The Agenda

10.2K 225 11
                                    

CHAPTER 6- THE AGENDA

Cassandra's P.O.V.

Antok na antok na talaga ko. Pero bakit parang hindi ako makatulog? Kaynis!

Ano bang nasa isip nung lalaking yun? Walanjo, muntik na ko kanina! First kiss ko pa naman yun kung sakali!

Ewwwww.....ayoko nga! Nung kinasal kase kame sa cheeks lang niya ko ki-niss. Malamang! Ang bata ko pa eh.. Nakakahiya!

Kung sa kanya lang naman eh kahit wag na 'kong magkaroon ng first kiss! Arrgghh...

Hindi ko siya type! Playboy siya! Nandidiri ako sa kanya. Pero..

Waaaaaaaahhhhhhhh!!! Ginamit niya saken kanina yung charm niya sa mga babae niya. Amp!

Nagtalukbong ako. Nakakainis talaga ang lalaking yun!!!

.

.

Kinabukasan..

Tok tok tok.

Bigla akong nagising. May kumakatok sa pinto. Aist...

Nakakainis! Istorbo. Natutulog pa yung tao eh. Nag-unat-unat muna ko.

Tok! Tok! tok!

"Buksan mo'ng pinto!"

"Go away!" sabi ko pagkarinig kay Harold, saka nagtalukbong ng kumot.

"CASSANDRA!! Open the door NOW!" Tssss...walanghiya talagang lalaking to. Sigawan ba naman ako eh kauma-umaga. Ano bang gusto nito? Tsk.

"Go away! Inaantok pa ko!"

"Hindi ka talaga lalabas?"

"Hindi!" sigaw ko.

"Don't you dare me," mariing sabi ni Harold.

Letche! Nanakot pa! Dali-dali naman akong bumangon.

Pupungas-pungas pa ko ng pagbuksan ito. "Magbihis ka."

"Ano? Bakit ba?" irita kong tanong.

"Nakalimutan mo na ba na may pupuntahan tayo ngayon?"

Anong pupuntahan ba ang pinagsasabi nito?

"I told you last night we're going out."

Ah oo nga pala.hehe.. Pero bakit kaya? Date? Imposible naman!

"Bilisan mo," saka tumalikod saken.

Wala akong nagawa kundi magbihis.

Pagkabihis ko, bumaba na kame. Ayun ang impaktong Harold na yun sa unahan! Di ba pwedeng hintayin niya man lang ako para sabay kami maglakad? Napaka-ungentleman talaga. Tssss....

"Hoy! Antayin mo naman ako!" sigaw ko. Napapagod na ko. Amputek naman oo.

Hindi sumagot si Harold. May mga babaeng tumitingin dito. Todo ngiti naman ang impakto!

"Hindi na lang ako sasama! Nakakainis ka talaga!" tumigil ako sa paglalakad. Pagod na ko.

Parang napansin niya ata na hindi na ko sumusunod kaya tumigil din siya.

Tiningnan niya ko. "Please naman, wag kang maarte pwede?"

Hindi ako maarte! Nakuuuu....

"Eh san ba kasi tayo pupunta?"

"There." Saka tinuro yung isang park. Parang kapareho siya nung park na pinuntahan ko pero parang mas maganda to.

"Ah. Ano naman gagawin natin jan?"

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon