Pero. . .

4.5K 146 2
                                    

Harold's P.O.V

"Kaya mo ba?" tanong ko kay Cassandra. Kakatapos ko palang palitan yung benda ng sugat niya. Nagmamatigas pa sana pero hindi ko nalang pinansin. Baka ma-infect pa yun kung di agad malinisan.

"Oo naman. Ang OA? Ang liit-liit lang kaya."

"OA? haha.. Kaya pala halos maiyak ka na sa sobrang sakit? Tss..Tara na." at kinuha ko na ang bag nito. 

"Oh, ba't mo kinuha yang bag ko?" 

"Ayaw mo?" Siya na ngang tinutulungang bitibitin tong bag niya ayaw pa. At pansin ko, parang andami niyang dalang gamit. 1 week na camping?

"E-eh kasi.."

"Tss.." at hindi ko na ito hinintay pang magsalita. Male-late na kami sa gaganaping orientation sa baba. Tinalikuran ko na ito at nagpatiuna sa pinto.

Akmang bubuksan ko palang ang pintuan ng sumigaw ito. 

"Harold!" sigaw nito sa likuran ko.

"Baket?" lingon ko. Para itong pusang hindi mapakali.

"What?" ulit ko.

Kinagat nito ang hintuturo at tumingin sa pinto. "Hindi ka ba natatakot na may makakita sa atin dyan sa labas?" biglang tanong nito. Nasa mukha ang pag-aalangan.

Ano daw? Natatakot?

"Natatakot? Hindi naman." wika ko saka dire-diretsong binuksan ang pintuan. Sigurado naman kasi akong walang makakakita sa amin kasi halos lahat ay nagsipagbabaan na. "Tara na!" sigaw ko rito.

"P-pero... "

"Aish naman." at bumalik ako para hilahin ito palabas.

"Aray ko naman! Ba't mo ba hinihila yung kamay ko?!"

"I'm sorry." paumanhin ko ng makita kong para ngang nasaktan ko ito. Bahagyang lumambot naman ang mukha nito ng marinig ang sinabi ko.

"Okay lang ba talaga?" tanong pa nito. 

Amused na napatingin ako dito. "Ano naman kung may makakakita satin? Who cares what they think? Tss. Tara." at hinila ko na ito. Wala naman talaga akong pakialam kung may makakita samin. Baket, bawal? 

***********

Cassandra's P.O.V 

Naglalakad na kami papunta sa lugar kung saan gaganapin ang orientation. Kanina pa ako hindi mapakali. Hindi rin ako makahinga ng maayos.

Alam niyo kung bakit?

Kasi naman kanina pa niya hawak yung kamay ko! Nakaka-tense! Potek lang. Nung kahapon nga eh pinipigilan ko lang yung sarili kong kiligin dahil sa ginagawa niya. Oo guys, hindi naman ako bato para hindi makaramdam nun. Mabait talaga ang impaktong to kahit lagi akong sinusungitan. Ginamot niya pa talaga yung sugat ko. Pero ayoko namang mag-isip ng kung ano-ano. It's dangerous to my health. Period.

Natatanaw ko na ang mga kasama namin na kumpol-lumpol na nakaupo sa maberdeng damuhan. Malilim at mukhang presko sa lugar na iyon.

Nakita ko rin bigla ang mga kabarkada ni Harold at agad kong nakagat ang labi ko.

"Ahmm.."

Lumingon ito sakin. "Oh?"

"E-ehh.." at bahagyang tiningnan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. "Kanina mo pa kasi hawak yung kamay ko. hehe.." at nakita kong napatingin din ito doon.

"Sorry. Baket, masama ba?" wika nito saka mabilis na tinanggal ang pagkakahawak nito.

"Ah eh hi--" 

"Bilisan mo. Mag-i-start na." putol nito sa sasabihin ko at nauna na itong naglakad patungo sa mga kaibigan nito.

Tsk. Kung sadyang assumera lang talaga ako eh iisipin kong type na ko ng lalaking yun. Hmp! Aba't teka nga pala, yung bag ko! Marami man ang nakatingin sakin at pumupukol ng mga nakamamatay na tingin ay sinundan ko si Harold at kinulbit.

Napalingon naman ito maging sina Cristoff. Sabay-sabay na nag-"hi" ang mga ito sakin. Ako naman malamang ay naghello din. Shemays. Kahiya talaga. Anlakas pa ng mga boses. Shet. Baka makatunog na ang mga kaklase ko maging ang lahat ng estudyante kung ano ang koneksyon naming dalawa ni Harold.

"Why?' agad na tanong nito.

"Yung bag ko."

"Ah oo nga pala. Oh." at inabot sakin yung bag. "One week ba ang camping at parang hinakot mo na lahat ng gamit mo?" asar nito.

"At talagang hihirit ka pa sa araw na to?" naniningkit ang mata kong wika rito. Ano naman kung marami akong dala? Halos pagkain kaya yun! At isinama ko pa siya dun. Tss.. bahala siya, di ko siya bibigyan nun. Hmp. Okay na eh. Nang-asar pa. Kaynis.

"Alis na ko." paalam ko.

Ngunit bago umalis ay ipinatong nito ang kamay sa ulo ko saka ginulo na naman ang buhok ko. "Behave. Wag clumsy." at bumalik na ito sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid ko. Halos lumuwa ang mga mata ng mga babaeng kanina pa nakatingin samin. Shems. Lagot ako. Baka makalbo ako ng di oras mamaya. 

Pero...

Ba't kinilig na naman ako sa ginawa niya?

*****

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon