Harold's P.O.V
Pasan-pasan ko si Cassandra pabalik sa tent. Ramdam kong medyo nanginginig pa ito kaya't hindi na ko nakatiis magtanong.
"Ayos ka lang?" tanong ko rito.
Parang nagulat naman ito sa pagtatanong ko.
"H-huh? Ah..oo." yun lang ang sinabi nito ngunit alam kong hindi siya okay. Hindi nalang ako nagsalita pa dahil alam kong shocked pa rin siya sa nangyari.
Hindi kapani-paniwala pero...okey, sobra talaga akong nag-alala dito lalo na nung makita ko itong muntikan ng mahulog sa bangin. Kung nahuli lang kami ng dating...hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko. Ang oa ko na ata. Ano ba'ng nangyayari sakin?
"Malapit na tayo sa tent." nagising ang diwa ko ng magsalita si 'zen. Natanaw ko ngang may mga ilaw na ng torch sa di kalayuan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit biglang nagsalita si Cassandra.
"Ahm...pwede mo na kong ibaba.."
Ibaba? Ba't ko naman gagawin yun? Alam kong hindi pa niya kayang maglakad. Malayo na ang nalakad namin pero ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan niya tsaka parang ambilis pa rin ng tibok ng puso niya. Oo, naramdaman ko yun dahil nga pasan ko siya sa likod ko.
"Harold..." anito ngunit hindi ako tumigil sa paglalakad.
"H-Harold..ahmm..kelangan mo na kong ibaba. Baka may mak--"
Ngunit hindi ko na ito pinatapos sa kung ano man ang sasabihin nito. "Stay."
"Harold, ahmm--"
Aish. Ang kulit. "Let me handle this. Just stay." Sa tingin niya ba papabayaan ko siya?
"Pero..."
At talagang hihirit pa. Wala ba siyang tiwala sakin?
Tumigil ako sa paglalakad bago nagsalita. "Just trust me. Ako'ng bahala"
Nag-aalangan man ay naramdaman ko ang pagtango nito.
Di naglipat-sandali ay narating na nga namin ang tent. Napahinto ako bigla. Teka, dalawang tent lang ang nagtayo sa parteng to, bakit parang halos lahat ng estudyante eh nagtipon-tipon dito?
Naramdaman kong marami na rin ang nakatingin sa direksyon namin.
"Guys, they're already here!"
"OMO! Okay lang ba sila?"
"Oh look, sino ang pasan ni Harold?"
"Gosh, si Cassandra yan di ba?"
Rinig ko ang pagkakagulo ng mga estudyante sa pagdating namin. Aish. Napailing nalang ako. Wala ba silang magawa kundi pakialaman ang buhay ng may buhay?
"Harold, anong nangyari? Ba't pasan mo si Cassandra?" tanong ung isang babae.
Hindi ako umimik. Mas mabuti pang wag ng magsalita. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Naramdaman ko naman ang pagsubsob ng mukha ni Cassandra sa likod ko. Takot talaga siyang may mag-usisa sa kung anong meron samin. Aish, minsan nagdududa na ko rito. Panget ba 'ko para ikahiya niya?
"Gosh, ano bang meron sa kanila?" rinig ko sa mga bulung-bulungan na halatang-halata sa tono ang pagkainis.
"Hmp. Dapat kasi ibinaba mo na ako kanina.." rinig ko kay Cassandra na nagsusumiksik sa likod ko.
"Wag mo nalang pansinin." Sht. Ba't ba ang gwapo ko kase?
"Oh my god! What happened to her?" agad na salubong ni Gran samin. Alalang-alala ang mukha nito. Teka, anong ginagawa niya rito? Kasama nito ang mga bodyguard sa mansion.
BINABASA MO ANG
Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)
Novela JuvenilWould you love each other because of your arranged marriage? Or love each other because your heart tells you to do so? A story about a girl named Cassandra Valle who at the age of sixteen became married to Harold Benitez, one of the school's hot guy...