Unang dalaw 'to ni mama sa bahay noong lumipat na siya sa Tagum City. Hindi ko na tanda ang petsa kung kailan 'to nangyari. Pero, sa pagkakatanda ko year 2017 yata. Umuwi nun si mama sa bahay kasi yong kapatid ko nainvolved sa kaso. May sinumpaang salaysay na noon ang kapatid ko.
So, umuwi si mama at sa bahay nag stay. Inasikaso na kasi nila yong kaso ni kapatid. Hindi na siya umuwi kasi, gabi na din natapos yong kaso. (Nakulong yong lalaki pero, nakapagpyansa ito. Robery and attempted murder yong kaso nya.) Ayon sa kwento ni mama, mga 4 am daw nagising siya. May narinig daw siyang kumakanta. Nag huhum daw. Boses ng babae.
Akala daw niya si tita (kapatid niya.) ang nag huhum. Malamig daw ang boses nito na parang nililipad ng hangin. Magkadikit lang kasi ang bahay namin at bahay ni tita. Still humming parin yong boses ng babae. Tapos, may naririnig din siyang mga yabag ng paa na pabalik-balik mag lakad. Akala niya noon si tita Beth (hindi tunay na pangalan) yon. Kaya binaliwala niya lang ito.
Yong mga bandang 5:30 am na, narinig niyang nabangon na si tita kasi niyaya na siya nitong mag kape (alam ni tita na dumating si mama nun.) Maaga kasi ang work ni tita Beth nung time na yon. Tinanggihan ni mama si tita sabay asar na ...
"Dam, ang aga mong kumunta kanina, ah?" Sigaw ni mama kay tita.
Hindi na sagot ni tita si mama. Akala ni mama na natulog ulit pero laking gulat daw niya na pumunta si tita sa bahay namin (nagising na ako nun.) May dala itong tasa ng kape.
"Ano dam?" Tanong nito.
"Sabi ko, ang aga mong kumanta kanina. Nagising kasi ako mga bandang 4 am. Narinig kitang nag huhum." Explain ni mama.
Natigagal si tita Beth sa sinabi ni mama. Tapos, natawa siya. Kaya nakunot ang noo ko. Kako baka baliw na si tita. Sabi ko sa isip ko noon. Pero, mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Seryoso dam? Kakagising ko nga lang, eh!" Natatawa niyang sabi.
Kaya ayon... Nangilabot na kaming tatlo.
Ang Boses Ng Babae 2
Nasundan na naman ang nakakapangilabot na karanasan ni mama. Recently lang to nangyari. Siguro, mga feb 4 ng umaga 'to nangyari. Umuwi na naman kasi si mama nun kasi may esesettle na naman siyang problema. Ito yong 2nd cheat ng asawa ko.
Gusto niyang esettle relasyon namin. After settleng the problem, hindi ko na siya pinauwi. Gabi na kasi siyang dumating kaya sa bahay na siya natulog. Mga 5:30 am nagising na naman si mama. Naiihi na kasi siya nung time na yon. After nyang umuhi ay hindi na daw sya makatulog kaya ginising niya si kapated at pinalipat sa sofa. Sa lapag kasi ito natulog.
Isa lang kasi ang kwarto sa bahay. Ako, yong anak ko at ang asawa ko ang natutulog doon. Dahil hindi na inaantok si mama naisipan nalang niyang lumabas muna at mag data. Wala kasing singnal sa loob ng bahay. Nasa tapat lang siya ng door nun.
Nang narinig na naman niya yong boses ng babae. Sa pandinig niya ka boses daw talaga ni tita Beth. Rinig daw niya ang pagising ni tita sa nag-iisa nitong anak. Tapos, ang ingay daw ng mga pinggan na parang nanghuhugas daw. Akala na naman niya gising si tita.
Pumasok daw siya sa bahay at pinakiramdaman si tita. Kaso... Wala na siyang narinig. Tahimik na raw ang paligid. Hindi na talaga makatulog si mama nun kaya nahiga na lang daw siya at naglalaro sa cp niya. Mga 6 na or something ng nagising na si tita. Nagpatugtug na kasi ito ng paborito nitong music.
Sakto namang nasa labas na ng pinto si mama at kinatok ang bahay ni tita. Pinagbuksan daw siya nito at bumungad sa mukha niya ang kagigising na si tita. Walang anu-ano'y ikwenento niya agad kay tita ang narinig niya kaninang madaling araw.
"Dam, narinig na naman kita kanina." Wika ni mama. "Narinig kong ginising mo si Obeth (hindi tunay na pangalan) tapos, naulinagan ko ring nag huhugas ka ng mga plato." Tuloy pa nito. Nasa tapat lang ako ng pinto nun nakikinig sa kanila.
Hindi man sabihin ni tita ramdam ko ang takot sa kanya."Danm naman! Huwag kang mag biro mg ganyan." Medyo shaky na ang boses ni tita.
"Hindi ako nagbibiro. Totoo ang sinasabi ko." Seryosong-seryoso si mama.
"Sa totoo lang... Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi mo o hindi pero kasi... Kagigising ko lang talaga saka, hindi ko na ginigising si kuya (reffering to her son) kasi mamaya pang alas 3 yong class nila." Paliwanag nito. "Yong mga nag daang mga araw naman na una mo akong narinig, hindi ako yon. Never naman kasi akong nagigising ng ganung oras, eh!" Dagdag pa nito.
Hindi sumagot si mama sa halip ay iniba na lang nito ang usapan nila. Habang ako naman pailing-iling lang. Alam ko at naiintindihan ko si mama. May naramdaman narin kasi ako sa bahay ni tita dati pa.
BINABASA MO ANG
Horror Tale (✔COMPLETED)
HorrorNaniniwala ba kayo sa multo, aswang,elemento,engkanto, espirito? Eh, sa mga kaluluwa?? Kasi ako ...OO! Horror Tale Allrightsreserved®2017 Copyright© By: Hatethatgurl