"For real???"

4.5K 143 2
                                    

CASSANDRA'S P.O.V

"Sinong dadalawin mo Cass?" tanong sakin ni Dale ng bagtasin namin ang sementeryo patungo sa puntod ng kaibigan ko. Oo, dito ang punta ko. Death anniversary niya kasi ngayon. Buti nalang talaga at ipinaalala ni Mommy kanina kundi nakalimutan ko na sana siyang puntahan. Parang na-realize ko tuloy na sobra akong nagfocus sa love life ko, yan tuloy pati mga importanteng bagay nakalimutan ko na. Aish.

"My childhood bestfriend."  sagot ko rito. Hindi naman siya masukal dahil may tagapag-alaga naman sa sementeryong ito. Every year ay pumupunta ako rito at never pa akong pumalya dahil ipinangako ko sa sarili ko na lagi ko siyang bibisitahin kada taon. 

"Ah..I'm sorry." paghingi nito ng paumanhin.

"That's alright."

"Anong ikinamatay niya?" interested na wika nito at iniwasang maapakan ang ibang puntod.

"Plane crash."

Naalala ko pa nung ibinalita yun sa tv. Halos himatayin si Mommy ng malaman ang nangyari sa kanila. Bestfriend kasi ni mommy ang mommy ni Krishan. By the way, his full name is Krishan Angelo Blair. Nung araw na iyon ay ang paglipad nila patungong ibang bansa kaya't certain kami na kasama sila sa sumabog. Hindi na nahanap ang bangkay nila dahil sa dagat bumagsak ang eroplano.

"Oh.. Mahal na mahal mo yung bestfriend mo noh?" 

Natawa ako sa sinabi nito. "Oo naman! Para na ngang kapatid ko yun eh. Yun nga lang, ang aga niyang kinuha ni Papa God." Natanaw ko na ang puntod nina Krishan at ang mommy nito. "Tara, dito." 

Nang marating namin ang mismong puntod ay inabot sakin ni Dale ang dala naming bulaklak. Kinuha din nito ang posporo at tinulungan akong magsindi ng kandila. Matapos magsindi ay nag-alay muna ako ng panalangin para rito habang si Dale naman ay lumayo ng onti para daw may privacy naman ako.

Kinausap ko lang naman si Krishan at gaya ng ginagawa ko, kinikwentuhan ko siya ng mga nangyayari sa buhay ko. Para na nga akong sira minsan. Buti nalang at kasama ko si Dale ngayon. Siguro naman maiintindihan niya ang ka-weirduhan ko. Matapos kong magkwento ay tinawag ko ito na noo'y nakatayo lang at tumitingin-tingin sa paligid.

"Come here. Ipapakilala kita sa kaibigan ko." wika ko rito at pinagpag ang puwitan na narumihan. 

"Really?" Lumapit ito at parang natuwa sa sinabi ko. Hanep, minsan iisipin kong magkadugo kami nitong si Dale. Ang husay niya kasing sumakay sa trip ko. Weird din siya.

Tumayo ako at hinarap ang puntod ni Krishan. "Dale, si Krishan. Krishan, si Dale, kaibigan ko."

"Hi Krishan." bati ni Dale rito. "Nakakahawa 'tong kaibigan mo. Ang weird." at tumawa ito. "Joke lang. Kamusta ka dyan?" pagkausap nito rito. "Don't worry, aalagaan ko siya para sayo."

"Huy, wag mo masyadong galawin! Baka magulat siya." saway ko rito. Tinapik-tapik kasi nito ang nitso. Baka mamaya bigla nalang itong bumangon sa kabaong niya. Eeee...creepy.

Nag-stay lang kami ng mga ilang minuto doon saka nagpasya ng umuwi.

*******

SCHOOL.

(Wear a hoody when you come to school or you will be dead.)

Yan ang text sakin ni Britz kaya ngayon eh balot na balot akong pumasok sa school. Para tuloy akong maysakit na ewan. Ang init-init kaya tapos naka-hood ako. Lagot sakin ang dalawang yun once na malaman kong pinagtitrip-an nila ako. Humanda lang talaga sila. Aist. Dakilang uto-uto din kasi ako. Eh masisisi niyo ba ko kung natakot ako dun sa part na "you will be dead"?

Pagpasok na pagpasok ko palang ay inilagay ko na agad ang hood sa ulo ko at dire-diretsong naglakad. Hindi pa ako nakakalayo sa may gate ay may narinig akong mga babaeng nagkukumpulan.

"We will interrogate that bitch! Ang kapal niya para lapit-lapitan ang honey-pie natin!" sigaw nung isa. May hawak itong parang banner. Tsk. Para san naman kaya yun?

"Sshh..Wag kayong maingay. Baka may makarinig satin. Baka mamaya'y magtago pa ang babaeng yun."

Sino kayang inaabangan ng mga babaeng to? tanong ko sa sarili ko. Grabe  talaga, ganyan ba sila magka-crush? Kelangan may nangyayaring interrogation chuba ek-ek? Duh.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero bigla ring napatigil ng magsalita yung isang babae."Ano girls, nakita niyo na ba si Harold?" 

O__O

Harold?

"Yeah. Kanina pa siya pumasok pero si Cassandra wala pa. Inaabangan nga namin eh."

Shocked na napalingon ako sa mga ito. Yung mukha ko, horror-struck. A-Ako palang inaabangan nila? Parang gusto kong isuka ang mga laman-loob ko.

Napayakap ako bigla sa sarili ko. Waaaa! Katakot! Teka, wala naman akong ginagawang masama ah. Waaa talagaaaa! Sabi ko na nga ba, ayokong madawit sa impakto na yun eh. Huhu..

"I've checked her classroom, wala pa siya. So, It's better if we check the entrance. Hoy Barbara, wag kang papasok sa klase mo hangga't hindi mo nakikita si Cassandra ah!" 

"Understood!"

"Kami ng bahalang mag-check sa ibang parte nitong school. Tara girls!"

Napahawak nalang ako ng mahigpit sa bag ko. Parang nahilo  kasi ako bigla sa sinabi nung mga babae. YUNG TATAA?! GANUN BA KO KAIMPORTANTE PARA MAG-CUTTING SILA SA SUBJECT NILA? Gosh. For real????

 ****

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon