HT17: Babaeng Naka Pula

64 3 0
                                    



Ako si Abbygail (hindi ko totoong pangalan) gabi nun noong masaksihan namin ang nakakatakot na karanasan.

Pauwi kami noon galing sa isang resort. Hindi pa sana kami uuwi kaso, may pasok kami kinabukasan.

Nag leave lang kami ng mga kaibigan ko para naman maenjoy namin ang summer. Nakalabas na kami ng resort at binabaybay namin ang madilim na daan palabas.

8 o'clock na ng gabi. Tahimik lang kami sa loob dahil sa pagod kakaligo sa pool. Anim kaming magkakaibigan. Dalawang babae at apat na lalaki.

Pinikit ko ang aking mata habang nakikinig ng musika. Nasa front seat ako katabi si Garry (hindi totoong pangalan) na nag dadrive.

'Yong apat naman naka tulog na. Malayo pa kasi kami sa city. Were driving almost 2 hours na at nagugutom na ako.

"Malayo pa ba tayo Gar? Nagugutom na ako." Reklamo ko.

"

Siguro. Sabi ko naman sa inyong ipagpa bukas na lang natin ang pag-alis." Seryoso niyang sabi. "Kanina pa tayo paikot-ikot sa daang ito, eh! Kita mo yang babaing naka pula?" Sabi niya habang nakatingin sa rearview mirror. Sabay nguso sa likod namin. "Kanina ko pa siya nadadaanan." Naka kunot ang noo hudyat na naiinis na siya.

Napatingin naman agad ako sa likod kung saan ang tinutukoy niya. Nag lalakad lang ang babae ng deretso. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko siya at hinahangin ang buhok niya papunta sa mukha niya.

"Hintuan mo! Mag tatanong tayo." Saad ko.
"Huwag na! Bibilisan ko na lang yong pag mamaneho." Sagot niya.

As he said binilisan niya yong pag dadrive niya. Lumiko kami sa kanan tapos, lumiko na naman kami sa kaliwa. Kanan ulit at isa pang kanan.

Napa buntong hininga si Garry. Dahil hanggang ngayon nakikita parin namin yong babaing naka pula.

Kahit saan kami lumiko nandoon siya nag lalakad. Biglang tumayo ang balahibo ko.

"Sinusundan niya yata tayo Abby." Sabi ni Garry na hindi nakatingin sa akin.



Tahimik lang akong pinagmasdan ang babaing naka pula na nag lalakad sa may likuran namin. Sunod lang siya ng sunod at nakakairita na. She's creeping me out.

"Baka naliligaw din?" Asik ko. Nagkibit-balikat lang si Garry.

Drive lang ng drive si Garry. Kung saan saan na lang siya lumulusot maiwasan lang ang weird na babaeng nakapula. Ilang segundo pa ay huminto yong babae sa harap namin dahilan ng pag preno ni Garry.


"Ouch! Anyari pre?"
"

Anong nangyayare?"
"Aghhh!" Samot saring reaksyon galing sa mga nasa likod. Sa sobrang lakas ng pagka preno ni Garry talagang masusubsub ka sa harapan mo.


Katahimikan...

Another silence...

Walang gusto mag salita sa aming dalawa ni Garry sa aming nasaksihan.

Gulat at takot ang gumuhit sa aming mga mukha ni Garry. What the! 'Yong babaing naka pula huminto kanina sa aming harapan ni Garry.

Ngunit, wala na siya ngayon. Nagka tinginan kami ni Garry at sa mga taong nasa likod.

Paano siya napunta sa harapan kung gayong nasa likod lang naman namin siya the whole time?

"Guys. May napansin ba kayong babaing naka pula kanina pa simula nung umalis tayo?" Mahabang tanong ni Garry sa kanila.

"Ha? Meron ba pre? Wala kaming napansin eh!" Sagot ni Andrew (hindi totoong pangalan)

"Ano ba kasing mangyayare Abby, Garry?" Singit ni Kayla (hindi din totoong pangalan)

Umiling na lang si Garry at nag simula ng mag maneho. After ng ilang minuto nakita na namin ang mga kabahayan.

Palatandaang nasa city na kami. Nag tatanong parin ang utak ko hanggang ngayon.

Sino yong babaeng naka pula? Ba't bigla siyang nawala? Hindi kaya ...

Multo iyon???

Horror Tale (✔COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon