HT30: Silip

42 2 0
                                    

HTGb's Note : Hi guys! I just want to say that this would be the last chapter of Horror Tale. But, don't worry I made a book two called Horror Tale 2. I will publish it after editing this one. And I hope you will still support my stories. Thanks, enjoy reading!

Warning: Ang mga pangalan na nabanggit sa istoryang 'to ay pinalitan at binago.

---

Itago niyo na lang ako sa pangalang Amalia. Gabi nang manyari ito. Bumisita sa akin ang kapatid ko dahil namimiss niya na daw kami ng mga anak ko. Malayo kasi ang bahay niya at minsan lang din kami magkitang dalawa. Busy ako sa pagpapalaki at hatid sundo sa mga anak ko sa iskul. Habang siya naman ay nasa t***l nakatira at nag mamanage ng maliit niyang negosyo. May dalawa akong anak. Si Ana at Derek. Grade 2 na si Ana samantalang high school naman si Derek. Ang asawa ko naman ay isang barbero.

Dinalawa ako ni Arah kasama ang isa niyang anak na si Dexter. Hindi niya kasama ang asawa niya. Busy kasi ito sa trabaho. Isang police ang napangasawa ng kapatid ko. Close kaming dalawa. Sobra.

Nakatulog na noon ang mga anak namin habang kami eh panay ang kwentuhan. Kung sino sino na lang ang napapag-usapan namin. Hindi namin namalayang sobrang lalim na pala ng gabi. Alas onse 'y medya na.

Napagpasyahan naming matulog na. Napagod ang mga bata kakalaro sa labas kanina kaya maagang nakatulog. Sa kwarto kaming lahat natulog. Kasya naman kami sa malaki naming kama. Marahil ay namiss lang namin ang isa't-isa kaya napasarap ang kwentuhan. Iba na talaga kapag nagkaasawa ka na, no? Lalo na't magkalayo kayo ng bahay. Busy pa masyado sa buhay. Walang time.

Nagpapatay kami ng ilaw. Sa sala. Sabi kasi nila conserve electricity. Maliban sa loob ng kwarto namin. Wala lang. Hindi ako makatulog kapag patay ang ilaw. Nang makasigurong wala ng lalabas inilock ko ang pinto at nahiga na sa kama.

Hindi ako mabilis dalawin ng antok kaya nag fb muna ako. Scroll scroll lang at tamang comment sa post ng mga kakilala ko. Nachat na rin kami ng aking asawa. Nasa kapatid niya kasi ito at sinicelebrate ang kaarawan ng kapatid niya. Gusto ko sanang sumama kaso may pasok ang mga bata. Mabuti na lang talaga pumunta si Arah dito. Kung hindi baka namatay na ako sa sobrang bored. Nang makaramdam ng antok ay pinatay ko na ang data sa phone ko at natulog.

Naalimpungatan ako dahil may yumugyog sa akin. Nagising ako at bumungad sa akin ang mukha ng aking anak na si Ana. Kinusot ko ang aking mata.

"Ma, naiihi ako." Ani ng anak kong si Ana. "Tara. Dahan dahan lang baka magising sila." Saway ko sa kanya at bumangon na.

Binuksan niya ang pinto at pinailaw ang sala. Sinamahan ko siya sa banyo para umihi. Ilang minuto lang tapos na siya. Pinauna ko siya sa kwarto at finlush 'yong ihi niya. Nang matapos ay pinatay ko ang ilaw sa sala at pumasok na sa kwarto. Pagpasok ko nadatnan kong nakaupo si Ana at nakatitig sa labas ng kwarto. Madilim na doon dahil pinatay ko na ang ilaw sa labas.

"Anak, ano pang hinihintay mo? Matulog ka na." Sabi ko sa kanya. Hindi naman ito nakibo at panay lang ang titig sa labas na para bang may tao dito.

"Ana!" Mahina kong sigaw. Baka magising sila. "Ano ba kasing tinitingnan mo dyan? Matulog ka na. May pasok ka pa bukas." Asar kong sabi. Isasara ko na sana ang pinto nang natigilan ako sa sinabi niya.

"Ma, si kuya silip nang silip." Sumbong niya. Nakatitig parin ito sa labas. Kumunot ang noo ko.

"Nako kang bata ka! Matulog ka na." Suway ko at lumapit sa kanya. Pinahiga ko siya at kinumutan. Bumalik muli ako doon para sarhan ang pinto nang nagsalita na naman ang anak ko.

"Ma, si kuya nasa labas. Nakatayo siya nakatitig sa akin."

Naramdaman kong tumayo ang aking mga balahibo sa sinabi niya. Hindi ko pinansin ang anak ko at tuluyan ng isinara ang pinto. Tumabi ako sa kanya sa pagkakahiga.

"Ana, tulog na." Pag-uulit ko.

"Ma, si kuya..." Kulabit nito sa akin. Nakatalikod na kasi ako sa kanya.

Humarap ako at inayos ko ang kumot niya.

"Tigilan mo ako, Ana, ha? Sige na. Tulog na." Napahinga ako ng maluwag nang sinunod niya ang sinabi ko.

Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit sinasabi niyang nasa labas ang kuya niya gayong nasa tabi lang naman ito ni Arah.

Mahimbing na natutulog.

Horror Tale (✔COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon