Lies?

892 14 0
                                    

CASSSANDRA's P.O.V


Mabilis na lumipas ang mga araw. Second semester na agad. Hindi pa naman gaanong maraming gagawin dahil 1st year palang kami, kaya marami pang oras para maglakwatsa.hehe...


Nasa bar kami ngayon ni Aldrade dahil gusto daw nitong mag-treat. We asked why pero tumawa lang ito. Basta daw mag-enjoy kami and everything is on the house.


"Mas masaya sana kung buo tayo," sabi nito saka binuksan ang hawak na bote.


Ilan nalang kasi ang natira sa barkada knowing na Cristoff, Frozen and Harold are abroad. Yeah, nasa ibang bansa na naman si Harold. Three days lang naman ito doon kaya lang na-extend for five days since nagkaproblema daw sa contract signing. Medyo nasasanay na nga ako kaya para mawili, sumasama kami lagi ni Bella sa lakad ng barkada. I had permission with Harold kaya okay lang naman. Siya pa nga ang nagsuggest na sumama ako sa barkada nito para wag daw akong ma-bore.


"Tawagan mo nga yung mga ugok na kaibigan natin bro," ani Aldrade kay Griffin. Kinuha naman nito ang phone saka gumawa ng group video call. Unang sumagot si Cristoff na may hawak na recording mic. Parang nasa recording studio ito at kasalukuyang nag-aaral.


"Waah! Hi guys! Miss you!" ani Cristoff saka idinikit ang lips sa screen.


"Kadiri talaga to. Oi, bading ka ba?" sabi naman ni Brent kaya nagtawanan ang lahat.


"Mukhang busy ah. Yan na ba yung studio na binili ng Mom mo?" si Griffin.


"Yep." saka matagumpay na pinukpok nito ang drums na nasa gilid nito. "Asan pala yung iba?"


"Hey guys!" Napatingin naman kami sa nag-pop up na screen sa tabi ni Cristoff. Lumitaw doon ang mukha ni Frozen at..


"Britz??" sabay pang nawika namin ni Bella. Nasa tabi ito ni Frozen at kumakaway. Haha. Mukhang going stronger ang relationship nila.


"Aba, naks pare!"


"Kelan ang kasal? Kayo ah!"


Habang nagkakatuwaan ay lumabas muna ako. Ewan ko pero parang bigla akong nalungkot. Haha. Ang drama. Joke lang. Medyo naingayan lang ako. Nasa VIP room naman kami kaya okay lang magsigawan, wala namang makakarinig. Sensitive lang talaga kasi yung eardrums ko.hehe..


Habang papalabas ay di-nial ko ang number ni Harold ngunit walang sumasagot. I tried calling again pero ganun pa din ang response.


Ano ka ba, Cassandra. Baka busy sa meeting ng clients. Ano ba'ng ipinag-aalala mo?


Oo nga naman. Ano ba'ng inaalala ko? I'm sure okay naman siya dun. Isa pa, wala naman akong kelangan sa kanya. Napapraning na ata ako. Minabuti kong umakyat na ngunit nasa kalagitnaan palang ako ng hagdan ng marinig ko ang pamilyar na pangalan. Dahan-dahang napalingon ako sa screen ng tv na noo'y nakasabit sa dingding at saktong nakita ko ang nakangiting mukha nina Harold at Stef.


"Benitez Group of Companies together with Fontiela Cosmetics Group, represented by its heir and heiress, respectively, is now signing an agreement with Liu Xao Xin Medical Technologies. After a vast discussion- - - "


Hindi ko na narinig pa ang sinasabi ng tv anchor dahil pakiramdam ko'y biglang tumigil ang mundo.


- - - - -


Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon