Siya si VICKY. Kaklase ko siya noong grade 5 kami sa elementary school namin. (Hindi ko na papangalan for the privacy of the school.) Galing kami ng bahay nung time na yon. Umuuwi kami kapag lunch break namin. Wala lang. Walking distance lang naman ang bahay namin mula sa school.
Noong nakapasok na kami sa loob ng school ay nag tungo kami agad sa room. Kami pa lang dalawa ang naiwan kasi yong iba eh, kumakain pa sa karenderia yong iba naman nasa gym nag lalaro. May isang oras kasi kami para mag lunch.
So, heto na. Nasa loob lang kami ng room tapos, nag yayaya tong si Vicky na mag b-banyo daw. Nag papasama siya sa akin that time. Nung time na yon wala sa bukabularyo ko ang salitang TUMANGGI kaya, sinamahan ko siya.
Sa tapat ng room may common cr kami. Dalawa yon pero, hindi na pinapagamit kasi hindi na lilinisan yong isang cubicle habang yong isa naman sira yong lock. Yong banyo namin nun parang sa mall lang ngayon. Pinto parin siya pero hanggang bukong-bukong lang yong nakikita. Ganun ang cr namin that time.
Bibigla-bigla na lang tumakbo tong si Vicky. Siguro, hindi na niya napigilan ang pantog niya. Habang patakbo siya sa banyo ay naka tingin lang ako sa kanya. Doon siya nag cr sa marumi at hindi pa nalilinisan na cubicle. Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakakapag cr doon.
Siguro dahil, hindi pa ako naiihi xDD nung naka pasok na siya eh, nakatayo lang ako sa pintuan ng room namin. Kulob ang katahimikan nun. Walang tao sa paligid. Kasi lahat nasa gym. Hindi ko alam kung bakit ko siya hinihintay nun. Basta ang alam ko lang eh, hinihintay ko siya kasi wala akong kasama sa room namin.
Habang nakatayo at nag hihintay sa kanya napag-isipan kong laruin ang buhok ko. Sinalaped ko ito nang bigla na lang nag sisigaw tong si Vicky kasabay nun ang pagkalabog ng pintuan ng cr na pinasukan niya. Nanatili lang ako sa posisyon ko at pinagmamasadan ang pintong kumakalabog.
Nag sisigaw siya sa loob at tinatawag ang pangalan ko. Mabilis kong tinali ang buhok ko sa pagkakasalaped at tinakbo ang banyo. Pinihit ng pinihit ko ang seradura kaso... Naka lock? Bakit? Tuloy-tuloy parin ang pag hingi niya ng tulong sa akin.
Hindi ko mahanap ang lock ng pinto. Sinigawan ko si Vicky na baka na lock lang niya kaso... Hindi daw. Wala na akong choice kundi pumunta ng canteen namin. Pagka rating ko nag hehestirikal na ako at sinabing na lock yong kaklasi ko sa banyo sa tapat ng room namin.
Dali-dali naman silang tumakbo papunta sa kinaroroonan ng naturang banyo. Agaw pansin ang eksenang ginawa ni Vicky dahil doon, rumami ang mga estudyanteng nakiusyoso. It takes minute to open the door. And nung na open na yon maputlang lumabas si Vicky at pawis na pawis ang buong katawan niya.
Nanghihina din siya.
"Ano ba kasing pumasok sa ulo mo at nag cr ka doon? Hindi ba ang sabi sa inyo huwag kayong mag ccr doon dahil sira yong lock?"
Pinagalitan si Vicky ng guro namin sa math. Nagtaka naman ako. Akala ko kasi yong isang cubicle yong sira? Kasali pala yong isa.
"Akala po kasi namin na yong kabila yong sira." Sagot ni Vicky.
"Ano?! Yang dalawang yan yong sira. Kaya nererequired namin na huwag niyong isara masyado para hindi kayo ma lock. Tanging susi lang ang nakakapagbubukas dyan. Hay nako! Ang sakit niyo sa ulo!"
Sabi nito at nag walk out. Kasabay ng pag-alis niya ay pag-alis din ng lahat. Rinig ko pa nga ang bulong-bulungan ng mga estudyante eh! Nung nahimasmasan na si Vicky eh, nag salita siya bigla.
"Kath. May multo ba sa school na to?" Tanong niya. Umiling ako. Pero, naniniwala ako sa multo o sa maligno. Kahit ano sa kanila. Naniniwala ako.
"Bakit naman? Ano ba kasing nangyari kanina? Akala ko nag bibiro ka lang eh!" Tanong ko. Bigla siyang natahimik.
"May nakita ka bang tao kanina habang nag ccr ako?" Tanong nito ulit. Muli, ay umiling ako.
"S-sigurado ka?" Tumango ako. Nagtatanong ang kilay ko kung bakit at ito ang sagot niya.
"Kanina kasi may nakita akong dalawang pares ng paa na katayo sa labas ng banyo. Pagka tapos nun palabas na sana ako ng mapag tanto kong naka lock na ito. Hindi ko naman sinara yon masyado kasi, natatakot na ako."
Kinilabutan ako sa sinabi ni Vicky nun. Simula nun itinago namin ang karanasan ni Vicky sa banyong yon. Para walang matakot pero, kahit hindi man namin sabihin eh, marami paring na l-lock na estudyante sa banyong yon. Ng kusa. Minsan-minsan lang naman. Pero, madalas mangyari sa mga babaeng estudyanti. Kasi, hindi naman nag sasara ang mga boys ng pinto. Kaya, malabong ma lock sila.
Hanggang ngayon nandoon parin daw yong banyong yon pero, na renovate na ng school.
But the entities? I don't really think so.
BINABASA MO ANG
Horror Tale (✔COMPLETED)
HorrorNaniniwala ba kayo sa multo, aswang,elemento,engkanto, espirito? Eh, sa mga kaluluwa?? Kasi ako ...OO! Horror Tale Allrightsreserved®2017 Copyright© By: Hatethatgurl