CASSANDRA's P.O.V
Lakad dito. Lakad doon. Lakad. Lakad.
"Ah, Cass can you stop doing that? Medyo nakakahilo eh.hehe"
Napatingin ako kay Dale na noo'y nakasandal lang sa may pinto habang tinitingnan ako. Napakamot nalang ako sa batok. "Pasensya na." sabi ko saka umupo. Di ako mapakali kasi nag-iisip ako ng reason na sasabihin ko mamaya.
Narinig ko ang pagparada ng isang sasakyan sa tapat ng bahay nina Dale kaya't agad na akong tumalima. Sumunod naman sakin si Dale para ihatid ako sa bungad.
Akmang bubuksan ko na ang gate ng mapalingon ako dito. "Sigurado ka bang kaya mo na?" nag-aalinlangang tanong ko dito. Bumaba na ang lagnat nito pero pinalalahanan ko siyang uminom pa rin ng gamot just to make sure.
He nodded and smiled. "Thank you Cass."
"Yung mga gamot mo, nasa bed sidetable ko nilagay. If you need help, just call my number. Arasso?"
Natawa naman ito saka pi-nat ang ulo ko. "You sound like my Mom. Go ahead. Naghihintay na ang husband mo." Oo nga pala! Agad na nagpaalam ako dito at tinungo ang sasakyan. Nagtama ang paningin namin ngunit agad kong iniwas yung mga mata ko dito. Those eyes. Hankyut! Hihihi..JOKE. Alam kong galit siya. Waaaaa!!! Lagot ako nito!
Pinuno ko muna ng hangin ang dibdib bago pumasok sa kotse. Handa na akong marinig ang sermon nito. Ngunit...
O______o
o_______O
Pinaandar na nito ang sasakyan. Nag-aantay akong magsalita siya ngunit nanatili itong walang kibo habang nagda-drive. Hala, anyareh? Di kaya naalog yung utak kanina kaya speechless? hehe.. Pero mas mabuti na to, hindi ko na kailangang magpaliwanag pa di ba. Hay salamat naman. Wala din akong lakas ng loob na magsimula ng conversation noh.
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa bahay. Mabilis na binuksan ko ang pinto ng kotse para maiwasan ito ngunit hindi ako nagtagumpay. Naharang niya ko. WAAAAAAAA!!!
"Cass."
Sabi ko na. Mula sa pagkakayuko ay nakagat ko ang labi ko. Huhu.. Mommy Daddy, I'm not used to this! Confrontation?! Uwaaaaa!!!
"I know he's your friend. But going to his house? That's too much Cass. Hindi mo siya responsibilidad." Hindi siya sumisigaw pero ramdam ko yung firmness sa voice niya.
Sa mga ganitong sitwasyon, eto ang mga dapat gawin. No. 1: Dapat wag kang magsalita. Stay chill. Tahimik ka lang para di siya mag-apoy sa galit.
Nang mapansin nitong hindi ako kumikibo ay nagpatuloy ito sa pagsesermon niya. "Hindi pa kayo ganun katagal magkakilala para pumunta ka sa bahay nila. Lalaki yun, for God's sake!" at mukhang stress na napasuklay ito sa buhok gamit ang kamay.
No. 2: Wag mong papatulan ang mga sinasabi niya. Magkakaroon ng clash pag nagkataon. Kaya kung di kayo sanay sa mga ganitong sermunan, aba, follow this step.
I remained silent.
"Cass, look. Paano kung may ginawa siya sayo? Paano kung pagsamantalahan ka niya? You're so naive!"
Hindi ko alam kung matatawa ako sa inaasal nito. Sinasabi niya bang masamang tao si Dale? Na pwede nya akong saktan?
No. 3: Kapag may mga conclusion ng nabubuo sa utak niya, you need to take action. It's time to rebutt.
"May sakit yung tao. Anong gusto mong gawin ko? Pabayaan siya?"
Hindi naman ito nagulat nung sumagot ako. Expected niya na siguro. Hanubayan, di man lang siya na-surprise.
"Why? Wala ba siyang ibang kaibigan aside from you? His parents? Goodness! Masyado kang mabait that's why they're taking advantage of you! Can you wake up?"
Leche. Ba't parang ang babaw niyang mag-isip? Di naman siya ganun ah. "Dale is not what you think. Mabait siyang tao." pagtatanggol ko.
"You'll never know Cass."
Okay fine.
Last but not the least, No. 4: If you think na matatalo ka sa argument, the best way is tumahimik ka nalang.
"Magpapahinga na 'ko." pagtatapos ko ng usapan namin saka naglakad na papasok ng bahay. Di naman na nakaharang yung katawan niya sa daan kaya't nakaalis agad ako.
"Layuan mo na siya."
Napatigil ako sa paglalakad at parang nagpanting ang tenga ko sa narinig. "Don't you dare tell me what to do." galit na sabi ko dito and shot him a glare. Sa lahat ng ayaw ko ay ang mga taong sinusupervise ako dahil, first of all, hindi ako empleyado at pangalawa, hindi nila ako pinapasweldo. Buhay ko to.
"It's for your own good."
"Own good? Pshh..." at tinalikuran na ito. Kung alam ko lang, nagseselos siya kay Dale! Hindi ako nagfi-feeling. Wag kayong ano! Oo tama, nagseselos nga siya dun! May nalalaman pa siyang own good, own good huh. Heh! Bahala siya.
---------------
BINABASA MO ANG
Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)
Ficção AdolescenteWould you love each other because of your arranged marriage? Or love each other because your heart tells you to do so? A story about a girl named Cassandra Valle who at the age of sixteen became married to Harold Benitez, one of the school's hot guy...