*********************
Harold's P.O.V
"Gran?" bigla kong naisatinig ng makita ko ang isang pamilyar na mukha na nag-aabang sa loob ng bahay namin. Kakagaling ko lang sa school ng mabungaran ko ito sa sala.
Napalingon naman ito mula sa panonood ng tv.
"Harold apo? Goodness! I miss you so much! Come to Grandma!" tuwang-tuwang sigaw nito. Tumayo ito't inilahad ang braso sa akin.
Ba't wala man lang nabanggit si Dad na ngayon na ang uwi ni Gran? Aist!
Alangan naman akong lumapit dito.
Hinalikan ako nito sa pisngi at mahigpit na niyakap.
"I miss you so much apo!"
Pilit naman akong ngumiti dito. "Hehe..I miss you too Gran.." Lntek. Pano na to? Hindi pa kami handa ni Cassandra sa pagpapangggap.
"Your dad handed me the spare key, pasensya ka na kung pumasok ako rito."
"No big deal Gran."
"Teka, asan yung asawa mo? I want to meet her." biglang wika nito at umupo ulit sa sofa.
"Ha? A-ah..opo...p-pauwi na po yun mamaya." uutal-utal na wika ko at sumalampak na din ng upo sa katapat na couch. Di ko nga pala nakita yun sa school. Lagot siya sakin pag-uwi niya.
"Baket, di ba kayo magkasabay na umuuwi?" takang tanong nito sa akin.
"Ha Ahm..a-ano po kasi..." Parang pinagpawisan ako sa tanong nito. Ano bang idadahilan ko? Aist. Matawagan nga si Dad mamaya.
"Oh, ba't mukhang pinagpapawisan ka apo? May masakit ba sayo? May dinaramdam ka ba?" nag-aalalang pansin nito na lumapit pa sakin para damhin ang noo ko.
"H-ho? Wala po. Wala. Galing ako sa pagbabasketball Gran. Bale, ahm..ano po kasi, may gagawin pa daw po silang project ng mga kaklase niya. So, iniwan ko muna." pagpapalusot ko at ngumiti dito.
"Ah ganun ba apo." tatango-tangong wika nito.
"Yes Gran." tugon ko.
"Anong oras ba raw siya uuwi? Matatagalan pa ba siya? Naku..wag mong papabayaan ang asawa mong mag-isa. Baka kung mapano yun." mahabang wika nito.
Aist. Malaki na yun. Tsaka kaya niya ng sarili niya.
"Ahm..hindi naman po ata. Pero hindi naman po yun mapapano dahil malaki na rin yun." dahilan ko.
"Anong malaki ka jan?! Kahit na! Sunduin mo siya okey?"
Anong susunduin? Gagawin pa ko ng amazonang yun na driver? Pero oo nga pala, dapat maging mabuti ako sa kanya. Lalo na't andito si Gran.
"Opo. Sige Gran, bihis lang po ako." Nakangiting tumango naman ito kaya't nagpasya na akong umakyat sa kwarto.
Pagkapasok na pagkapasok ko'y agad kong di-nial ang numero ni Cassandra.
"The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later."
Inulit ko itong tawagan ngunit di ko pa rin makontak. Inis kong naibato ang cellphone ko sa kama.
San ba nagpunta yun?! Ahhhh..Asar ka talaga Cassandra kahit kelan!!!
Humanda ka talaga!
Pababa na 'ko ng hagdanan ng may marinig akong nag-doorbell. Dali-dali kong tinungo ang gate at sinilip kung sino.
"Buksan mo."
Ahh..si Cassandra. Mabuti naman. Lagot sakin to. Pinihit ko naman ang lock ng gate at pinapasok ito.
BINABASA MO ANG
Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)
أدب المراهقينWould you love each other because of your arranged marriage? Or love each other because your heart tells you to do so? A story about a girl named Cassandra Valle who at the age of sixteen became married to Harold Benitez, one of the school's hot guy...