CASSANDRA's P.O.V.
Weeks later...
"Have you waited long?"
Ngumiti ako dito sabay iling. "Kakatapos lang din ng exam namin. Kayo kamusta, tapos na din ba lahat ng subjects?" Finals na kasi namin ngayon and ilang weeks nalang, tapos na ang school year. And yes, GRADUATION na!!!!! Sa wakas, bakasyon grande na! Yahoo! Ansaya-saya!
Nakita ko ang pagtango nito. "Nakakagutom nga eh. Let's eat?" aya nito.
"Sure." sabi ko tutal gutom na din ako. Hahakbang palang ako ng maramdaman kong ipinatong nito ang kamay sa balikat ko. Alangan na napatigil ako. Eto na naman...Ramdam ko na naman ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko.
"Aish." saka mas lalo akong kinabig nito dahilan para magdikit ang mga katawan namin.
"Eh..." alanganin ang ngiting tiningnan ko ito. Kahit ilang beses na kasi kaming nagkadikit ng katawan, I mean ilang beses niya na akong inaakbayan, bumibilis pa din ang tibok ng puso ko. Sobra ba talaga ang pagka-inlove ko sa lalaking to?
Yeah, I'm now certain of my feelings. In love nga ako kay Harold. Di ko alam kung kelan pa basta ang alam ko, mahal ko na siya. Naks! Naka-move on na ako kay Lei! OHA?
"How many times do I need to tell you, get used to it." saka inakay ako nito.
Lihim na napangiti nalang ako. Eto yung tinatawag na moment.hihi..Landi much. Deh, mas pinili ko na din talagang wag ng umimik kasi baka sungitan na naman ako. Well, to tell you guys, moody pa rin yan. Kahit sabihing ipinagpapatuloy niya pa rin ang panliligaw sakin, (which sabi ko naman sakanya eh itigil niya na), hindi pa rin mawala ang pagka-masungit nito. Siguro it runs from the blood talaga. Psh. Buti nalang talaga at sanay na ko sa ugali niya.
"Wait, wait...I thought kakain tayo?" sabi ko ng dumiretso kami sa kotse niya.
Pinagbuksan ako nito ng pinto. "Yes, we will. Let's have it in a nice place. Sakay na."
****
"Sige, puntahan mo na si Dad. It's important."
"Can you go home alone?" parang worried yung mukha niya.
"Of course." sabi ko saka ngumiti dito. Nasa isang Korean restaurant kami ngayon at kakain palang ng tumawag ang Daddy nito. May mahalagang bagay daw ito na kailangang idiscuss sa office. Kung ano man iyon ay hindi ko na inalam pa.
"Alright." sabi nito sabay tayo. "I'll call you." saka dali-dali na itong umalis.
Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko since gutom na talaga ako. Magta-take out nalang ako nung para kay Harold. Tsk. Kawawa naman yun, alam ko gutom siya eh. Pansin ko napapadalas ang tawag ni Dad kay Harold. Last night magkausap lang sila eh. May problema kaya sa kumpanya?
BINABASA MO ANG
Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)
Ficção AdolescenteWould you love each other because of your arranged marriage? Or love each other because your heart tells you to do so? A story about a girl named Cassandra Valle who at the age of sixteen became married to Harold Benitez, one of the school's hot guy...