HT25: Psssst!

41 3 0
                                    



Naranasan niyo na bang masutsutan? Yong tipong nakapangilabot sa katawan? Kasi ako OO! Tandang-tanda ko pa ang karanasan namin ni ate (asawa ng pinsan kong si kuya Wing) Kahit ilang taon na ang lumipas, presko parin sa aking alaala.

Gabi noon nung nanonood ako ng Iisa Pa Lamang na pinagbibidahan nila Claudin Barreto, Kris Aquino at Gabby Conception (if I'm not mistaken.) Gabi-gabi ko iyong inaabangan kahit na ako na lang mag-isa ang nanonood. Sila mama, bunso, kuya, kuya na pinsan ko at ang asawa niya kasi ay tulog na.

Byernes yon. Hinintay kong matapos ang Iisa Pa Lamang tapos, matutulog na ako. Okay lang naman na matagal ako matulog kasi, wala naman kaming pasok bukas. Habang nanonood ako, past 11:30 na ata nun or something na, bigla ko na lang naramdaman ang takot sa aking katawan. Ewan ba? Uminit na lang bigla ang katawan ko, eh! Dahil sa nadarama ko ay napagpasyahan ko na lang na patayin ang tv.

Humiga na ako sa tabi ni mama. Nasa sala kaming lahat nun natutulog. Nasa paanan namin si kuya na pinsan ko at ang asawa niya. Sa bahay pa kasi sila natutulog nun. Sa kwarto naman si papa. There not in good terms sila ni mama nun saka, tutol siya sa pag stay ni kuya na pinsan ko sa bahay namin. Dito na rin unti-unting lumalabo ang relasyon nila mama at papa. Elemetary pa ako nang nangyari 'to (hindi ko na maalala yong grade ko that time.)

Ayon na nga. Sinubukan kong matulog. Nagtaklubong ako ng kumot kahit naiinitan ako. Iba kasi pakiramdam ko, eh! Parang may nakatingin sa akin. Nasakto pang natapat ako sa bintana na katabi lang ng cr namin. Aligagang-aligaga na ako nun. Yong feeling na gusto mong gumalaw kaso natatakot ka? Hindi kasi talaga ako gumalaw nun kasi, para malaman ng kung sino mang yon na tulog na ako. But, the hell! Hindi ako makatulog.

Ang bilis ng tibok na puso ko at nag uunahan ng tumulo ang mga pawis ko mula sa noo pababa sa mukha ko. Nakiramdam lang ako nun at kapag may gumalaw kila mama or isa man sa kanila ay sasabay ako. Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang...

"Pssst!" Tumigil ang paghinga ko. Tumigas ang buong katawan ko. May kuryenteng dumaloy mula sa paa papunta sa mukha ko. Nakakapanindig balahibo ang sutsut na yon. At sa tingin ko nanggagaling iyon sa bintanang nasa tapat ko mismo.

I was so fucking scared that night. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako nung time na yon o sisigaw? Ang gulo ng isip ko noon. Gusto ko ngang silipin ang nanunutsut sa akin, eh! Kaso... Pinangunahan ako ng takot. Napahigpit ang hawak ko sa kumot ko at sumuksuk lalo kay mama. Lingid sa aking kaalaman, gising pala noon ang asawa ni kuya Wing (hindi tunay na pangalan) na si ate Steph (hindi tunay na pangalan)

Every 15 seconds ay susutsut na naman siyang muli. Kahit natatakot na ako ay nanatili akong nakataklubong ng kumot. Nakikinig at nakikiramdam lang ang ginawa ko noon. Hanggang sa nasundan na naman ang pagsutsut niya. Dahil sa sobrang takot naiihi na ako. Pinigilan ko ang pag-ihi ko. Kasi nga... Ayokong bumangon at mag cr. Baka kako makita ko yong siraulong nag susutsut sa akin.

Maya-maya pa... Ginising ni ate asawa nya na pinsan ko. Magpapasama siya sa banyo. Gaya ko, naiihi narin siya kaso... Tulog mantika si kuya nun. Ayaw niyang magising-gising. Naawa naman ako sa ate kaya nagkunwari akong gising kahit na hindi naman ako natulog. Sabi ko ako nalang sasama sa kanya kasi naiihi na rin ako. Pagpasok namin sa banyo ay naihi na kami. Ako sa inodoro siya sa semento (nakaupo siyang nawiwi pero, hindi nakalapat ang pwet niya sa lupa gets mo?)

Pagkatapos naming umihi ay inayos namin ang aming shorts. Bubuhasan sana namin yong ihi namin nang bigla nalang kaming napatakbo ng wala sa oras. Narinig namin mismo ang pag sutsut ng nakakakilabot na tinig na nanggagaling sa bintana. Nagising noon sila mama at tinanong kami kung anong nangyari.

"W-wala lang." Si ate ang sumagot.

May Nagwawalis Sa Labas

Karugtong 'to ng kwento ko kanina.

Natulog na ulit kaming lahat. Ang problema nga lang eh, hindi talaga ako makatulog. Hinintay ko na lang mag umaga. 3:45 na kasi nun kaya, kunti na lang mag uumaga na. Nawala narin yong sumusutsut sa amin kanina. Ngunit, maya-maya pa ay may iba namang nagpaparamdam.

May narinig akong may nagwawalis sa labas ng bahay. Hindi ko alam kung sino yon pero kasi nakakabulahaw siya. Ang ingay niya. Walang tigil ang pagwawalis niya. Akala ko ako lang ang nakarinig nun pati pa pala si ate. This time, sinampal na niya si kuya Wing para magising ito. Si kuya kasi yong tipo ng tao na hindi natatakot sa aswang. Partly true.

"Hon, bakit na naman?" rmReklamong tanong ni kuya sa asawa niya.

"May nag wawalis sa labas, hindi mo ba naririnig?" Asik ni ate.

"Naririnig." Maikli niyang sagot.

"Oh? Ano pang hinihintay mo? Labasin mo! Ang ingay, eh!" Utos ni ate. "Oh, kay? Gising ka pa pala??" Tanong niya na tinanguan ko nalang. Bumangon na kasi ako nun.

"Hon, huwag na. Baka pagsisihan mo lang." Sagot nito.

"At ba't naman ako magsi-" Hindi natuloy ni ate ang sasabihin dahil tumayo agad si kuya at dumungaw sa bintana sabay sita.

"HOY! ANG AGA PA NAGWAWALIS KA NA!" Pasigaw nitong bulyaw at bumalik sa tabi ni ate.

"Sino yon?" Nangunot ang noo ko noong hindi sumagot si kuya. "Wing! Sino nga yon." U lit ni ate.

"Walang tao hon at please lang huwag mo ng tanungin kung ano yon." Sabi niya at tumalikod kay ate.

Rinig ko ang paglunok ng laway ni ate Steph (hindi tunay na pangalan) At alam ko ang ibig sabihin ni kuya Wing (hindi tunay na pangalan)


---

Horror Tale (✔COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon