Lei's P.O.V
"You're staying for good? Here? Dito sa Pilipinas? Paano si Andrea?" sunod-sunod na tanong ni Cassandra sakin, her face is so confused.
"You're shooting me a lot of question. Can we eat first? Look, matutunaw na yung favorite yogurt mo." Natatawang wika ko saka tinuro dito ang noo'y medyo tunaw ng frozen yogurt.
She shot me first with that familiar look then reach for the cup. Kinuha nito ang kutsara then mix it while looking at me. Parang binabasa nito ang nasa utak ko. Natutuwang pinagmasdan ko ito at di ko mapigilang matawa.
"Anong nakakatawa?" mataray na tanong nito sakin.
"Nothing." nangingiting sabi ko dito.
Bumalik ito sa pagkain at maya-maya'y sumeryoso ang mukha.
"So, what happened?"
Napatikhim ako bago nakapagsalita. "Nothing happened."
Parang hindi ito kumbinsido sa sinabi ko. "Last time, you told me sa States ka na mag-i-stay. And now, you're here. Nagkaproblema ba kayo ni Andrea?"
"Don't worry. Wala kaming problema." saka inabutan ito ng tissue. "Makalat ka pa din kumain. Here."
Parang natawa ito sa sarili. "Thanks."
Pinanuod ko lang ito habang kumakain and I realized something.
"Hatid na kita?" Palabas na kami ng cafe kaya't inalok ko ito kung pwede ko siyang ihatid.
"Huwag na. Someone's waiting for me." nakangiting sabi nito.
"Who?" parang labas sa ilong na tanong ko dito. Fudge. What's wrong with me? Am I feeling hurt? Disappointed?
"You know him. Oh, he's here." saka kumaway sa papalapit na lalaki. Nakangiting lumapit ito samin saka tumingin sa akin.
"Bro, kamusta?" sabi nito saka inabot ang kamay sakin. Tinanggap ko naman iyon.
"Ayos naman. Kayo?" nakangiting tanong ko rin dito. I'm faking a smile for sure.
Kinabig nito si Cass sabay ngiti. "We're doing fine. Kami pa din."
Dejavu. Oo naalala ko na. Parang ganito yung sitwasyon nung malaman kong sila na.
"Oh. I'm happy for the both of you."
"I heard you'll be staying in the States for good? Are you taking a vacation here?" tanong nito.
Is it sarcasm? Or I'm just paranoid?
I shook my head. "That was before. I changed my mind." sabay ngiti." So, let's see each other some other time? Cass, thanks for the company. I'll call you okay? Bro, take care of her."
Tumango naman ito sakin.
"Thanks Lei. Ingat." sabi ni Cass. Lalapit pa sana ito sakin but Harold grabbed her waist. "Let's go sweetie."
"Ah..yeah. Bye Lei."
Nawala na ito sa paningin ko ngunit nanatili pa din ako sa kinatatayuan ko. I close my eyes and feel my heart.
Damn. It's not beating on its usual rhythm.
- - - - - -
Griffin's P.O.V
"Kuya, I invited lot of my friends. Okay lang kaya yun?"
Nanonood ako ng basketball sa kwarto ng biglang pumasok si Ginny.
"It's your party. You decide who wants to come," sabi ko dito.
"Talaga kuya? Awww...you're the best talaga!" saka yumakap ito sakin.
"Sheez. Alam kong may hihingin ka na namang favor. What is it?" Yung mga yakap-yakap na yan, alam ko na.
Ngumiti ito na parang nahulaan ko ang nasa isip nito. "Ahmm..ano kase.." parang nagdadalawang-isip pa itong magsabi. "Ahmm..can you invite your friends to come? Gusto kasi silang makita ng mga friends ko eh. You know, picture.hehe..."
Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ang sinabi nito. Akala ko naman magpapabili na ng kotse. Hindi ko pa naman ito matiis kapag nagre-request. Yun lang pala. Nasabi ko na ba sainyo na business-minded ang kapatid ko? She's selling my pictures. Ridiculous, right?
"Okay. I'll tell them."
"Jinjja??" Mapapansin mong nabigla ito dahil bigla nalang nagko-korean.
"Neh. Neh." I replied also in a korean-way.
"Whoah!!! I'm so lucky to have you talaga kuya!" saka kiniss ako nito sa pisngi. "I love you!"
"Oo na. Oo na. Lumabas ka na. Kita mo ng may pinapanood ako ang ingay mo."
"Haha..Oo nga pala. Sige po." Lumabas na ito ng pintuan kaya't itinutok ko ulit ang atensyon sa tv. Maya-maya'y bumukas ulit ang pintuan.
"Oh, baket na naman?" Geez. Baka magre-request na ng kotse.
"Kuya, you know kuya Harold's gf right? Si ate Cass? Can you invite her as well? Sama niya na din mga friends niya."
"Pano mo nakilala si Cass?" takang tanong ko rito.
"She's popular in our school din kase eh. Halos lahat ng friends ko kilala siya. I guess it's because currently, she's kuya Harold's girlfriend. Nakakainggit kaya!"
"Teka nga, may crush ka ba sa kuya Harold mo?"
"Crush ka dyan kuya. Wala noh. May iba akong crush.hehehe..."
"Don't tell me it's Aldrade?"
Parang pinamulahan ito ng mukha sa narinig. "Ha? Hindi noh! Basta imbitahan mo siya kuya. Thanks!" sabay sara nito ng pintuan.
Tsk. Mukhang may crush nga sa gunggong kong bestfriend ang kapatid ko ah.
- - - - - - - -
BELLA's P.O.V
"Yaya, paki-check naman po ng gate!" Kanina pa kasi tumutunog ang doorbell ngunit mukhang walang nagbubukas. Nakahiga pa ako and I'm too lazy to get up.
I called her again just to found out na mag-isa nga lang pala ako sa bahay. Kasama pala ni Mommy ang maid namin sa supermarket. Wala akong nagawa kundi ang tumayo at tunguhin ang gate. Pagbukas ko ng gate ay biglang tumambad sakin ang isang pamilyar na mukha.
"What the... Anong ginagawa mo rito?" Nasa harapan ko ngayon si Aldrade. Nakangiti ito at may hawak na box.
"Surprise!" sabi nito saka inabot sa akin ang box. "Peace offering." Para itong aso sa sobrang lapad ng pagkakangiti.
Hindi ko kinuha ang inaabot nito. I'm sure na hindi maipinta ang mukha ko sa sobrang inis. "Who told you to come here? As far as i know, hindi ako nag-iwan ng address sayo. At isa pa, there's no reason for us to meet again. I don't want to see you. Makakaalis ka na." sabi ko saka akmang isasara na ang gate ngunit pinigilan ako nito.
"I'm sorry. Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa nagawa ko last time. Hindi ko naman sinasadyang magsinungaling."
"Nakalimutan ko na yun. You don't have to apologize. Leave."
"Bati na tayo?" sabi nito na parang nagpapa-cute pa. Eww. Kaderder.
"Baket, nag-away ba tayo? Go." sabay hila ng gate. "And don't you dare talk to me again."
Umakyat na ako sa kwarto at nagpasyang matulog. May ka-blind date na naman pala ako mamaya. ARGH! What a life!
- - - - - -
A/N:
Mianhae guys. . .
- bebz
BINABASA MO ANG
Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)
Teen FictionWould you love each other because of your arranged marriage? Or love each other because your heart tells you to do so? A story about a girl named Cassandra Valle who at the age of sixteen became married to Harold Benitez, one of the school's hot guy...