CASSANDRA'S P.OV.
Katatapos lang ng pag-uusap namin ni Britney ng marinig ko ang boses ni Harold mula sa may pintuan. Mabilis na tinungo ko ito saka binuksan iyon. Nabungaran ko itong nakasandal sa gilid ng pintuan habang naka-cross arms at nakangiti sa akin. Alam mo yung ngiting para kang tutunawin? Ganern!
Lihim na kinilig ako sa nakita. Well, ang gwapo naman po pala talaga ng asawa ko. hihi.. lande!
"Oh, baket?" tanong ko.
Nanatili lang itong nakatitig sakin at parang mas lumapad pa ang pagkakangiti.
Di ko tuloy maiwasang mapataas ng kilay. Problema nito?
Magtatanong sana ako ngunit bigla nitong hinawakan ang magkabila kong pisngi saka pinisil iyon.
"You look so cute when you're blushing."
Shets. Nag-blush pala ako? Nahalata niya bang kinikilig ako kanina? Anubayan. NAKAKAHIYA! Goshness.
"Heh. Dati na akong cute noh. Ano pala'ng kelangan mo?" pag-iiba ko ng usapan. Alam ko kasing aasarin na naman ako nito pag pinatulan ko eh. Pero cute, ahem... cute daw ako? Hehehe... I know right.
Parang naalala naman nito ang dahilan kung bakit pinuntahan niya ako. "Ah yeah. Nasa baba nga pala si Frozen at hinahanap ka."
"Frozen? Bakit daw?"
Inabot nito ang door knob saka isinara iyon at inakay ako. "May itatanong daw sayo eh. Tara."
"May problema ba?" tanong ko dito habang pababa kami ng hagdan. Di ito sumagot bagkus ay ibinaling ang paningin sa may living room. Sinundan ko naman ang tingin nito at nakita ko si Frozen doon. Nakaupo ito at parang may malalim na iniisip. Medyo nagulat pa nga ito ng makita kami.
"Hi Cass. Kamusta?" nakangiting bati nito sabay tayo.
"Okay lang naman...ikaw ba? May kailangan ka daw sakin sabi ni Harold?"
Tumango ito at parang alangan na sumagot. "Ah...It's about Britney. I...I can't get hold of her. Tumawag man lang ba siya sayo?" mabilis na sabi nito.
Napakunot ang noo ko. Aba teka, wala namang nababanggit samin si Britz tungkol dito ah. "You know Britz?"
Parang awkward na napayuko naman ito saka tumango. "Yeah." sabi nito at napatingin kay Harold na noo'y parang nagtaka din sa sinabi nito. "Sorry bro, I didn't tell you and the others," tapos tumingin ulit sakin. "Magkasama kami last night pero hindi ko alam kung bakit di niya sinasagot ang mga tawag ko. Hindi rin siya pumasok kanina. Okay lang kaya siya?"
OMG. So that's why. Lihim na napatango-tango ako. Okayy... Now I get it.
"So, you're busy dating this past few weeks? Tss...Kaya pala di ka na gaanong nagsasasama sa lakad ng barkada." sabi ni Harold.
Kaya pala laging busy din si Britz. Hmmm...
"Cass, pwede mo bang ibigay sakin ang home address niya? I just wanna check kung okay siya."
Lihim na napabuga ako ng hangin. Whoah. In love ba talaga 'tong taong to? Baka mamaya saktan niya lang si Britz!
Matalim na tinitigan ko ito. "Are you sincere right now? Dahil kung hindi ako mismo ang magsasabi sayong layuan mo ang kaibigan ko." Yun ang lumabas sa bibig ko. Naalala ko kasi yung sinabi niya sakin dati na hindi daw ako dapat mainlove sakanya kasi she's a womanizer. Like duhh? As if naman na di ko alam yun di ba.
"I'm sincere Cass. Please, I just wanted to see her."
"Tumawag man lang ba sayo?" baling ni Harold sakin. Yung tingin niya parang sinasabing "give-him-a-chance." Inirapan ko ito ngunit ilang sandali lang ay wala din akong nagawa kundi sagutin ito. You know naman guys, hindi ko matiis ang lalaking to. Tingin palang, tumitiklop na ko. Tsk. Saklap noh? Hehe...choz!
"Yes, tumawag siya kanina. And as a matter of fact, papunta siya ngayon dito. So I guess, kelangan niyong mag-usap." Sige, pagbibigyan ko siya sa ngayon. Pero oras na masaktan talaga ang kaibigan ko, the hell I care! Ako ang makakatapat niya.
"R-Really?"
"Oo nga. Wait, mukhang andyan na siya. Iopen ko lang yung gate," sabi ko pero may pumigil sa braso ko.
"Let him do it." sabi ni Harold sakin saka itinulak si Frozen. "Go."
"Thanks Cass," tapos pi-nat nito ang balikat ni Harold. "I owe you for this, bro."
Nang makaalis si Frozen ay hinarap ko si Harold. "Are you sure about that? Baka mamaya magalit sakin si Britz..."
Ipinatong nito ang kamay sa ulo ko at ginulo-gulo ang buhok ko. "Aishh...Masyado kang nag-iisip ng kung ano-ano. Hayaan mo sila. They are matured enough," tapos inakbayan ako nito. "Wanna watch some movies?"
"Ayoko. Pupunta na ako sa kwarto." sabi ko dito saka tinanggal ang pagkakaakbay nito. Iniisip ko pa din si Frozen at Britz. Lagot siya sakin kapag pinaiyak niya si Britz! Naku naku talaga.
"Inaantok ka na agad?" napansin ko ang pagsunod nito sakin paakyat ng hagdan.
"Oo."
Inunahan ako nito sa pag-akyat saka hinarang ang katawan sa daanan ko. "Wag muna." parang batang wika nito.
"Pagod na nga ako. Gusto ko ng magpahinga." sabi ko pero sa totoo lang, gusto kong tawagan si Britz para masiguro kung ayos lang ba ito.
Parang lumaylay ang balikat nito sa narinig. "I just want to spend the night with you. Pero kung ayaw mo, sige goodnight," mahinang sabi nito saka inalis ang katawan sa pagkakaharang.
Shemay. Ang lakas mangonsensya.
"Anong movie ba?"
------
BINABASA MO ANG
Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)
Novela JuvenilWould you love each other because of your arranged marriage? Or love each other because your heart tells you to do so? A story about a girl named Cassandra Valle who at the age of sixteen became married to Harold Benitez, one of the school's hot guy...