HT23: Yabag At Ingay

50 3 0
                                    



Taong 2015 yata nun nung nangyari to sa akin. Galing ako ng trabaho nun. Opener ako kaya maaga akong nakakauwi sa bahay. Siguro , mga past 8 na ng gabi ako umuwi. Pagka uwi ko deretso agad ako higa sa sofa namin na gawa sa bamboo.

Nakapatay lahat. Ilaw, ceiling fan, pati ang t.v in short... Sobrang tahimik at madilim ang bahay namin. Pagod na pagod na kasi ako nung time na yon. Hindi ko na nga magawang tumayo at eh, on lahat. Buong araw kasi akong nakatayo at nag aasikaso ng custumer nun.

Sumasakit na ang binti at paa ko. Kaya, humilata agad ako sa sofa. Ni hindi ko na nga nagawang pumunta sa kwarto sa sobrang pagod. Agad kong ipinikit ang aking mata nun. At agad namang nakatulog.

Maya-maya pa eh, naalimpungatan ako. Minulat ko ang aking mata at tiningnan kung dumating na ba yong balahura kong kapatid. (Hindi naman masyadong madilim sa bahay. May mga ilaw parin naman na lumulusot sa bintana namin.) Kaso, hindi pa. Kaya natulog ulit ako. Sa sofa kasi siya matutulog at ako naman sa kwarto.

Pero ... Hindi na ako makatulog. Inilagay ko ang braso ko sa aking mata (parang nakatabon sa mata ko.) Nakapikit lang ako habang nakikiramdam sa paligid. Marami akong naririnig. Tunog ng kuliglig at kamang umuuga-uga. Para bang may humiga at bumangon doon.

Nanatili akong nakapikit at nakikinig sa sari-saring ingay. Umuuga parin yong kama sa kwarto ko. Oo! Sa kwarto ko (kama yon ng yumao kong lola. Sira na yon. Yong tipong kapag may umupo lang o humiga eh, mag iingay agad.) Doon nanggagaling ang ingay.

Pero ... Hindi naman sunod-sunod. Siguro, every ten 10 seconds or 15 seconds siya nag-iingay. Hindi pa ako tinamaan ng takot nun. Kasi akala ko ... Guni-guni ko lang. Na dala lang sa pagod ko. Pero mali ako.

Hanggang sa .. May naririnig na akong mga yabag ng mga paa. Yong parang naka paa lang na lumalakad-lakad sa semento ng sahig namin. Papuntang kusina at papunta sa sofa na kung saan ako naka higa. Pabalik-balik. Gusto kong tingnan kung sino yon pero ... Natatakot na ako nun.

Kumakabog na ang dibdib ko at parang maiiyak na ako sa takot. Gusto kong sumigaw at umalis na sa bahay namin. Kaso ... Natatakot na talaga ako. Ang init ng pakiramdam ko. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko. Tangina! Ano ba'to? Ay mali! Sino ba'to?

Nanatili akong nakahiga at naistatwa sa sofa. Hindi ko na makuhang mag dasal pa (nakakalimutan ko talagang mag dasal kapag nakakaranas ako ng mga ganito lol!) Pakiramdam ko... Nakatingin ito sa akin. Sunod-sunod ang pag lunok ko ng aking laway at nilakasan ko na lang ang loob ko.

Dahil memoryado ko naman kung nasaan ang switch ng ilaw namin eh, nakapikit akong bumangon at inon ang ilaw. Bahala na! Sa awa ng dyos na on ko naman ng walang nakikitang kung ano-ano. Sunod kong binuksan ang ceiling fan at t.v namin. Nilakasan ko ang volume ng t.v.

Bumalik sa normal ang nararamdaman ko. Gayun pa man ... Nakakaramdam parin ako ng takot sa tuwing naaalala ang pangyayaring yon (until now...) Nanonood na lang ako ng Oshopping nun at napag desisyunang hintayin ang balahura kong kapatid. Sa ilang oras na pag hihintay.

UouoNadatnan ako ng balahura kong kapatid na nakahiga sa sofa at dilat na dilat ang mata. Natatakot pa talaga ako hanggang ngayon. Ewan ba! Tinanong ako ng balahura kong kapatid kung napano dawn ako. Sabi ko naman pagod lang. Kaso ... Nanigas ako sa sinabi niya.


"Hoy! Anyari sa'yo ate? Nagpaparamdam si lola sa'yo no? 1st death anniversary pa naman ngayon ni lola. Ikaw kasi! Hindi ka sumama sa pag dadasal kanina." Naka ngisi niyang sabi at nag buklat ng banig sa sahig at doon natulog.


Simula nun sumasabay na ako sa dasal ni lola. Kahit late na ako nakakauwi humahabol ako sa dasal niya. Hindi ko na rin pinapatay ang ilaw pati t.v. natatakot parin kasi ako hanggang ngayon.

Horror Tale (✔COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon