CASSANDRA'S P.O.V
OTHER DAY.
Malalaking hakbang ang ginawa ko para makatakas sa mga babaeng nag-aabang sakin sa may gate. Pang-ilang araw ko na 'tong ginagawa. Juice-colored. Buti nalang pala at protected ako nitong jacket ko! Para naman tuloy ako nitong celebrity na nagtatago sa mga paparazzi! Ugh.
"Ouch!" hindi ko mapigilang dumaing ng mabangga ako ng isang estudyante. Tumilapon ang mga dala-dala nitong gamit kaya't inis man ay tinulungan ko itong pulutin ang mga iyon. Kasalanan ko din kasi. Akala ko kasi kaya kong makarating sa classroom ng hindi tumitingin sa mga nakakasalubong ko, hindi pala kaya ng powers ko.
"Here." abot ko dito ng mga gamit na hindi tumitingin. Mas aware kasi ako sa sarili ko kung natanggal ba ang hoody ko or not. Gosh! Baka may makapansin sa kagandahan ko. Choz.
"Cass?" sa tono ng pananalita ay parang sinisipat ako nung nakabangga ko.
"Yes?" hindi pa rin nakatingin na sagot ko. Teka, tinawag niya bang pangalan ko? Pag-angat ko ng ulo ay alam kong rumehistro bigla ang pagkagulat sa mukha ko. "L-Lei?" parang ayaw lumabas ng salita sa lalamunan ko.
"Cass.." Hindi ko ma-explain yung mukha nya dahil parang gusto nitong ngumiti na ayaw. In short, awkward.
Goodness. What to do? Parang bigla ko itong namiss. Yung mukha niya parang namayat. Parang gusto ko siyang yaka---
Hephep. Anong pinagsasasabi mo dyan Cassandra? Anong namiss? Niloko ka ng lalaki na yan so you better move on. anang utak ko.
Napasimangot ako sa sinabi ng utak ko.
Korek. I should move on.
Inayos ko ang sarili at pilit pinaseryoso ang mukha. "Here." abot ko ulit rito ng mga gamit nito. Hindi kasi nito kinuha kanina. "Mauna na 'ko." saka mabilis na naglakad palayo but I figured out na sinundan ako nito.
"Cass, let's talk."
"Wala na tayong dapat pang pag-usapan." I said in a firm voice. Please Lei, wag ka ng makulit. Hindi ko alam kung hanggang kelan kita matitiis. Actually, lagi siyang pumupunta sa classroom pero never ko siyang kinakausap. Hangga't maaari'y, iniiwasan ko siya.
"I need to explain."
"You don't need to. Papasok na ko." at binilisan ang paglalakad ngunit mabilis na humarang ito sa daanan ko. I shot him with a warning look ngunit hindi nito iyon pinansin bagkus ay hinawakan nito ang kamay ko at nagmamakaawang tumingin sa akin.
"Please give me a chance to explain. Kahit ngayon lang, please...Let's talk."
****
"Speak." wika kong naka-cross arms habang nakatingin rito. Nasa rooftop kami ng school building kaya't safe mula sa mga tsismosang estudyante. Hindi ko pinansin ang paanyaya nitong umupo sa bench doon.
BINABASA MO ANG
Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)
Ficção AdolescenteWould you love each other because of your arranged marriage? Or love each other because your heart tells you to do so? A story about a girl named Cassandra Valle who at the age of sixteen became married to Harold Benitez, one of the school's hot guy...