Nakatayo lang kami ng boyfriend ko habang nakatitig sa isang mamahaling hotel na aming checheck-inan. My mom knew about my secret. Having a gangster boyfriend is not good for me. Bad influence daw ito sa akin. Wala daw akong future sa kanya. Kaya noong nalaman niya, pinapili niya ako. Family or boyfriend. Of course, lalayo pa ba tayo? Syempre, 'yong boyfriend ko. And boom! Pinalayas niya ako. So, me and my boyfriend Karrie ended in a hotel. Ayoko naman sa kanilang bahay kasi nahihiya ako. Mali kasi ang ginawa ko. Pero ano bang magagawa ko? Mahal ko si Kairie.
"Babe, let's go?" Yaya niya. Nginitian ko siya at kumapit sa braso niya. Pumasok na kami sa loob at nagtungo sa front desk at nagtanong.
"May available pa bang room miss?" Kairie ask the lady.
"Wait lang sir." The lady said at may tiningnan sa computer. "Ah, yes sir." Nakangiti niyang sagot.
"Rooom for two please?" Kairie said.
"Okay sir. You're occupaying room 13 in the right corner. Here's the key. If any problem po complain lang kayo. Aayusin namin." Mahabang litanya ng babae at nginitian kami.
"Thanks." Kairie said and drop his killer smile.
"No problem. Enjoy your night ma'am and sir!" Yumuko pa talaga siya sa amin.
Hindi na siya sinagot ni Kairie at pumasok na kami sa magiging room namin. Okay naman ang room. Malaki at malinis. May isang kama na kasya ang dalawang tao, may t.v at isang banyo. Inilapag ni Kairie ang mga gamit namin sa gilid ng kama at sabay kaming nahiga.
"Is your mom still mad at me?" He ask out-of-nowhere.
"Medyo. Huwag mo na lang siyang alalahanin. I'm sure lilipas din ang galit niya. I'm still her daughter after all." Sagot ko. Pinapagaan ko ang loob niya.
Nung nalaman niya kasing pinalayas ako sa amin dahil pinili ko siya eh, sinisisi na niya ang sarili niya.
"I loved you babe. So. Much." He said and kiss me on my lips.
"I love you too. Always." I answered him and kiss him back.
After kissing each other my man Kairie said he needs to wash up. Kasi ang lagkit na daw ng katawan niya. I agree to him. He kiss my forehead and head to the c.r.
Nakaupo lang ako sa kama habang pinagmamasdan ang boyfriend kong naliligo. Hindi niya kasi sinara ang pinto. Kaya kitang kita ko kung paano niya hubarin ang mga saplot niya sa katawan.
Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga ang lalaking iyon. Tumayo na ako at nagpalit ng damit. Tinatamad kasi akong maligo. Saka hindi naman ako mabaho, eh! Nang matapos sa pagbibihis ay naupo ulit ako sa kama. Sinuklayan ko ang aking itim at mahabang buhok na abot hanggang kilikili.
I even turned off my phone. Alam ko kasing sa mga oras na 'to tatawag si mama at kukulitin akong hiwalayan ang boyfriend ko. Okay lang naman kay papa but kay mama? It's a big NO!
Napabuntong-hininga na lang ako. After kong magsuklay napagpasyahan kong mahiga. Hindi pa kasi tapos maligo itong si Kairie. Ganyan 'yan. Inaabot ng 52 years sa banyo. Habang hinihintay siyang matapos ay dinalaw ako ng antok at tuluyan ng nakatulog.
Nagising ako dahil sa may kung anong gumagalaw sa paanan ko. Nakakumot ako dahil ang lakas ng aircon sa kwarto. Sobrang lamig na akala mo nag ssnow.
"Babe, ginagawa mo?" Nakapikit kong tanong kay Kairie. Nakikiliti kasi ako sa ginagawa niya. Hindi ito sumagot bagkus ay patuloy lang sa kanyang ginagawa.
"Babe! Nakikiliti ako ano ba!" Natatawa kong sabi sa kanya. Sa tuwing hinahawakan niya ang legs ko eh, nakikiliti talaga ako. Kaso ang lamig niya. Sobra!
"Babe, ba't ang lamig mo? Kakatapos mo lang bang maligo?" Takang tanong ko. Tumigil ito sa paggalaw kaya napadilat ako.
Napaupo ako sa pagkakahiga. Nakatabon parin ang kumot sa aking mga paa. Kinusot kusot ko ang aking mata at napatingin sa banyo. Sarado na ito. Mukhang kakatapos lang niyang maligo. Napatingin naman ako sa lalaking nasa paanan ko. Nasa ilalalim ito ng kumot. Bakat na bakat ang katawan niya ng puting kumot. Nakaupo lang ito na para bang nakatingin sa akin.
"Hoy, babe! Ginagawa mo dyan! Lumabas ka na kaya!!!" Suway ko sa kanya. Hindi ko alam pero kinabahan ako noong hindi siya nagalaw. Anong problema ng lalaking 'to?
"Babe! Ano ba! Ang creepy mo naman, eh!" Naiinis kong sabi. Hindi parin kasi ito gumagalaw. Naramdaman kong lumapat ang paa ko sa kanya.
"Hoy! Galaw na. Hindi ka na nakakatuwa! Kairie!" Sigaw ko kasabay ng pag sundot ko sa kanya gamit ang kaliwang paa ko kung saan nararamdaman ko ang malamig niyang balat.
Hindi parin ito gumagalaw. Kaya hinayaan ko na lang siya. Akmang ilalabas ko na sana ang paa ko sa kumot nang bigla naman siyang gumalaw papunta sa akin.
Tawang tawa talaga ako sa trip ng lalaking 'to. Hinintay kong makarating siya sa tapat ko. At nang makarating ito ay napahinto na naman siya. Nanatiling nakatabon ang kumot sa mukha niya. Mas lalo akong natawa.
"Anong klasing trip 'yan babe? Haha!" Hagalpak kong tawa. Hindi ko alam kong anong nakain ng lalaking 'to at nagkakaganyan siya.
Ni hindi ko nga siya narinig mag salita, eh! Nandyan lang siya sa ilalim ng kumot. Nakaupo at parang nakatingin sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya pero parang titig na titig siya sa akin.
Hindi ko alam pero naaasar ako.
"Itigil mo na nga 'to. Umalis ka na sa ilalim ng kumot." Utos ko sa kanya ngunit hindi parin ito gumagalaw. "Ayaw mo ha?" Hamon ko. Kukunin ko na sana ang kumot sa mukha niya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kairie.
"Babe! Bumili ako ng pagkain. Tara kain na tayo." Sabi niya.
Lumaki ang mata ko nang makita siya.
"L-lumabas ka?" Halos hindi ko mabuo ang salitang iyon sa sobrang takot.
"Oo. Hindi na kita ginising kasi ang sarap ng tulog mo." Sabi niya at nagtungo sa lamesa at inilapag ang mga dala niyang pagkain doon.
"Fuck!" Mura ko.
Kung ganun sino 'tong nasa ilalim ng kumot??
"Babe! Okay ka lang!?" Alala niyang tanong.
Hindi ko siya sinagot bagkus ay hinarap ko ang taong nasa ilalim ng kumot. Napalunok ako ng laway at tinapangan ang sarili ko.
Paglingon ko sa kanya...
"Ahhhhhhhhh!" Isang sigaw ang pinakawalan ko at tumakbo patungo kay Kairie.
Nagimbal ako sa aking nakita. Isang babaeng duguan at naaagnas na ang mukha ang bumungad sa akin.
BINABASA MO ANG
Horror Tale (✔COMPLETED)
HorrorNaniniwala ba kayo sa multo, aswang,elemento,engkanto, espirito? Eh, sa mga kaluluwa?? Kasi ako ...OO! Horror Tale Allrightsreserved®2017 Copyright© By: Hatethatgurl