CASSANDRA's P.O.V
Namumugto ang mga matang pinindot ko ang door bell ng gate. Wala akong ibang mapuntahan kundi si Dale dahil siya lang ang nakakaalam na kasal kami ni Harold. Hangga't maaari, ayoko munang malaman nina Bella ang nangyari.
Biglang bumukas ang gate at isang matanda ang bumungad sa akin. "Sino po sila?" parang katulong ito.
Pinilit kong ngumiti dito saka hinanap si Dale.
"Ah, si Sir po? Kakaalis niya lang po kasama ang girlfriend niya. May ipapasabi po ba kayo?"
"Ganun po ba. S-Salamat nalang po. Sige po," sabi ko at nagmamadaling tinungo ang kotse. Parang tangang naiiyak na naman ako. I feel so alone. Pinaandar ko nalang ang sasakyan at tinahak ang daan sa kung saan ay hindi ko alam.
GABI NA NGUNIT nasa daan pa din ako. Hindi ko alam kung saan na ako napunta pero sigurado akong bandang North ang tinahak ko. Medyo marami ng bundok saka puno ang nadadaanan ko kaya I assume, nasa parte na ko ng Aurora. Patuloy pa din ako sa pagda-drive ng biglang tumigil ang sasakyan.
"Fudge." Oo nga pala. Nakalimutan kong magpa-gas.
Medyo madilim sa lugar ngunit may street lights naman kaya't maaaninag pa din ang daanan. Bumaba ako para tingnan kung may malapit na gasoline station ngunit sumakit ang ulo ko pagkakitang halos bundok lang ang nandito. Kung may gasoline station man, malamang, nasa bayan pa yun.
Nanghihinang bumalik ako sa sasakyan saka kinuha ang phone. Anong gagawin ko?
I decided to call Bella ngunit nagri-ring lang ang phone nito. Kinapalan ko na din ang mukha ko para tawagan sina Aldrade ngunit bigla kong naalalang uminom pala ang mga ito kanina. For sure, lasing silang lahat. Naiiyak na naman ako. Bwisit! Feeling ko wala ng nagmamahal sa akin. Huhu..
Pinahid ko ang luha sa mukha ko ngunit parang bukal na naglandas ulit ito ng magflash back ang nakita ko kanina. Magkasama sila. Bakit hindi man lang nabanggit sakin ni Harold? I can understand naman if it concerns business. But the fact na inilihim niya sa akin 'to, the hell. Parang niloko nya ako. Pero, kelan niya pa ba ako niloloko?
Still crying, I scrolled the contacts on my phone and saw a name.
"Emergency friend?" Yun ang naka-save na pangalan sa contacts ko. I can't remember saving this number but since desperado na ko, I tried calling the number. Luckily, may sumagot.
"Hello?" boses ng isang babae.
I cleared my throat bago nagsalita. "Ahmm... I need your help. Please..." wika ko dito. Sinabi kong nasa highway ako ng Dingalan, Aurora as what the google map shows and naubusan ako ng gas. May sinasabi pa ako dito ng biglang mamatay ang phone ko. Pagtingin ko'y dead battery na.
Nasapo ko nalang ang ulo ko. You're so pathetic Cassandra. Naloko ka na, ngayon nasa gitna ka naman ng kabundukan without contacts from the outside world. Ang swerte mo.
I stayed inside the car. Nang mainip ay lumabas ako at umupo sa kalsada habang nakasandal sa gilid ng kotse. I have nyctophobia but I can't feel any fear tonight. Siguro dahil hindi naman siya sobrang madilim at mas matimbang ang sakit na nararamdaman ko.
Ilang oras na ang lumipas ngunit wala pa ring dumadaan na sasakyan. Hopeless na tumayo na ako para pumasok sa kotse ngunit bigla akong nakarinig ng busina mula sa likod. Nakabukas ang ilaw nito kaya't hindi ko makita kung sino ang bumaba.
Lalake.
Nasisilaw man ay sinubukan kong kilalanin ito ngunit nalaglag ang panga ko ng makita ito.
"I'm glad you called." And Storm smiled.
--------
BINABASA MO ANG
Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)
Roman pour AdolescentsWould you love each other because of your arranged marriage? Or love each other because your heart tells you to do so? A story about a girl named Cassandra Valle who at the age of sixteen became married to Harold Benitez, one of the school's hot guy...