HT28: Pinto

34 2 0
                                    

HTG's Note: Hi , ambaaaak ! Happy 1.12K reads mga pre ! At dahil dyan ... Tsanan ! Mag uupdate ako . Kwento 'to ng kapitbahay ko . Enjoooy !


---

This happen 1 month ago lang. Kasalukuyan akong naliligo nun. Dalawa lang kami ng anak kong 2 years old sa bahay. Kasi 'yong asawa ko ay nag tatrabaho that time. Iniwan ko lang ang anak kong nasa duyan at natutulog. Sa labas ako ng bahay naligo nun. Wala kasing tubig sa banyo. Napapagod akong mag-igib kaya, doon na lang ako naligo sa labas. Isinara ko ang pinto para, hindi pumasok 'yong tubig sa loob.

Todo koskos ako sa aking balat nun. Pakanta kanta pa ako hanggang sa bigla na lang bumukas ang pinto. Wala namang hangin. Nagtaka ako. Babaliwalain ko na lang sana nang maisip ko ang anak ko. Baka gising na ito at siya 'yong nag bukas ng pinto. Kaya, kahit basa ako ay pumasok ako sa loob ng kwarto. Kaso, tulog pa naman ang anak ko.

Binalewala ko na lang at nagtuloy sa paliligo. Kaso, nasundan na naman ang pangyayaring iyon

Tanghali na nun noong naglalaba ako. Sa labas parin ako ng bahay nag laba kung saan ako naligo nung isang araw. May tubig namana kaso, masikip kasi 'yong banyo namin. Hindi kasya ang planggana ko. Pinatulog ko muna ang anak ko bago nag laba. Ang kulit kasi nung batang 'yon. Nang makatulog ang anak ko ay nag banlaw ako ng damit. Nag sasabon na ako nun. Kinusot kusot ko na ang mga damit.

Siguro mahigit trenta minutos din ang bibilanging noong gumalaw ang pinto sa may gilid ko. Nilingon ko ito. Paglingon ko hindi namana gumagalaw. Nagkibit-balikat na lang ako. Bumalik ako sa paglalaba. Mga tatlong minuto gumalaw ulit ang pinto. Hindi ko na naman pinansin. Baka, kako gising na ang anak ko at naglalaro lang sa likod ng pinto. Patuloy parin ako sa paglalaba nang gumalaw na naman ito. Sineta ko na.

"Dodong! Huwag ka ngang maglaro dyan." Suway ko. Huminto naman ito. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga ang kulit ng batang 'yon.

Nangangalahati na ako sa nilalabhan ko ng gumalaw na naman ang pinto sa gilid ko. Napabuntong-hininga ako at ipinahid ang bula ng sabon sa gilid ng damit ko. Tumayo ako sa pagkakaupo sa bangko at sinilip iyong pinto. Pero, bigla na lang akong kinilabutan ng wala akong makita. Tinungo ko ang kwarto baka gising na si dodong pero, tulog parin ito.

Baka, daga lang 'yon. Kumbinsi ko sa sarili ko. Hindi, eh! Kasi, kung daga iyon maririnig ko naman ang bakas nun (Marami kasi daga sa bahay.) Kaso, wala akong narinig, eh! Sino kaya 'yon.

Horror Tale (✔COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon