentong ito ay experience ng tatay ng pinsan ko. Actually, nag tanong pa talaga ako kung ano ang nakakatakot nyang naranasan at ito ang kwento nya. Enjoy Reading ...
READS are HIGHLY NEEDED !!
-----------
TAONG 2013 nun nang maranasan ko ito. Itago nyo na lang ako sa pangalang Dennis. Ako ay may asawa at dalawang anak. Isa akong trisekel driver sa lugar namin. Mahirap lang kasi kami kaya, todo kayod ako sa pag tratrabaho. Ako lang kasi ang inaasahan ng mag ina ko.
Inaamin kong, maliit lang ang kinikita ko sa pagiging trisekel driver pero, proud ako dahil napaaral ko ang mga anak ko sa ganitong trabaho. Wala kasing trabaho ang aking asawa. Nasa bahay lang ito at nag aalaga sa mga anak namin.
SABADO noon nung umalis ako ng bahay at nag punta sa pasadahan ng trisekel. Agad kong natanaw ang mga kasamahan kong trisekel driver. Pumila ako sa pinakalikod ng mga kasamahan ko. Turno-turno kasi dito. (HTG's|Note : I don't know the tagalog of TURNO-TURNO . BISAYA kasi ang gamit ko .) Yong parang, kung sino yong nauna sa pila yon yong unang sasakayan ng pasahero. Tapos, kung sino ang sunod yon ang susunod. Then vice versa.
Nasa panghuli kasi ako so, mamaya pa ako. Ewan ko kung bakit ganito rule nila. Sabi nila para fair daw. Oo nga naman. Bandang ala sais na ng hapon ngunit, hindi parin ako nakaka pasahero. Kunti lang kasi ang sumasakay ngayon. Napa kamot naman ako ng ulo. Nasa pang apat na ako sa pila.
May mag papamilyang gustong pumakyaw ng triskel. Sabi nila, dodoblehin daw nila ang bayad basta ba mahatid sila doon sa balete drive. Nagka tinginan naman sila tapos, doon sa mag papamilya. Na weirduhan ako sa kinikilos nila. May problema kaya?
"Dennis! Halika dito." Tawag sa akin ni Armando. Lumapit naman Ako sa kanya.
"Bakit Arman?" Sabi ko at inakbayan nya.
"'Diba wala ka pang kita?" Tumango ako. "Sige. Ikaw na lang mag hatid sa kanila doon sa balete drive." Napa kunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Bakit ayaw mo? Tsaka, hindi pa ako ang susunod. Bakit di mo ireto kay Enteng yan." Hindi naman sa nag rereklamo ako. Gusto ko lang sumunod sa rules nila.
Tiningna nya si Enteng tapos umiling-iling ito. Ano bang problema nila? Dodoblehin na nga daw oh! Ayaw pa. Nilipat nya ang tingin sa akin.
"Ano ka ba pare. Kung iniisip mo yong rules wag na. Pa gabi na kasi at maaga kaming uuwi. Sige ka! Pera din yan." Sabi nya at tinulak ako sa trisekel ko. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako hihingi sayo no!" Habol nya at tinapik ang balikat ko.
"Sige na ho! May mag hahatid na sa inyo." Sabi nya at pinasakay yong apat sa trisekel ko.
Wala akong nagawa kundi ihatid sila. Tama nga naman si Arman. Pera na din yun at isa pa, wala pa akong kita sa pamamasada. May kalayuan kasi ang balete drive sa lugar namin. Kaya siguro, ayaw nilang ihatid tong pamilyang to.
Yong daan dun is subdivision na. Hindi talaga maiiwasang hindi ka mapadaan sa balete drive. Nag maneho lang ako habang itong mga pasahero ko naman eh, nag kwekwentuhan. Gusto ko sanang sumali kaso, hindi naman nila ako kinakausap.
Ilang oras lang ang naka lipas kung saan malapit na kami sa balete drive bigla silang tumahimik. Wierd! Hindi ko nalang pinansin iyon at nag maneho na lang. Nang may matanaw akong babae sa puno ng balete. Naka puti sya at mahaba ang buhok nito at naka tingin ng matalim sa amin? Sa kanila? O, sa akin?
Mahirap hulaan. Marami kasi kaming nakasakay sa trisekel ko. Tinapunan ko ng tingin ang nga pasahero ko. Ganun parin. Ang tahimik nila. Bakit kaya? Nang makarating na kami sa subdivision ay bumaba na sila. Inabot sa akin ng lalaki ang 500. Susuklian ko na sana pero, sabi nya keep the change na lang daw at umalis na.
Napa ngiti ako dahil malaki na ito para sa akin. Agad akong umalis sa subdivision at uuwi na. Nadaanan ko ulit yong balete pero, wala na doon yong babae kanina. Baka, umuwi na? Sabi ko sa sarili ko at nag maneho na lang. Maya-maya pa, nakita ko naman ang babae kanina na ngayon eh nasa gilid ng kalsada at parang nag-aabang ng sasakyan.
Tiningnan ko ang oras at mag aalas nuebe na pala. Mahaba-haba pa ang byabyahein ko. Huminto ako sa harap ng babae at kinausap sya. Matalim parin itong naka tingin sa akin.
"Miss? Sasakay ka ba?" Tanong ko pero, tinitigan nya lang ako. "Saan ba bahay mo? Gabi na. Tara! Hatid kita." Yaya ko sa kanya.
Hindi sya sumagot bagkos ay tinuro nya ang puno ng balete. Napatingin naman ako doon na kumunot ang noo. Wala kasi akong nakikitang bahay tanging ang puno lang ng balete. Pinag loloko ba ako nitong babaing to? Binalik ko ang tingin sa kanya. Ganun parin sya. Nakatayo lang ito habang naka turo sa puno.
"Seryoso ka ba miss? Eh, wala namang bahay dyan ah!" Taka kong tanong sa kanya. Hindi parin kasi ito nag sasalita.
Pinag mamasdan ko sya ng mabuti. Tao naman sya kaso, ang putla nya. Tapos, naka duster sya na white. Napakamot na lang ako sa aking ulo. Mag pepedal na sana ako nang mapansin kong hindi nakaapak yong babae sa lupa. Napa lunok ako ng laway dahil, naka lutang ito sa hangin.
Dahan-dahan kong tinaas ang tingin ko sa kanya at lumaki ang mata sa nasaksihan. Yong ba-babae duguan at halos mapunit na ang kanyang mukha. Tapos, may tape sya sa kayang bibig. Nag madali akong nag pedal at pina harorot ang trisekel ko. Dahil sa takot ko, muntik na akong ma bangga sa isang sasakyan. Kaya, pumreno ako.
Agad akong umuwi sa bahay at bumungad sa akin ang asawa kong nag-aalala sa akin. Hindi ako maka sagot at nakatulala lang. Nakatingin sa kawalan. Kinaumagahan. Wala akong tulog dahil sa nakita ko kagabi. Nag punta ako sa pasadahan na tuliro.
"Pareng Dennis? Okay ka lang?" Tanong ni Arman sa akin. Tumango lang ako at pumila na naman.
"Baka, nag pakita sa kanya yong babae sa balete." Sabi ni Enteng kay Arman. Tulala parin ako pero, nakikinig ako sa usapan nila.
"Tangina pare! Kapag, iniisip ko pa lang kinikilabutan na ako." Asik ni Nardo sa kanila.
"Ano bang nangyari doon sa babae?" Out of no where kong tanong na tulala parin.
"Bali-balita kasi na ginahasa daw yon sa puno ng balete tapos, nag pakamatay daw yong babae." Bumalik na ako sa wesyo ko at nakikinig lang sa kanila. "Kaya, ayaw naming mag hatid doon basta gabi na Dennis. Nag paparamdam daw kasi ito sa mga kalalakihan lalo na kapag sasapit na ang alas nuebe. 'Yon kasi ang oras ng pag gagahasa sa kanya." Dagdag pa ni Arman.
Simula nun hindi na ako nag hatid doon sa lugar na yon.
BINABASA MO ANG
Horror Tale (✔COMPLETED)
HorrorNaniniwala ba kayo sa multo, aswang,elemento,engkanto, espirito? Eh, sa mga kaluluwa?? Kasi ako ...OO! Horror Tale Allrightsreserved®2017 Copyright© By: Hatethatgurl