Britney's Secret Place

4.9K 140 0
                                    

Cassandra's P.O.V

"Oh, ba't ngayon ka lang?"

Nakita kong nakaupo si Harold sa mahabang sofa habang may hawak na...libro? Teka teka.. Di nga, nagbabasa siya??

Dali-dali akong lumapit dito at inagaw ang libro saka malakas na binasa ang title nito. "Gone With the Wind?"

Hindi makapaniwalang tiningnan ko ito. "Nagbabasa ka pala?" Ay mali. Naipilig ko ang ulo ko. Rephrase. "Nagbabasa ka pala ng libro?" 

Akalain mo yun. 

"Akin na nga yan!" agaw nito sa libro. "Nakalimutan mo bang estudyante ako? Tss.." at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Sungit.

"Teka," at tumingin ito sakin ng diretso. "..you didn't answer my question. San ka galing?"

Bigla naman akong napalunok.

"H-ha? Ako? Ah..hehe.." at umiwas ng tingin dito. "Wala. Dyan lang. Pumunta ako sa bookstore . Sige, akyat na ko!" at agad na tinungo ang hagdanan.

Nagtatakang sinundan naman ako nito ng tingin. 

"Hey Cassandra, I'm still talking to you."

"Tomorrow will do." hindi tumitinging wika ko rito habang mabilis na umakyat sa hagdan. Kainis! Baka madulas pa yung dila ko.

Ooppss..sheesh..I forgot something.

I stop for a moment then look back.

"Harold."

He turn his head with a boring look. "What?"

"Salamat pala sa paggawa nung project ko." at dali-daling tinungo ang pintuan ng kwarto.

Pagkapinid ko ng pintuan ay napasandal nalang ako dito.  

Hindi niya pwedeng malaman kung ano ang nakita ko kanina. Hindi maaari. Kailangan ko munang makasiguro...

*****

"May pupuntahan ka?"

Katatapos ko lang mag-garden ng makita kong palabas ng bahay si Harold.

"Yeah."

"Ahh.." napatangong wika ko. "Ingat." wala sa loob na nasabi ko at humakbang na papasok. Ngunit hindi pa man nakakailang hakbang ay nagsalita ito.

"Oy, gabi na ko makakauwi. Don't wait for me," wika nito.

Takang napatigil naman ako sa paghakbang at napalingon dito. "Anong sabi mo?"

Grabe, ang kapal talaga ng lalaking to! Ba't ko naman siya aantayin? Psshhh..

Nag-smirk lang ito. "Nothing. Geh, alis na ko." at nang-aasar na ngumiti ito. 

"Eh di umalis ka. Tse!" Kapal! Akala ba niya siya lang ang may lakad? May date kaya kami ng girls ngayon.

Narinig ko ang pagbusina ng kotse at nakita kong sumenyas ito sakin. Tinuro ako nito saka ang kinatatayuan ko na parang ang ibig sabihin ay hwag akong aalis dito sa bahay. Grrr..Kalokohan! Aaalis ako kung kelan ko gusto. Tutal, Lala is not around. Haha.. 

Umirap lang ako saka malakas na isinara ang pintuan.

*******

"Girls, san tayo today? Ayoko na sa mall." wika ko sa dalawa habang nasa loob kami ng kotse. Sinundo nila ako sa bahay at ngayon, nandito pa rin kami.

"Hmmm.." si Bella.

"I know where to go girls." ani Britney na naglalaro ang ngiti sa labi.

"WHERE?" sabay naming tanong ni Bella.

 ------------------------

"Anong ginagawa natin dito?" puzzled na tanong ko habang nakatingin sa eskwelahan. Ito ang katabing eskwelahan namin. And as what I knew, dito nag-aaral si Stef.

"Baba na." ani Britney at binuksan ang pintuan. "This would be fun girls."

Fun? Adik talagang babaeng to. Nagtataka man ay lumabas na kami ng kotse ni Bella. Tumingin ako dito ngunit nagkibit-balikat lang ito sakin.

"Ano ba girls, just follow me okay?" lingon samin ni Britney na noo'y parang may tinitingnan sa may pader.

"Fine."

 "Tara." at nakita naming pumasok si Britney sa isang eskinita. "Hurry."

Napatigil naman ako.

"Hey, hey wait..I'm not going in there." wika ko kay Bella na napatigil din sa paglalakad. Napabalik naman si Britney mula sa loob.

"Ano?? Cass, just relax. Hindi delikado rito. Dali na."

"Sure ka friend?" ani Bella na parang natatakot rin.

Nag roll ng eyes si Britney. "Ba't ko naman kayo ipapahamak? Hayy naku. Tara na. Mag-eenjoy tayo dun."

"Really? Pag hindi ako nag-enjoy Britz, huhugutin ko yang intestines mo!" pagbabanta ni Bella dito.

"Just trust me okay?"

"Sige na." wika ni Bella.

"Malayo pa ba?" tanong ko. Ang creepy kasi ng daanan tsaka masikip pa. 

Dalawang tao lang ang pwedeng magsabay maglakad. Sementado naman siya pero magaspang yung daanan. 

 "Asan na ba tayo?" tanong ko. Parang gusto ko nang bumalik. Medyo malayo na rin kasi ang nalakad namin eh.

Hindi ako sinuagot ni Britney bagkus ay napansin kong tumigil na ito sa paglalakad.

"Andito na tayo."

----------------------------------

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon