Confirmed

4.6K 151 3
                                    

CASSANDRA'S P.O.V

Naglakad ako palapit sa boutique shop at sinipat ko kung si Lei nga ba ang nasa loob. Hindi nga ako nagkamali. Suot nito ang necklace na bigay ko. Yung may hugis krus na pendant.

Maya-maya pa'y nakita ko ang paglabas ng isang magandang babae mula sa fitting room at nakangiting ipinakita ang suot na damit kay Lei. Kahit nasa labas ay alam kong tinanong nito si Lei kung bagay ba rito ang damit nito.

Unti-unting may nabubuong ideya sa utak ko ngunit... 

Naipilig ko ang ulo ko. Hindi. Hindi maaari...Nasa leadership training si Lei ko di ba? 


Pinagmasdan ko ng maigi ang dalawa at nakita kong lumapit ang babae kay Lei at.... 

O_____O 

HINALIKAN BA SIYA NUNG BABAE? SA....LIPS?

Parang glue na hindi matanggal ang paningin ko sa dalawa kaya't nakita ko pa ang pagngiti ni Lei sa ginawa ng babae.

Agad kong nasapo ang dibdib ko at parang hinang-hinang napasandal sa gilid nung boutique. Ouch. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko. Ang sakit. 

"Cass.." tawag ng boses sa likod. Alam kong si Harold yun ngunit hindi ako nag-angat ng paningin dito. Hindi ko namalayang namumuo na ang luha sa mga mata ko at parang anumang oras ay papatak na iyon.

"Cass..." tawag ulit nito at naramdaman ko ang paghagod nito sa likod ko. Sa ginawa nito'y parang automatic na napahagulgol ako.

"Si L-Lei...." umiiyak na pagharap ko rito habang umaagos ang mga luha sa mukha ko. "Alam kong hindi niya ako kayang lokohin..Kilala ko siya!"

"Sshh.." at hinila ako palapit dito't niyakap. "Tahan na.." Napasubsob ako sa dibdib nito at hindi na alintana kung mabasa man ang damit. Hinagod-hagod naman nito ang likod ko. 

Si Lei ko, akala ko ako lang ang mahal niya! All this time, nagpapakatanga lang pala ako? Kung tutuusin hindi dapat ako magalit sa kanya dahil niloko ko rin siya...pero, iba ang sitwasyon. Hindi ko ginustong lokohin siya. Pero siya? Niloko niya ko literally!

 

"Hindi niya magagawa sakin to...hindi siya ang Lei na kilala ko.." garalgal ang boses na wika ko pa at patuloy pa rin sa pag-iyak. He's not capable of hurting others feelings. 

"Sshh..Tama na. Tara, uuwi na tayo." at pinunasan ang mga luha sa mata ko at saka inakay na ako palabas.

*****

Harold's P.O.V

Hindi ko inakalang makikita pa ni Cassandra si Lei. Kaya nga nagyaya agad ako kanina sa pag-a-ice skating dahil nakita ko ang tarantadong Lei na yun na may kasamang iba. Para pagtakpan siya ay niyakap ko nalang si Cassandra.

Agad na umakyat ng kwarto si Cassandra pagkarating namin sa bahay. Alam kong nasaktan siya sa nakita niya. Lntek, sino bang hindi masasaktan kapag nakita mo ang boyfriend mo na niloloko ka? Tsk.

Humanda sakin ang Lei na yan. May araw din siya sakin.

*****

 Cassandra's P.O.V

"Di ako papasok. Pakisabi nalang maysakit ako."

Napatigil ako sa paghikab ng magsalita si Cassandra buhat sa pagkakahiga. Nakatagilid ito ng patalikod at nababalot pa rin ng kumot ang katawan. Oo, magkasama kaming natulog sa kwarto niya kasi biglang nagtext si Gran kagabi na uuwi daw siya. Sinabi ko kay Cassandra na sa sahig nalang ako matutulog ngunit narinig kong okay lang daw na sa kama ako. Pabor sakin yun. Ansakit kaya sa likod yung sa sahig ka matulog.

Napatingin ako sa nakatalikod na si Cassandra. Tss..Hindi siya nakatulog, alam ko. Rinig ko ang impit ng pag-iyak niya kagabi eh. Lntek. Inaantok tuloy ako ngayon. Ba't niya ba kase iniiyakan ang lalaking yun?

Tumayo na ako. "Bumangon ka na."

"Masama ang pakiramdam ko." tamad na wika nito.

Aist. 

Naiinis na bumalik ako sa kama at hinila ang nakabalot na kumot sa katawan nito. "Tayo na."

"Ano ba?!" baling nito sakin saka pilit na hinila ang kumot mula sa kamay ko. "Narinig mo ba? Hindi ako papasok! Akin na nga yan!" at akmang tatayo na ito.

Nakita ko ang pamumugto ng mga mata nito kaya't nabitawan ko ang kumot. Hayyss... Matiim na tinitigan ko ito bago nagsalita.

"Hindi ka papasok dahil lang sa Lei na yun? Sa walang kwentang lalaking yun? Geezz Cassandra, pwede ba, wag mo siyang pag-aksayahan ng oras! Niloko ka niya, naiintindihan mo ba?"

Naiinis ako sa mga taong umiiyak sa mga hindi dapat iyakan.  

Nakita ko ang biglang pagbabago ng mukha nito. Parang maiiyak na naman. Tss..iyakin talaga kahit kelan.

"Masama ang pakiramdam ko..yun lang." maikling wika nito saka yumuko.

Aish.. Inis na napailing nalang ako. 

"Pwede ba Cassandra, maging honest ka naman sa sarili mo kahit ngayon lang. Ba't ba hindi mo nalang tanggapin na niloko ka ng lalaking yun?"  

Galit na iniangat nito ang mukha. "OO NA! NILOKO NA KO! BA'T BA PAULIT-ULIT KA?! Niloko niya ko! Niloko niya ko!... N-niloko niya ko.." pagsigaw nito at nakita ko ang pagtulo ng luha nito na parang kanina pa pinipigilan. "Nasasaktan na nga ako di ba? di ba?!" anito at napahikbi.

Para namang nakonsensya ako sa ginawa ko.

"Hey..." at nilapitan ito. " I'm sorry..." at hinawakan ito sa balikat para aluin. Agad naman na hinawakan nito ang kamay ko at nagulat ako ng hatakin niya ako palapit sakanya. Ramdam ko ang panginginig nito ng yakapin ako.

"Harold, ba't niya ba ko niloko? Mahal niya ko di ba?! Di ba kapag mahal mo ang isang tao, hinding-hindi mo siya sasaktan? Ba't ganun, sinaktan niya ko?" at alam kong umiiyak pa siya dahil basa na ang balikat ko. Ngunit imbes na singhalan ay hinagod ko nalang ang likod nito. She's really vulnerable. Napaka-inosente niya pa sa mga bagay na ganito.

Napabuntunghininga nalang ako.

"Love doesn't always means happiness. It includes pain." bigla nalang lumabas sa bibig ko. 

Hindi ito nagsalita at patuloy pa rin sa pag-hagulgol.

"Fix yourself. Papasok tayo ngayon." at kinalas na ito sa pagkakayakap sakin. "He doesn't know na alam mo ng meron na siyang iba. Play the game he's playing Cass. Okay?" at ipinatong ang kamay sa ulo nito't ginulo iyon. "Hurry up. Kakain pa tayo." at nakangiting tumalikod dito.

****** 

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon