Ako si Bert. Wala akong asawa. Tanging si mama lang at ang bunso kong kapatid ang kasama ko sa buhay. Isama mo na rin si itay. Isa akong habal-habal drayber. Kahit saan ako bumabyahe. Kung sino-sino narin ang nagiging pasahero ko. At kasama na doon si lola.
Alas otso ng gabi, sumakay sa akin ang isang matandang babaeng nakaitim na bistida na abot hanggang talampakan nito, mahaba din ang puting buhok na tumatakip sa kanyang mukha. Kakaiba ang titig ng kanyang mga mata. Pinara nya ako dahilan ng pag hinto ko sa tapat nya.
"Iho, pasakay ako. Hanggang sa pinakadulo ng bayang 'to." Si lola.
"Ho? Hindi na ako naghahatid doon, lola. Gabi na ho kasi, eh!" Ako.
"Sige na, iho." Pagpupumilit ni lola.
Nag-isip ako sandali habang nakatingin kay lola.
"Tara ho!" Ako.
Wala akong nagawa kundi ihatid sya. Kawawa kasi. Ang tanda na nya tapos nag lalakad pa mag-isa? Sabagay, wala namang mang rerape sa kanya.
Pumwesto sya sa likod ko at nagsimula na akong umandar. Medyo, malayo din kasi ang dulo ng bayan namin. Habang nagdadrayb hindi ko maiwasang mapatingin sa side mirror ko. Wala kasing imik si lola. Baka, napano na. Nang masulyapan kong okay lang naman sya, mas lalo ko pang binilisan ang pagdadrayb.
Nakaramdam na kasi ako ng takot. Sabi-sabi kasi nila na may nagpaparamdam daw na matanda at nagpapahatid sa bahay nya sa dulo ng bayan. Pero, hindi ako naniniwala. Kalokohan lang ang mga yon. Sa aking pagmamaneho, biglang hinawakan ni lola ang braso ko. Ang lamig ng kamay nya.
Pakiramdam ko, tumayo ang mga balahibo ko. Kaya, mas tinudo ko pa ang pagmamaneho. Mas nilakasan ko pa, para agad kaming makarating sa pupuntahan namin. Nung malapit na kami ay napagtanto kong parang, lumuwang ang likuran ko. Parang, ang gaan na. Parang, ako na lang mag-isa?
Binaliwala ko na lang iyon. Baka, dahil lang siguro sa ang bilis kong magpatakbo. Nang matanaw ko na ang dulo ng bayan ay huminto na ako. Hay! Salamat! Narating din namin ang bahay ni lola. Nakita ko na kasi ang bahay ng matanda.
"Lola, nandito na ho tayo sa bahay nyo." Sabi ko. "Huh? Nasaan na si lola?? Kasama ko lang yon kanina, ah?" Taka kong usal.
Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Nag-isip. Hindi kaya- Agad akong sumakay sa motorsiklo ko at pinaandar ito ng mas mabilis pa kaysa kanina. Shit! Tama nga ang kotob ko! Si lola yong matandang sinasabi nila!
Hindi na ako makapag-isip ng deretso. Ang iniisip ko na lang ngayon ay gusto ko ng makauwi. Sa ilang minutong pagmamaneho, nakauwi ako sa amin ng ligtas ngunit, baon ko parin ang takot sa aking katawan.
KINABUKASAN
Pauwi na ako galing sa pamamasada. Maaga akong umuwi para, hindi na maulit ang nangyari kagabi. Maaga akong gumarahe sa mga kaibigan ko. Hanggang sa- sasakay na naman ulit si lola. Nakita ko kasi syang papunta dito. Gaya ng dati, matalim parin ang tingin nya.
"Iho, mabuti at naabutan kita." Si lola ulit. Pansin kong paika-ika sya maglakad.
"H-ho?? Gagarahe na po ako, lola. Sa iba na lang ho kayo sumakay." Ako.
"Iho. Maawa ka sa akin. Wala kasing gustong maghatid sa akin doon sa bahay ko." Si lola.
Napangiwi ako. Sino namang gustong maghatid sa aswang na kagay mo? Tch! Gusto ko sanang sabihin kaso, huwag na lang.
"P-pasensya na po, lola." Ako.
"Iho. Parang awa muna." Si lola.
Kahit natatakot ay pinili ko paring ihatid sya.
"T-tara ho!" Ako.
Agad naman syang pumwesto sa likod ko. Aandar na sana ako ng bigla nyang hawakan ang braso ko. Hindi na malamig ang kamay nya.
"Iho. Pwede bang bagalan mo lang ang pagpapatakbo mo? Nahulog kasi ako kagabi dahil sa ang bilis mong magpatakbo, eh!" Si lola.
Napakamot ako ng ulo.
"Sorry po, lola. Hihi!" Sabi ko at nag peace sign.
"OKay lang, iho. Nasanay na din ako. Akala kasi nila nagmumulto ako kaya, ayaw nila akong ihatid sa bahay ko. Kung alam lang nila na lagi akong nahuhulog sa tuwing sasakay ako sa kanila. Sobrang bilis kasi nilang magpatakbo, eh!! Hay!" Si lola.
Tango-tango lang ako. Kaya pala, paika-ika syang mag lakad. Nahulog pala si lola kaya sya biglang nawala. Haha! Akala ko, aswang na talaga sya. Eksdeeee!
---
HTG's|Note: wala po talagang kwenta 'tong entry na 'to , promise ✋✋✋
BINABASA MO ANG
Horror Tale (✔COMPLETED)
HorrorNaniniwala ba kayo sa multo, aswang,elemento,engkanto, espirito? Eh, sa mga kaluluwa?? Kasi ako ...OO! Horror Tale Allrightsreserved®2017 Copyright© By: Hatethatgurl