HT12: Panaginip

80 4 0
                                    


Ako si Kath (author ng kwento) isang beses lang akong nanaginip pero, may epekto agad sa akin ito.

Buntis ako sa panaginip ko at nasa ibang bahay ako. Hindi ko alam kung kaninong bahay yon pero, sa tingin ko mukhang sa asawa ko kuno. Natutulog na kami nun ng asawa ko kuno. Hindi ko kita yong mukha niya kasi naka talikod ito sa akin.

Bumangon daw ako sa kama at nag tungo sa banyo namin (ayon sa panaginip ko) nasa baba banyo namin so, kelangan ko pang bumaba ng mahabang hagdan.

Pagbaba ko ng hagdan nasa gilid nun ang banyo namin. Papasok na sana ako nang napahinto ako bigla. Sa tapat ko ay may nakatayong babae na parang nag luluto sa kusina.

Hindi ko iyon pinansin baka kasi si manang lang (yong katulong daw sa panaginip ko) tumuloy akong pumasok sa banyo. Pagka labas ko ng banyo nandoon parin yon babae. Nag luluto siya pero, hindi naman nag-aapoy yong kawali niya at wala din akong nakikitang may kung ano-anong gulay o ingredients sa pag luluto niya.

Nag hahalo lang talaga siya. Rinig na rinig ko rin ang pag banggaan ng sandok sa kawali. Sinubukan ko daw na dumaan sa gawi niya para silipin kong ano yong niluluto niya. Pagka silip ko, wala talaga akong nakita sa kawali niya. Tanging sandok lang na pinag hahalo niya.

Napailing daw ako at umakyat ng hagdan pabalik sa kwarto namin ng asawa ko kuno. Pero, nakakailang hakbang pa daw ako ng bigla itong mag salita.

"Kay. Umuwi ka na. Hinahanap ka na ng mama mo." Sabi nito ng paulit-ulit.

Nagtataka akong lumingon sa kanya. Hindi naman kasi ako tinatawag na kay ni manang. Maam Katg tawag niya sa akin sa bahay (ayon sa panaginip ko) Nakatitig lang ang mata ko sa babaeng nakatalikod sa akin. Hindi na siya nag luluto na kanina niya ginagawa.

"Ho? Manang, ano po yong sinasabi niyo dyan?" Tanong ko sa panaginip ko.

"Umuwi ka na. Nag-aalala na ang mama mo sayo." Sabi niya.

Hindi ko alam pero, nag simula na akong kabahan. Bakit parang kilala ko siya? At mukhang kilala niya rin ako.




Sino ka?

---

Tok! tok! tok!




Isang malakas na katok ang gumising sa buong diwa ko noon. Nakahiga na pala ako sa sofa namin at doon naka tulog. Napagod kasi ako sa kakatrabaho ko that day eh!

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at napailing. Kapag pagod talaga ako (until now) kung ano-ano na lang ang napapanahinipan ko. Tumayo na ako at pinag buksan yong kumakatok.

Pag bukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang mukha ng nag-aalala kung pinsan na lalaki. Hindi ko alam pero, bigla akong kinabahan.

"Hoy! Obet! (Di niya totoong pangalan) anong nangyari sayo?" natatawa kong tanong.

Base sa itsura niya mukha siyang natatae na ewan. Ilang minuto lang siyang nakatitig sa akin at sinubukan niyang mag salita.

"Ate Kikay. Patay na si tita." Balita nito sa akin.


"S-sigurado ka? Anong nangyari!" Tanong ko.

"Oo ate. Namaalam na siya ate. Lumalala na kasi ang sakit niya" Sabi pa nito.

Nagsitayuan ang balahibo ko sa sinabi niya. Siya siguro yong babaeng napanaginipan ko kanina.


---

Horror Tale (✔COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon