HT11: Kalabog

80 4 0
                                    


Ako si Anne (hindi tunay na pangalan) pinsan ko si ate KATH. Nangyari ang kababalaghang 'to sa bahay nila mismo. Gabi 'yon ng alas syete. Nag-uusap lang kami ng mga pinsan namin ni ate KATH. Masaya at nag aasaran kami. Sinabayan din namin ng panonood ng t.v. Laluna Sangre pa ang pinanood namin nun.

Sa aming mag pipinsan, si ate KATH ang pinakamatatakutin. Kaya lapitin ng mga kababalaghan. Sabi daw nila sa mga matatakutin lang daw nagpaparamdam ang hindi gaya natin. Kaya ako... Kampanti ako na hindi sila magpapakita o mag paparamdam sa akin.

Tuloy parin ang asaran, tawanan at malalakas na sigawan. Ganito kami. Laging masaya. Wala kasi ang mama ni ate KATH kaya, free kami kahit anong gawin namin. Nasa kalagitnaan ako ng pag tetext nun ng bigla silang tumahimik.

Hindi kasi ako makasabay sa asaran nila eh! Saka, marami din akong ka text. Kaya pala sila natahimik kasi nag kwekwento na si ate KATH ng experience niya sa nakakatakot na pangyayari. Nakinig lang ako nun. Ako kasi yong tipo ng tao na hindi naniniwala sa mga ganun.

Minsan nga... Naisip ko na baka, gumagawa lang ng kwento si ate KATH pero, base sa mukha niya mukha namang totoo. Ah! Ewan! Basta! Hindi ako naniniwala sa mga multo o kung ano pa 'yan. Nagpatuloy lang ang kwentuhan at kakatakutan ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan.

Bigla na lang kasing sumama ang pakiramdam ko. Nag excuse ako sa kanila na mag babanyo lang muna. Syempre! Kila ate KATH na ako nag cr no! Lalayo pa ba ako?? Pagpasok ko sa banyo nila eh, ang dilim. Sinubukan kong i on ang ilaw kaso ayaw sumindi. Pundido siguro? Pinilig ko na lang ang ulo ko at umupo sa inudoro.

Habang natatae ako (pasintabi sa kumakain kung meron man) rinig na rinig ko ang tawanan nila. Grabi! Ang lakas ng mga boses nila. Yong tipong parang naka mic sila. Habang nag hihintay na lumabas ang alaga ko eh, pinaandar ko ang gripo.

Nagtatawana parin sila. Naramdaman ko na ang paglabas ng alaga ko. After nun eh, nag hugas na ako at nag sabon ng SAFEGUARD. Flinlash ko ofkors. Inayos ko na ang sarili ko at handa ng lumabas. Palabas na sana ako ng biglang kumalabog ang dingding ng cr nila ate KATH.

Napahinto ako. Gawa lang kasi sa kahoy yong dingding nila. At malakas ang pagkalabog. Baka si tito lang? Papa ni ate KATH. Nasa kabilang kwarto kasi ito natutulog. Seperate sila ni ate KATH at nung kapatid niya. Hindi ko na lang pinansin iyon at lalabas na sana ng nasundan na naman ng dalawang malakas na kalabog.

Naramdaman ko rin ang biglang pananahimik ng paligid. Napailing na lang ako. Baka, si tito lang at naingayan sa kanila. Paglabas ko ng banyo eh, wala na sila sa sala. Napakamot ulo ako. Nasaan na sila? Cheneck ko ang kwarto ni ate KATH nagbabakasakaling nandoon sila kaso... Wala!

Lumabas na lang ako baka, may mawala pang gamit dito at ako yong mapagbintangan. Paglabas ko ng bahay nila ate KATH nakita ko silang lahat sa court na nakaupo. Mukhang, nag kwekwentuhan na naman siguro. Lumapit ako sa kanila.

"Hoy! Nagalit yata si tito sa inyo. Ang ingay niyo kasi!" Natatawa kong sabi sa kanila.

"Ha? Sinong tito ba sinasabi mo??" Si ate KATH yan.

"'Yong papa mo! Sino pa ba?? Daaa! Alangan naman si tito Ed? Eh, ang layo ng bahay nun sa cr mo!" Sabi ko sabay tabi kay Joy² (hindi tunay na pangalan) nakikinig lang sa amin si Joy² at tumatawa.

"Kayo kasi! Ang iingay niyo! Ayan tuloy! Buti na lang hindi tayo nasigawan ni tito." Pagsang-ayon naman ni Marie (hindi tunay na pangalan)

Napansin ko ang pananahimik ni ate KATH. Nakonsyensya siguro.

"Sigurado ka bang si papa 'yon?? May sinabi ba? Winarningan ba tayo?" Sunod-sunod na tanong niya. Umiling ako. "Ha? Ang labo mo! Pano mo naman nasabi na naingayan yon sa atin?? Eh, wala naman palang sinabi! Si papa kasi, kapag naingayan yan sisigaw yan at pagagalitan ka. Sigurado ka ba talagang si papa yon?" Mahaba niyang saad.

"Hindi ko alam. Baka... Ewan! Kinalabog niya kasi yong dingding ng banyo mo. Tatlong beses niyang kinalabog 'yon. Mukhang galit na galit nga eh!" Sagot ko habang nag tetext sa phone ko.

Natahimik naman siya.


"Ang wierd naman ni papa." Bulong niya pero, narinig naman namin.

Maya-maya pa dumaan yong bunsong kapatid niya.

"Hoy! Magluto ka na ng ulam! Punta ka daw sa bahay ni papa ngayon na!" Sabi ng kapatid niyang si June (hindi tunay na pangalan)

"Okay. Saan ka ba galing at ngayon ka lang umuwi ha?" Tanong ni ate KATH sa kapatid niya.

"Saan pa ba? Edi nag simba! Kasama si papa! Ikaw kasi... Ayaw mong sumama. Punta ka na kila papa bilis! Nagugutom na ako!" Inis na sabi nito at nag tungo sa bahay nila.

Napatingin sa akin si ate KATH. 'Yong tinging natatakot.

"Sabi na sa'yo eh! Hindi si papa 'yon!" Sabi nito at umalis.

Naiwan kami ng pinsan kong si Joy², Marie na nagkatinginan sa isa't-isa. Nung na realize namin ang sinabi ni ate KATH eh, nagsi takbuhan nalang kami bigla.

Sino yon??

---

Horror Tale (✔COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon