STEF's P.O.V
"I already told you, we're done! Ano pa ba'ng gusto mong marinig sakin?"
Di ko mapigilang mapaluha sa sinabi nito sakin. "I'm s-sorry...I mean it . I'm so sorry sweetheart..." at tuluyan na ngang dumaloy ang luha sa pisngi ko. He was not like this before. Pero ano ba'ng magagawa ko? Kasalanan ko to.
Hindi pa rin ito gumagalaw sa kinatatayuan kaya't dahan-dahan akong lumapit dito.
"Sweetie..." yun ang katagang lumabas sa bibig ko ngunit nagulat ako ng itaas nito ang kanang kamay sanhi para mapahinto ako. Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko ito.
"Don't come near me. " nakababa ang paninging wika nito.
"But swee---"
"And don't ever utter that word in front of me." Parang sinaksak ang puso ko ng sampung beses. Diniinan nito ang salitang "that" na parang sumpa ang pagtawag ko sa kanya nun. Nagsimula na namang pumatak ang luha ko kaya't agad na pinunasan ko iyon ngunit , sadyang hindi ko kayang pigilan ang pag-iyak. Hindi ko akalain. Masakit. Masakit pala.
"I..I a-admit.." nanginginig ang boses na sabi ko. "I was told to fool you, but...napamahal na ako sayo. Please..p-please forgive me..."
"I'm over it. Let's part ways and start a new life." malamig ang boses na wika nito.
Parang nataranta ako sa sinabi nito. "NO!"
Agad akong lumapit dito para hawakan ang mga kamay nito. "I can't live without you Harold! Please..." garalgal na ang boses na pakiusap ko dito. I'm so miserable the past few weeks. Lagi ko siyang tinatawagan ngunit hindi nito iyon sinasagot. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao sa park. Ang mahalaga sa akin sa mga oras na ito ay magkabalikan kami.
"Stef, please...tapos na tayo." halos pabulong na wika nito at pilit na inaalis ang kamay ko ngunit hinigpitan ko ang hawak dito.
Umiiyak na umiling-iling ako. "Hindi. Hindi! You still love me, right? Magbabago na 'ko. I will do everything you want. Kaya please, bumalik ka na sakin."
"Stef..." hindi pa rin ito makatingin sa akin. Is he just holding it in? Ayaw niya bang tumingin sakin dahil baka bigla siyang magbreakdown at magbago ang isip niya? Why Harold, why?
"Hindi na kita mahal." sabi nito na ikinabigla ko. Hindi na kita mahal. Hindi na kita mahal. Nag-echo sa utak ko ang mga katagang iyon.
Despite of the tears, pilit na ngumiti ako. "You're kidding me, right?"
"I'm serious."
"Bakit, totoo ba ang nabalitaan ko na may bago ka na? Na may ipinalit ka na sakin? Do you love her?" nagsisimula na naman ang bukal sa mga mata ko. It's a good thing I didn't put any make-up on my face.
BINABASA MO ANG
Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)
Novela JuvenilWould you love each other because of your arranged marriage? Or love each other because your heart tells you to do so? A story about a girl named Cassandra Valle who at the age of sixteen became married to Harold Benitez, one of the school's hot guy...