CASSANDRA'S P.O.V
Mangilan-ngilan nalang ang mga estudyante kaya't nagpasya na din akong umuwi. Imbes na mag-abang ng taxi ay minabuti kong maglakad-lakad muna. Wala, trip lang. hehe...Kainis kasi. Hanggang ngayon ayaw pa rin akong bilhan nina Mommy ng kotse. Hmp. Sobrang delikado daw. "Kung oras mo na, oras mo na." Yan ang lagi kong katwiran sa kanila pero wa-epek. Okay fine. Ano ba'ng magagawa ko?
Nagulat ako ng may biglang bumusina sa likod ko kaya't napalingon ako.
Si Harold.
Tiningnan ko ito ngunit sumenyas lang na sumakay ako. Di nalang ako nagreact kaya't sumunod nalang ako rito.
"Ba't ngayon ka lang?" tanong nito.
"Inantay ko pa kasing makalabas lahat ng estudyante. Ikaw, ba't andito ka pa?"
Tiningnan ako nito bago tumingin sa daan. "Tinatanong pa ba yan. Of course, I'm waiting for you."
*dug*dug*dug
Sheet...Kinikilig na naman ako. Maraming beses na niyang sinabi yan sakin pero di ko maiwasang di kiligin. Ano ba'ng meron sa mga salitang binibitawan niya at masyadong makapag-react 'tong puso ko? Medyo tumagilid ako para damahin ang dibdib ko. 'Ta mo to. Naririnig ko na ang tibok ng heart ko. Nakakahiya, baka marinig niya!
"Ahmm...Harold, hindi ka ba napapagod?" basag ko sa katahimikang namamagitan samin. Just to tell you guys, simula kasi nung kaarawan niya ay lagi niya nalang akong inihahatid at inaantay pag uwian. Minsan nga naiisip ko baka mate-tegi na ito kaya't ganito ang pakikitungo sakin. Pero nung tinanong ko siya about dito, speechless ang lola niyo sa sagot nito.
"Napapagod? Why did you ask?"
Umayos ako ng upo saka tumingin ng diretso sa dinaraanan. "Wala naman. Kasi everyday mo nalang akong hinahatid. Pag uwian naman, sinusundo mo ako."
Tumawa ito which is very unusual. "I believe, I told you so many times. Liligawan kita. Period. At hindi ako mapapagod na gawin ang mga ganitong bagay para sayo."
O_________O
Ayoko man kiligin ay di ko pa din mapigilang mapangiti ng palihim. Eeeeeeehhhh!!! Okay Cass, ENOUGH.
"Sus, maniwala ako..." sabi ko nalang pero sa loob-loob ay nagwawala ang puso ko sa kilig.
Tumawa lang ito.
Oo nga pala. Ilang beses niyang inuulit-ulit sakin na liligawan niya daw ako. Although mag-asawa na kami, mas maganda kung pagdadaanan din daw namin yung natural na ginagawa before this stage. Nung una'y parang hesitant pa ko dahil baka nagloloko lang ito ngunit habang tumatagal ay parang nakikita kong sincere naman ito sa mga sinasabi niya. But as of now, uncertain pa din ako sa nararamdaman ko.
Nagtaka ako ng biglang lumiko ito sa kabilang direksyon. "Hey wait,andun yung way pauwi. Where are we going?"
"Let's have a date," saka ngumiti ito.
---------------------------------------
HAROLD'S P.O.V
"So, what's the real score between you and Cass?" tanong ni Frozen habang naglalaro sa phone niya. Nakatambay kami ngayon sa hotel nina Griffin. Ito kasi ang nakagawian namin kapag tinatamad lumabas. Actually, I prefer to stay at home kaya lang may lakad din daw si Cass kaya napagdesisyunan kong sumama nalang sa tropa. Baka mabaliw ako sa bahay noh. At saka, baka asarin na naman ako ng mga gunggong na to kung di ako sumama.
"Huy pre! Di ka na sumagot?!"
I just smiled.
Naghiyawan naman ang barkada. "What?! Don't tell me may nangyari na sa inyo ni Cass?" hindi ko alam kung matatawa ako sa itsura ni Cristoff. Parang paiyak na naman kasi ito. Ah, normal lang pala yung ganyang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)
Ficção AdolescenteWould you love each other because of your arranged marriage? Or love each other because your heart tells you to do so? A story about a girl named Cassandra Valle who at the age of sixteen became married to Harold Benitez, one of the school's hot guy...