"Sorry Cass but I've had enough."

5.6K 156 2
                                    

Harold's P.O.V

Nasa sala pa rin ako hanggang ngayon at hawak ang remote. Kanina pa ko nababagot. Walang magawa. Walang makausap. Wala pa din yung amazona. Tsk. Teka, bakit ko ba siya hinahanap? Makapanood na nga lang ng movie. Ano kayang maganda?

Hinalungkat ko ang mga dvd na naroon. Tsk. Puro luma na pala. Teka, may binigay palang flashdrive sakin si Cristoff nung isang araw ah? Sabi nun may mga bagong movie daw siyang na-download. Makuha nga.

Paakyat na ko para kunin ang flashdrive ng bumukas ang pinto. Nai-bend ko ang leeg ko at nakita ko ang amazona.

Parang may light bulb na umilaw bigla sa may gilid ng utak ko. Malapad ang ngiting nagtago ako sa may mataas na halaman na nasa gilid nung hagdanan at inantay ang pag-akyat ni Cassandra. Masubukan nga.

"Asan na ba'ng impaktong yun?" rinig kong wika nito. Sinilip ko ito at parang hinahanap ako. Impakto? Teka, talagang yun ang gusto niyang nickname sakin? Aish..

Harold, kalma. 

Fine.

"Harold!" sigaw nito. "Asan na ba nagsuot yun? Harold!"

Pinigil kong matawa sa itsura nito. Para kasing batang iniwan ng nanay ang mukha. haha.. 

"Hindi pa kaya yun nakakauwi? Psh. Bahala nga siya sa buhay niya." at lumapit na sa may hagdanan. Agad naman akong lumitaw at ginulat ito. "BULAGA!"

Halos mahulog naman ito sa hagdanan dahil sa sobrang pagkagulat.

Dahan-dahang itinaas nito ang kamay at parang dinama ang dibdib. Shet, baka atakihin to?

"Hoy Cass, ayos ka lang ba?" 

Bahagyang tumingala ito.

"You're ok?"

Nakatingin lang ito sakin at maya-maya't sumilay ang ngiti sa mga labi.  

"HAHAHAHA..EPIC KA HAROLD! WAHAHAHA!!" at napaupo ito sa baitang nung hagdanan habang tawa ng tawa.

Fine. Sige, ako na ang nabiktima. Tss.. 

"Hoy, san ka pupunta?" maluha-luhang wika nito dahil sa pagtawa.

"Ano sa tingin mo? Bababa?" Ako pa'ng naisahan ng walangya. Ba't ba naisahan ako ng babaeng yun?

"Hoy! haha..Ba't mo ginawa yun? Bored ka? Haha.."

"Zip your mouth. Ang ingay mo." iritang wika ko dito saka tinungo ang kwarto. 

Pagbaba ko ay nakita ko na itong nakaupo sa sala at may inaayos sa mesa.

"Ui, andyan ka na pala. Come here, I have something for you."

Napataas naman ako ng kilay. Ano kaya yung nasa pinggan?

"What's that?"

"Kwek-kwek, barbeque, atay, balot at ulo ng manok." nakangiting wika nito. 

"Pagkain ba yan?" tanong ko rito.

"Yup. Wanna try?" at kinuha ang tinidor saka tinusok yung sinabi nitong kwek-kwek daw. "Ah."

"I don't like the color. Ikaw nalang ang kumain." wika ko sabay salpak nung flashdrive sa player.

"Grabe naman to! Kainin mo na, masarap to!" at lumapit sakin saka pilit akong pinanganga. "Sige na." at nagpuppy eyes ito. Aishh.. "Okay." at kinain nga ang sinubo nito sakin.

"What do you think?"

"Wait." Inayos ko muna ang papanuorin bago kinuha ang hawak nitong plato. 

"Hoy, uubusin mo lahat yan?" nagtatakang tanong nito.  

Tumango ako. "Sabi mo para sakin to?" 

"Psh. Sige na nga. Ano palang gagawin mo?'' at natuon ang paningin nito sa flat TV screen. "Manonood ka ng movie? Wui, maganda yan! Antayin mo ako ah! Magmovie marathon tayo!" at dali-dali nitong tinungo ang hagdanan. "I-pause mo muna!"

Tss.. Ayoko nga. Pinlay ko na ang first movie.

Pagbaba nito'y bigla nalang nagsisigaw. "Sabi kong i-pause mo di ba?! Kainis to!" at inagaw sakin ang remote saka ibinalik ulit sa pinaka-start. "Ayan. Manood na tayo." nakangiting wika nito sabay upo sa tabi ko.

"Sit there." turo ko doon sa kabilang upuan. Andaming upuan dito pa napili sa tabi ko.

"Eee..ayoko nga! Horror kaya yang palabas." wika nito. 

"So let's change it. Akin na yung remote."  

"Wag na! Ayan na oh, may kutsilyo! Waaaa!!!" at nagsumiksik ito sakin.  

"If you'll act like that till the end, better shut it off." banta ko rito. Agad naman itong napadistansya sakin.  

"Sorry."  

Maya-maya'y napasigaw na naman ito.  

"Ano ba'ng problema mo?" asar na wika ko rito. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pinapanood namin. 

"Kasi..yung babae, mapuputol na yung katawan niya. AHHH!!!!"

Badtrip naman oh. "Akin na nga yang remote!" at inagaw sa kamay nito iyon. Pinatay ko na ang player saka tumayo na. "Aakyat na ko." 

Hindi naman ito umimik. Hindi pa ako nakakaakyat ay biglang namatay ang lahat ng ilaw. Teka, brownout?

"H-harold?" tawag ni Cassandra. Aish. 

"Stay where you are. Kukunin ko lang yung mga kandila." wika ko at kinapa ang railings ng hagdan. Pagbaba ay hinanap ko yung amazona.

"Cassandra, where are you?" San ba nagpunta ang babeng yun?

Pinuntahan ko ang kitchen at baka nandun ngunit wala. Wala rin ito sa salas. Sinubukan kong puntahan ang pool ngunit wala rin ito doon. Baka nakidnap na? Lol. hehe..Brownout lang, may kidnapping na nagaganap Harold? Wala ka ring sense minsan noh?

Ipinagpatuloy ko ang paghahanap at parang may napansin akong gumalaw sa may dulo ng upuan. May nakasiksik doon. Si Cassandra.

"Oi, tumayo ka na dyan." wika ko dito.

"N-Natatakot ako..." may kinig sa boses na wika nito.

"Natatakot? Tigilan mo nga ako dyan." at tumalikod na rito. Takot siya sa dilim? Aba matindi rin pala ang amazonang to. Maraming kinatatakutan. Akala ko wala.

"Get up. We'll prepare for dinner."

"H-Harold, wag mo kong iwan..." 

Napatigil ako sa mga katagang binanggit nito. Parang totoo talagang takot siya. Teka, baka prank na naman to?

Hinarap ko naman ito at seryosong nagsalita.

"Sorry Cass but I've had enough. So now, get up."

"I...I c-can't mo-ve m-my legs..." anito sa nanginginig talagang tinig.

Walangya, totoo na ata to. Dali-dali akong lumapit at hinawakan ito sa balikat. "H-hindi ka ba nantitrip?" At mukhang hindi nga dahil ramdam ko ang panginginig ng katawan nito. "Cass, you're alright?' 

"I-I have a..nyctophobia..." 

Nyctophobia? Teka, ano ba yun?

"What? Nyctophobia?" naguguluhang wika ko.

Narinig ko bigla ang pag-iyak nito. "Don't leave me please..." 

Lumuhod ako para aluin ito.

"Sige sige..Dito lang ako." At hinaplos-haplos ko ang likod nito. She looks so strong but deep inside, she's fragile. Hayyss..How can she carry out her own life if we made up the divorce? 

----------

A/N: Nyctophobia= fear of the dark.

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon