Taong 2009 noon nung naranasan ko ito. Elementary pa lang ako noon at alam ko ang nangyayari. Sa bahay namin mismo nangyari ang kababalaghan.
Simple lang yong bahay namin. Hindi malaki pero, kasya kami. May isang kwarto at malaking sala kung saan nandoon na ang lamesa, tv at lutuan.
May dalawang pinto yong bahay namin. Nasa kanan yong isa na katabi ang bintana. At nasa kaliwa naman yong isang pinto namin na katabi yong lutuan.
Sa tapat ng kanang pintuan namin ay ang banyo. Medyo, old fashion yong house namin. Gusto niyo sample? Ito oh!
|
|
|
|
|
|
\/Ganyan yong porma ng bahay namin noon. Mahirap lang kasi kami noon hindi tulad ngayon ay umasinso na xD
Sa bahay naming iyon (dito parin kami nakatira) may kakaiba akong pakiramdam. Yong feeling na may iba kang kasama.
Sa likod kasi ng bahay namin may puno ng Talisay. Weird. I don't know kung kanino yon. Matagal na yong nandoon (wala pa yong puno ng tambis. 2015 tinanim yong puno ng tambis)
Pero, deneadma lang namin yon. May pasok ako noon sa school. Hinanap ko yong isang palda ko nun. May dalawa kasi akong blouse at palda para kapag marumi na yong isa yon namang isa isusuot ko.
But my skirt went missing. Hindi ko alam kung nasaan nalagay ng ate Rose ko (pinsan ko) siya kasi yong nag liligpit ng mga sinampay namin since wala kami sa bahay. Nag tatrabaho si mama at nag-aaral kami ng kapatid ko.
Tatlo kaming mag kakapatid. Only girl ako at dalawang lalaki. Si kuya nasa cebu nag-aaral. Yong isang kapatid ko naman ay nasa same school lang kami. Siguro grade four na siya nun. Grade six naka ako nung time na yon.
Hindi ko talaga mahanap yong palda ko kaya sinuot ko na lang ulit yong marumi kong palda. Pumasok na ako sa school at nung uwian tinanong ko na si ate Rose (pinsan ko)
"Ate? Napansin mo ba yong isangq palda ko? Nawawala kasi eh!"
"Hala miss. (Miss kasi tawag niya sa akin until now -,-) Pasensya na ha? Hindi ko napansin eh!"
"Ganun ba? Sige salamat te!"Nalungkot ako sa sinabi sa akin ni ate Rose. At dahil doon no choice ako kundi labhan yong marumi kong palda. Pagka uwi ni mama tinanong ko agad siya. Pero, sabi niya sinampay daw niya iyon sa samapayan kahapon.
Hinayaan ko na lang iyon. Kapag umuuwi ako nilalabhan ko agad ang palda ko. Sinubukan ko pang hanapin sa kasulok-sulukan ng aming bahay pero wala doon. Napabuntong hininga na alang ako nung oras na iyon.
Mahigit ilang buwan ang lumipas graduate na ako ng elementary. Graduation ko nun nung nag pakita yong palda ko na matagal ko ng hinahanap.
Pag-uwi namin ni mama galing graduation nagpa meryenda kami. Hapon pa nun ng alas kwatro. Nandoon lahat ng pinsan namin sa bahay.
Nagkakainan kami at nag tatawanan. Tumayo bigla si ate Rose. Mag hahanap daw siya ng signal. Pumunta siya doon sa bintana na katapat ng puno ng Talisay.
Itinaas niya yong phone niya upang maka sagap ng signal. Nang may mapansin siyang parang tela na kulay asul. Agad niya akong tinawag na kinagulat ko.
"Miss! Yong palda mo nasa taas ng puno!" Sabi niya. Pumunta ako sa kinaroroonan niya at tiningnan ang sinasabi niya.
Tama siya. Yong palda kong kulay asul ay nakasabit sa puno ng Talisay. Kinuha iyon ng kapatid ko at binigay sa akin.
"Ikaw talaga ate Rose! Kung saan-saan mo nilalagay yong palda ko. Ang tagal ko na itong hinahanap nasa puno lang pala." Mahaba kung wika. Nag tawanan kaming lahat ng mga pinsan ko at pati si mama. Nag salubong naman ang kilay ni ate Rose sa akin.
"Ano bang pinag sasabi mo dyan miss? (Miss talaga yong tawag niya sa akin eh! Yaan na!) Hindi ako ang nag sabit dyan sa palda mo doon sa puno." Natahimik kaming lahat. "Baka, napag laruan yan ng engkanto." Dagdag niya pa.
Tumayo ang balahibo ko sa sinabi ninate Rose. Simula noon tuwing umaalis kami nila mama ng bahay ma susurpresa na lang kami pag-uwi na nag kalat lahat ng mga damit namin sa sahig. At ang mas worst pa! May laging na wawala. Tapos, kapag hindi mo hinanap nag papakita.
Posible kayang pinag lalaruan kami noon ng engkanto?
---
BINABASA MO ANG
Horror Tale (✔COMPLETED)
HorrorNaniniwala ba kayo sa multo, aswang,elemento,engkanto, espirito? Eh, sa mga kaluluwa?? Kasi ako ...OO! Horror Tale Allrightsreserved®2017 Copyright© By: Hatethatgurl