HT15: Wakwak

81 3 0
                                    

Taong 2016 noon nung winakwak ako xD aswang yata kung sa tagalog. Nangangain daw ng buntis yon. Syempre! Naniniwala ako. Marami na kasing winawakwak sa lugar namin karamihan yong biktima ay buntis.

So, natakot ako kasi, buntis din ako noong time na yon. 2nd week nun noong January 2016 at 5 months na ang tyan ko nun. Hindi naman halata na buntis ako kasi, kung titingnan mo ako akalain mong busog lang ako. Ako lang mag-isa sa bahay namin kasi yong boyfriend ko sinama ng kapatid ko para mag work nung time na yon.

Oo! Boyfriend pa kasi, hindi pa kami kasal. Wala akong kasama. Ako lang talaga mag-isa. 1 hour has pass nung nakaalis yong kapatid at biyfriend ko.

Bilin nila, mag lock daw ng door at mag suot ng itim na damit. Inaabutan ako ng boyfriend ko ng itim na damit niya. Incase daw. Lagyan ko rin daw ng bawang ying gilid ng bahay namin para, hindi daw ako ma wakwak.

Orasyon daw yon para sa wakwak. Natawa lang ako sa kanilang dalawa. Kasi, hindi talaga ako naniniwala sa ganung bagay. Sabi ko kako napaparanoid na naman sila.

Pero, lingid sa aking kaalaman na mangyayari pala ang hindi ko inaasahan.

Patulog na ako nun. Nakatihaya ako at naka tingin sa kisame. Wala lang. Hindi pa kasi ako inaantok nung mga oras na iyon. Nang bigla akong nagulat dahil sa may bumagsak sa bubong namin.

Edi, nag taka ako. Napatingin ako sa wallclock na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Ala una na ng madaling araw. Sino kaya yon? Hanggang sa... Nasundan na naman ng malakas na kalabog.

Galing parin sa bubong namin. Napailing lang ako. Baka, pusa lang na nag lalaro. Simula nung mabuntis ako ang ingay na ng mga pusa dito sa amin. Minsan nag-aaway, minsan naman nag hahabulan sila sa taas ng bubong namin.

Hinayaan ko na lang. Nakatingin lang ako sa kisame. Nag simula ng gumapang ang takot ko sa katawan. Nang may napansin akong nag lalakad sa bubong namin. Bakat na bakat yong paa niyang naka tapak sa kisame namin.

Napa lunok ako ng laway. Kasi, nahinto siya sa pinag hihigaan ko. Hindi ko alam kung bakit nahinto yon. Isa lang ang alam ko. Maiiyak na ako. Nakakatakot! Ilang minuto bago ito gumalaw papunta sa paanan ko.

Lunok ako ng lunok ng laway. Nag iinit na ang talukap ng aking mata. Bwesit! Sino ba kasi yan? Bakit nasa bubong namin siya? Hindi ako nagalaw sa hinihigaan ko.

Nakatitig lang ako sa kisame kung saan yong nag lalakad. Wala akong maririnig ma kung ano-ano. Tanging napakatahimik lang ng paligid. Pabalik-balik siya. Yong tipong, alam niya kung nasaan ako.

Tumagilid ako. Naalala ko kasi yong sinabi ng mama ko. Sabi ni mama kapag may naramdaman daw akong iba sa bahay tatagilid daw ako kasi, marahil ay wakwak yon.

Sabi pa ni mama. Nakikita daw nila ang mga biktima nila. Oo! Hindi ako naniniwala sa mga ganun pero, ngayon? Naniniwala na ako. Baka, wakwak yong nasa bubong namin at ako na ang susunod niyang biktima.

Kinuha ko yong damit na iniwan sa akin ng boyfriend ko. Itim iyon at binalot sa aking sarili. Nag dasal na din ako sa panginoon na huwag akong pabayaan.

After kong mag dasal, tinext ko na yong boyfriend ko na umuwi na kasi, natatakot na ako. Ilang minuto lang may kumatok sa pinto. Nag dadalawang isip ako kung bubuksan ko ba. Baka, aswang yon.

"Kate!!! Ako ito!! Buksan mo ang pinto." nang marinig ko ang boses niya patakbo kong tinungo ang pinto at pinag buksan siya.

"Okay ka lang? Anong nangyari?" hindi ko siya sinagot bagkus ay niyakap ko na lang siya. Next thing I know umiiyak na pala ako.

Kinaumagahan nun nasa labas kami ng boyfriend at ng kapatid ko. May binili kami sa tindahan. Narinig namin yong pinag chichismisan ng chismosa naming kapitbahay.

"Mads! Naay aswang gabii ba. Isog kaayo. Gutom na jud siguro kaayo to."
(Mads! May aswang kagabi. Sobrang lakas niya. Gutom na gutom na siguro 'yon!)
"Nadungog pud nimo mads? Grabi! Pwerti nakong hadluka gabii. Abi nakog nag bugno lang na ering. Wakwak na diay."
(Narinig mo rin mads? Grabi! Takot na takot ako kagabi. Akala ko pusa lang na nag-aaway. Aswang na pala 'yon)
"Naa man guy buntis sa atoang silingan. Basin, wala syay proteksyon mao gi wakwak siya."
(May buntis kasi tayong kapitbahay. Bala wala siyang proteksyon kaya inaswang.)
"Sos! Kaila man ko anang wakwaka na! Silingan ra nato."
(Sos! Kilala ko ang aswang na yan. Kapitbahay lang natin 'yan!)
"Diha ka mads? Buntis raman amg kinaham nila diba?"
'Sigurado ka mads? Buntis lang naman ang gusto nila 'diba?)

Nagka tinginan lang kami ng asawa at kapatid ko sa isa't-isa at tumahimik na lang kami. Sobrang nakakatakot.

Horror Tale (✔COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon