CASSANDRA'S P.O.V
"Ang galing naman natin! Nakakuha na agad tayo ng flags! Yey!" tuwang-tuwang sigaw nina Charrie at Cara, mga ka-team ko. Nagsimula na kasi yung hunting nung mga flags. Fortunately, nakahanap agad sina Brent at Jang.
"Yaan niyo guys, we will find for the remaining flags. Tiwala lang." ani Frozen at mayabang na kumindat kina Charrie at Cara maging sa akin.
Para namang mamamatay sa sobrang kilig ang dalawang babaeng kagrupo namin. Ako naman eh poker face lang na tumingin kay Frozen. Naiinis ako sa kanya kasi kanina pa ako pinupukol ng nanunudyong tingin. Kaynis! Siguro iniisip niya na naman yung pagsasama namin ni Harold sa kwarto.
"Let's go guys, maglibot-libot pa tayo. Don't forget to look at the signs." ani Brent. Ang tinutukoy niya eh yung mga Come and Don't zones. Aware naman ang lahat dun dahil naka-bold ang letters at kitang-kita ng lahat. Bulag lang ang hindi makakapansin nun.
"Walang hihiwalay sa grupo guys okay? Baka mamaya may maligaw sainyo." paalala naman ni Sojun, ka-grupo namin.
"Tama si Sojun. Kaya guys, buddy-buddy tayo. Jang and Cara, Frozen and Cass, Charrie and Sojun." ani Brent saka naglakad na.
"Eh ikaw, sinong ka-buddy mo pre?" tanong ni Frozen.
"Di ako maliligaw. Just protect your buddies okay?"
Sumang-ayon naman kami saka naghiwa-hiwalay na. Kailangan na kasi naming mahanap ang mga golden flags sa loob ng araw na yun. Yun ang goal namin.
"Cass, dun tayo maghanap sa kanan." ani Frozen.
Inis man dito ay walang pagtutol na sinundan ko ito.
Magdadalawampung minuto na ay wala pa kaming nahahanap na kahit anong flags. Napapagod na ko tsaka nananakit na ang paa ko kakalakad. huhu..
"Kaya pa ba?" biglang lingon sakin ni Frozen ng makitang parang pinipilit ko nalang ihakbang ang mga paa ko.
Pilit naman na ngumiti ako. "Oo, kaya pa. Anlayo na kasi ng napuntahan natin eh."
Ngumiti ito saka lumapit sakin saka inabot ang kamay. "Tara?"
Napatingin naman ako sa in-offer nitong palad. "Huh?"
"Sabi ko tara na." at hinila nito ang kamay ko. "Wag tayong maghihiwalay kasi malalagot ako kay Harold pag nawala ka." wika nito at dire-diretsong naglakad. Hatak-hatak pa rin ang kamay ko.
"Anong sabi mo?" Lagot daw siya kay Harold?
"Wala."
"Anong wala? May sinabi ka kaya!"
"Sshh..Ang ingay mo Cass. Bilisan na natin."
"Ba't ka naman malalagot sa impaktong yun?"
"Impakto? Wow, at may tawag ka na pala sa kanya. Ang sweet!"
Nahampas ko ito bigla. "Anong sweet ka dyan? Hindi kaya!"
"Aw naman Cass! Siguro lagi mong ginaganito si Harold? Hampas ba ng pagmamahal? Uyyyy..." sabay kiliti sa may gilid ko.
"Ay! Ano ba?!"
Hindi ko alam kung sadyang may saltik itong si Frozen. Minsan kasi parang tanga na hindi kumikibo, nakasalpak lang ang headset lagi. Minsan naman parang akala mo sinapian ng ibang espiritu, bigla nalang mangungulit. Moody eh?
"Oh, ba't nakatingin ka ng ganyan sakin?" tanong nito.
Nagulat ako ng biglang manlaki ang mata nito sabay takip sa bibig. Anyare?
BINABASA MO ANG
Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)
Teen FictionWould you love each other because of your arranged marriage? Or love each other because your heart tells you to do so? A story about a girl named Cassandra Valle who at the age of sixteen became married to Harold Benitez, one of the school's hot guy...