HT3: Kwarto 1.2

171 7 0
                                    

Tanghali noon ng napag pasyahan namin ni mama na pumunta ng probinsya. Susunduin kasi namin ang dalawang taon kong kapatid. Dinala kasi sya ni papa at hindi na sila bumalik. Baka daw na pano na ang kapatid ko. Ilang minuto lang ng biyahe nakarating din kami somewhere in Leyte. Doon daw nakatira ang pamilya nila papa. Agad kaming bumaba at hinanap ang bahay nila. Buti at natuntun pa ni mama ang bahay kung saan sila nakatira ngayon.

Naka punta na daw kasi si mama dito noong pinag bubuntis nya ang kuya ko. Tatlo kaming mag kakapatid isang babae at dalawang lalaki. Hindi sumama si kuya dahil biyahelo daw sya. Baka, masuka lang sya sa loob ng bus.

"Oh Marie, Ikaw pala anak mo? Ang laki na, ah?" Tumango naman si mama. "Pasok kayo. Buti naman at napadalaw ka ang tagal mo ng di naka punta dito, eh!" Dagdag pa niya. Hindi ko sya kilala ngayon ko palang siya nakita.

"Pasensya na Annie, ha? Busy kasi ako ngayon. Anak ko si Cathy nandito kami para kunin ang kapatid nya." Nakangiting sabi ni mama. "Si Lucio saan?" Tanong ni mama.

"Nasa loob. Tara, ipapakita ko sa inyo yong kwarto nyo." Sumunod naman kami ni mama kay Tita Annie. Sabi sa akin ni mama kapatid daw siya ni papa.

Pinakita agad ni tita sa amin yong kwarto namin. Magkatabi ang kwarto namin ni mama at hindi kami magkasama. Si papa kasi ang kasama niya samantalang ako naman ay ang kapatid ko. Nag kwentuhan pa ng nag kwentuhan sila mama at tita. Bored na bored na ako dito. Ang tahimik, eh! Ganito pala kapag nasa probinsya ka ano? Napag pasyahan kong libutin muna ang buong bahay nila tita.

Hindi naman gaanong kalakihan ang bahay nila. Yong tipong may sala, may limang kwarto at dalawang cr. Syempre, kumpleto sila sa mga gamit gaya ng tv, electricfan, washing machine, oven, may sala set sila, at marami pang iba. Napa mangha naman ako sa kanilang garden ang gaganda ng mga bulaklak. Narinig kong tinawag na ako ni tita kakain na daw kami. Patakbo naman akong nag tungo at naabutan ko silang nakaupo na sa hapag kainan. Pagkatapos naming kumain, tinulungan ko muna si tita Annie sa higasin tapos naming maghugas ay agad akong pumanhik sa magiging kwarto ko. Naupo ako sa kama ko at nilibot ang paningin.

"Ang laki naman mg kwartong ito. Sino kayang may ari nito?" Bulalas ko habang nililibot ng mga mata ko ang kwarto. May dalawang bintana naman sa kwartong ito. "May tao kaya dyan sa kabila?" Dagdag ko pa ng may napansin akong parang malaking awang sa dingding.

Gawa kasi sa tabla ang kwarto nila at may parang parihabang awang sa itaas ng dingding. Mahirap eexplain eh! Intindihin nyo na lang. Mukhang kwarto rin eh! Napailing na lang ako at naligo na. Gaya ng sabi ko dalawa ang cr nila. Isa dito sa kwarto ko at isa sa baba. Pagka tapos kong maligo agad akong nag bihis at nahiga. Alas syete na kasi ilang segundo lang pumasok si mama dala ang kapatid kong si June.

"Anak, bantayan mo tong kapatid mo okay? Matulog ka na." Tumango lang ako kay mama at hinalikan sya sa pisngi.

Pagka tapos niyang ilagay si June sa crib ay agad din naman siyang umalis. Nakatitig ako sa natutulog kong kapatid. Nakaramdam na ako ng antok kaya kiniss ko siya sa cheeks at natulog na din. Na alimpungatan ako dahil sa ingay sa kabilang kwarto. Napa bangon naman ako sa kama ko at sumandal sa headboard nito. Pinapakinggan ko ang pag tatalo nila.

Iba't-ibang boses ang naririnig ko. May boses ng babae at boses ng lalaki at may umiiyak na mga bata. Pinakinggan ko sila ng maagi ilang segundo lang natigil din sila. Nabaling naman ang tingin ko sa kapatid ko. Mahimbing parin ang tulog nya. Maya-maya narinig kong may sinabi yong babae sa mga bata.

"Mga anak, matulog na kayo may itim na pusa ang dadaan." Biglang tumahimik ang paligid at nagulat ako dahilan nag katotoo ang sinabi ng babae sa bata.

May dumaang pusa na itim galing sa kabilang kwarto. Dumaan ito sa awang na sinasabi ko. Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko yong pusa na bumaba at nag tungo sa bintana ko. Bukas kasi ito sa pagkakatanda ko sinirado ko naman iyon. Kinuha ko ang kumot at binalot sa katawan ko. Nakatingin ako sa awang ng kabilang kwarto. Hindi ko alam kung vakit pero parang may nag sasabi sa akin na tumingin ako doon. Ilang minuto pa may biglang lumabas sa awang ng kabilang kwarto kaya napatitig ako.

Matutulis na mga kuku at kulay pula ang mga ito. Unti-unti pang nadagdag ang lumalabas sa awang ng kabilang kwarto. Kitang-kita ko ang ilang kapiraso ng maitim nitong mga buhok at kita yong noo nyang maputi. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Nagsi tayuan na din ang mga balahibo ko sa aking katawan. Hindi ako kumukurap at nakatitig parin ako sa kanya. Hanggang sa nakita ko ang dalawang mga pares ng kanyang mapupulang mata na nakatingin sa akin.

Napa lunok ako ng laway. Tagaktak narin ang pawis ko na tumutulo pababa sa muka ko. Kinilabutan ako sa nakita agad akong tumayo at kinuha si June. Patakbo kong tinungo ang kwarto nila mama at papa. Kumatok ako sa kwart nila mama at bumungad sa akin ang muka ni mama na kagigising lang. Tinanong niya ako kung ano ang nangyari. Umiling lang ako at pumasok sa kwarto nila. Sa takot ko hindi ako nakapag salita agad.

Kinabukasan kinulit ko ng kinulit si mama na umuwi na kami sa Davao. Sinabi ko na rin yong nakita ko kay tita at ito yong sagot niya.

"Cathy, matagal ng walang nakatira sa kabilang kwartong katabi ng kwarto mo. Nag pakamatay kasi ang nakatira diyan ng nalaman nyang tinangay ng aswang ang asawa nya."

Halos lamunin ako ng lupa nang sinabi iyon ni tita sa akin.

---

Horror Tale (✔COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon