BELLA's TURN

3K 65 2
                                    

BELLA's P.O.V


"Ba't ngayon ka lang Bella? You have an appointment tonight, right?" sabi ni Mommy ng makita ako sa sala na nakaupo. Lumapit ito sakin at parang nagulat sa nakita. Napatakip ito ng bibig.


"Oh my God. What happened to your face? You have scratches! And look at your hair, nakipagsabunutan ka ba?"


Inilagay ko sa ayos ang mga gamit for first-aid bago tumayo. "Aakyat na po ako." sabi ko nalang pero pinigilan ako nito sa braso.


"Okay ka lang ba hija? If you want, we can cancel your date. I'll just make an excuse."


"No, Mom. I'll go. Magbibihis lang ako."


"But hija..." tapos tumingin ito sa mukha ko. "I will call our doctor for a surgery para mawala agad yan at di mag-mark sa mukha mo, okay?"


Kinuha nito ang cellphone saka akmang i-da-dial na nito ang number ni Dr. Min ngunit inagaw ko iyon.


"Mom, pwede ba? Ayos lang ako. Wag nga kayong OA." saka padabog na inilapag ang phone sa table at tinungo ang hagdanan.


Tinawag nito ang pangalan ko ngunit di ko pinansin. Dire-diretso akong pumasok sa kwarto saka inis na isinara ang pinto saka humiga sa kama. Is she worried about me or just my face? Tsk!


Pagod na naipikit ko ang mga mata. Parang hinihila na ako ng antok ng bigla akong mapabalikwas. May naka-set pala akong blind date tonight! Agad akong kumuha ng damit sa closet saka dumiretso sa banyo. Napatingin ako sa sarili kong repleksyon at biglang natawa.


"Parang joke ang mukha ko ah. 'set." saka natatawang napailing nalang. Para kasi akong kinalmot ng pusa sa mukha. Akala mo walang mga nailcutter sa bahay yung mga babae kanina sa haba ng kuko. Di bale na nga. Pagkatapos magbihis ay bumaba na ako. Naabutan kong nakaupo si Mommy at may kausap sa telepono.


Napatingin ito sakin at agad na naibaba ang phone. "Are you serious Bella?"


Nagtatakang napaarko ang kilay ko. "Serious of what?"


"Are you really going having those scratches? Hindi ka man lang ba nahihiya sa makaka-date mo?"


Sabi ko na, nag-aalala siya sa sasabihin ng ibang tao.


"I don't care. I'm still going." Para lang malaman niyo, may naging deal kasi kami. Once na may ma-cancel or hindi ako sumipot sa isa man sa mga blind dates ko, mawawalan na ako ng karapatang mamili kung sino ang gusto kong pakasalan. Magiging arranged marriage nalang which I will never let to happen.


"But Bella---"


"Mom, stop living with others' expectations! So what if I turned up like this? Are you afraid that he will reject me? Eh di okay. At least malalaman kong he's only after my physical appearance. Aalis na ko." saka dire-diretsong lumabas ng bahay.

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon