"May problema ka ba kung kami na?"

4.9K 152 5
                                    

Cassandra's P.O.V

"Play the game he's playing?"

Ano bang ibig sabihin ni Harold dun? Manloloko din ako ganun? 

Ayoko man ay ipinasya kong mag-ayos na para sa pagpasok. Tama nga si Harold. Hindi dapat ako magmukmok sa loob ng kwarto.

 "Magsasabay pa rin ba tayo?"  biglang tanong ko pagkababa sa kwarto. Napansin ko kasing wala naman si Lala sa kwarto na inookupa nito. Nang tanungin ko naman si Harold kanina'y may biglang inasikaso daw ito kaya hindi nakauwi sa bahay kagabi.

"What do you think?" masungit na wika nito at binuksan ang pintuan. Ang moody talaga kahit kelan. Tsk.

"Pasok."

Teka, ipinagbukas niya ba ako ng pintuan?

"Hurry up."  

"Ah oo!" at dali-daling pumasok.

Pagkarating sa school ay nakita ko agad si Lei. Nakaupo ito sa may gilid ng hallway at parang may inaantay. Hmp. Bigla kong naipikit ang mga mata ko dahil naalala ko na naman yung kahapon.

Manloloko.

"Don't be too obvious Cassandra. Act as if nothing happened. Tara." at bumaba na ito sa kotse. Agad din akong sumunod dito at walang pakialam kung may makakita saming magkasama. Ewan ko ba, parang nasanay nalang din ako na magkasama na kami lagi ni Harold sa pagpasok. Kahit maraming mga nanunuring tingin ang nakaabang lagi sakin sa may lobby ay parang hindi ko nalang napapansin. 

"AT MAGKASAMA PA TALAGA KAYO?"

Napalingon kami pareho ni Harold at nakita namin ang madilim na mukha ni Lei. Nakatayo ito ilang metro lang ang layo samin.

"L-lei.." ang tanging lumabas na kataga sa bibig ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Naroon ang galit, lungkot, awa sa sarili at poot. Parang gustong magbreak down ng system ko pagkakita rito.

Naglakad ito patungo sa direksyon namin at ng makalapit ay tumigil sa may harap at mapait na ngumiti sakin pagkatapos ay kay Harold.

"Kamusta pare? Kayo na ba ha?" anito at nagulat ako ng itulak nito si Harold at biglang suntukin sa mukha. Natumba naman si Harold at nakita ko ang pagdurugo ng bibig nito. 

"Ohmygod! Harold!" Nanlaki ang mga matang tinulungan ko itong makatayo. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ko.  

Agad na tumalim ang mata ko at tiningnan si Lei. 

"Ano bang problema mo Lei?! Ba't biglang-bigla ka nalang nanununtok?!" at tiningnan ang dumurugong labi ni Harold. "Harold, okay ka lang ba?" tanong ko dito na noo'y tumatayo na. Nakaalalay ang kamay ko sa gilid ng bewang nito. 

"Siya na ba Cass? Siya na bang pinalit mo sakin? Grabe," at umiling-iling ito. "..kelan niyo pa ko niloloko ha?" naniningkit ang mga matang wika nito. Nakita ko ang pagdami ng mga nakikiusyusong estudyante sa nagaganap na away.

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon