HT 20: May Sumipa Sa Akin

60 4 0
                                    



Ako si Kath (a.k.a Hatethatgirl. Kikay nickname ko at ako ang author ng kwentong ito) hindi ko na maalala kong anong buwan, petsa o araw nun. Basta ang alam ko lang tanghali na nun noong nasa bahay ako ni Inday (nickname ng kaibigan ko)

Nag tatrabaho kasi kami sa lola niya nung time na yon. Panggabi yong work namin hanggang sa mag umaga. Kadalasan, umuuwi kami ng 7;30 or 8;50 am sa bahay.

Taga deliver kami sa loob ng net caffe ng canton, drinks etc. 250 a day yong kinikita naming dalawa doon. Nakasanayan ko na na kapag kami yong partner, sa bahay nila ako dederetso (minsan kasi iba yong nakakapartner ko)

Kakain kami ng agahan tapos eh, matutulog at tapos, hapon na kung magising. Dahil na rin siguro yon sa puyat. Magkapitbahay lang kami. After naming kumain nun, natulog na kami. Mas nauuna siyang nagigising sa akin.

Ito na! Mahimbing yong tulog ko nung time na yon. Naka kulob ako habang natutulog. Sa sahig ako natulog nun. Eh, bigla na lang akong nagising dahil sa may sumipa sa paa ko ng pagka lakas-lakas.

Pagka gising ko. Ang dilim ng paligid. Tanging ilaw lang ng t.v yong nag sisilbing liwanag. Napa tingin ako sa t.v. nun. Pure love na. Hindi ko na talaga alam yong exact time nun. Madilim na kasi sa labas.

Binuksan ko yong ilaw tapos, hinanap ko si Inday sa kwarto niya at sa kwarto ng kuya niya. Wala siya doon. Dumungaw ako sa bintana. Wala siya doon (Up and down yong bahay nila. Actually, marami akong kaibigang up and down yong bahay. Tapos, majority rin sa mga kapitbahay namin up and down yong bahay nila. Sa amin lang yong hindi xD)

Napailing na lang ako. Baka, napag tripan ako ni Inday. Nanood na lang ako ng Pure Love nun. Maya-maya pa. Ginulat niya ako dahilan ng pag iktad ko.

"Ang hilig mo talagang man trip no?!" Asar kong sabi. Napa "Ha" lang siya.

"Sinipa mo kasi ako kanina tapos, ngayon naman nang gugulat ka. Ano bang nakain mo?" Mas lalong napa "Ha" siya.

"Hindi kita ginising oy! May balak kasi akong gisingin ka pag dating ni mama." Tapos na ngiti siya. Napa ngiwi ako sa sinabi.

"Wi?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Oo nga! Nasa baba ako nag luluto ng ulam namin no!" Dahilan niya.

"Eh! Sino yong sumipa sa akin kanina?" Takang tanong ko. "Baka, mga kapatid mo?" Sabi ko pa. May dalawang nakakabatang kapatid kasi siya. Baka, sila kako. Wala yong kuya niya nung time na yon. (apat silang mag kakapatid. Yong kuya niya, siya, at ang dalawa niyang batang kapatid)

"Ha? Nasa labas sila. Nag lalaro kanina pa. Hindi pa nga umuuwi eh!" Sabi naman niya.

Natigilan kami at nag uunahang makababa sa hagdan. Muntik pa ngang mahulog si Inday nun eh!

Imbis matakot, tumawa lang kami. Kasi, muntik na talagang mahulog si Inday that time eh!.

"Basta! Sinasabi ko sayo hindi ako yong sumipa sayo Kay." Huling sabi niya at lumabas ng bahay niya.

Hahanapin siguro ang mga kapatid niya.

Bwisit! Sino kaya yun??

Horror Tale (✔COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon