STORM's P.O.V.
"Are you sure, you don't want to go to the hospital?" concerned na tanong ko kay Cass. My arms wrapped around her. She had the nightmare, again.
"I'm alright," she said but I know, she's still terrified.
"I'll call the family doctor," akmang tatayo na sana ako ngunit pinigilan ako nito.
"Mawawala din to. Sige na, matulog na tayo. It's only 2 o'clock in the morning."
Wala akong nagawa kundi sundin ang gusto nito. I laid down beside her and watched her sleep. Hindi ko maiwasang maawa dito. She went through a lot because of that asshole. And she almost died because of that asshole's father. Hindi lang isa o dalawang beses tinangkang magpakamatay ni Cassandra nung nasa Pilipinas pa kami, almost ten times. She got depressed at wala na itong ibang ginawa kundi ang umiyak. May oras din sila. I'll make sure, pagbabayaran nila lahat ng kasamaang ginawa nila.
- - - - - - - - - - - -
CASSANDRA's P.O.V
My body froze as I saw Harold walking towards my direction. What is he doing here? Kasalukuyang nasa parking lot ako ng shopping mart at kakatapos lang ilagay ang mga grocery sa kotse ng makita ko ito.
"Cass.. Oh, God." Wika nito ng malapitan ako at parang hindi makapaniwala sa nakita. Malu-luhang niyakap ako nito. Sa sobrang gulat ay hindi na ako nakagalaw.
"I've been looking all over places, Cass. Why did you runaway?" his voice cracked. I can feel his tears on my shoulder. "I hired private detectives just to know where you are. Bakit hindi ka nagpakita sakin, Cass? I begged from your parents but they told me, ayaw mong ipaalam kung nasaan ka. Alam ko nagkamali ako, but...pinagsisihan ko na yun." Still crying, his voice sounds so sincere.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin saka pinunasan ang mga mata. Hinawakan nito ang kamay ko saka ngumiti. "Cass, let's start over again. I'll be very good to you." Ramdam ko ang pagpisil nito sa mga kamay ko.
I looked at him. Malaki ang ipinayat nito. Hindi na siya yung dati na healthy and masculine tingnan. May stubbles na din sya. His hair, it's longer than usual.
"Stef won't bother us anymore. She will be starting her family," dagdag pa nito na hindi mabura ang ngiti sa mga labi.
"S-She's pregnant?"
Tumango-tango naman ito. "Also, Dad will no longer mind our relationship. I told him, wala na akong pakialam kahit itakwil niya pa ako. So Cass, please, sumama ka na sakin. Everything's okay now."
Then, he smiled.
I miss that smile so much.
"Harold.." I know I shouldn't cry, but my tears started to fall.
Nakangiti pa rin ito. Inaantay ang sagot ko.
"Please...come with me." He said it with his eyes, pleading yet shining.
Paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi na pwede? Paano?
"Pagbalik natin, we will announce our wedding. I mean, our public wedding."
Tinanggal ko ang kamay nito. "I'm -- I'm sorry.."
He look flustered. "But -- why?"
I can't speak. Inapuhap ko ang sasabihin ngunit ayaw lumabas ng boses ko.
"Cass, the divorce papers didn't push through. I'm sure you're aware of that. We're still married. So, why not?" he said smiling, yet confused.
I bit my lip and felt a sting. "Harold, I can't. I'm pregnant."
- - - - -
A/N:
Hi guys! For those sending pm, on-going pa din po ito ha. Pero malapit na syang matapos, don't worry. Haha. Thank you sa mga patuloy na nagbabasa! :))
-Bebz
BINABASA MO ANG
Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)
Novela JuvenilWould you love each other because of your arranged marriage? Or love each other because your heart tells you to do so? A story about a girl named Cassandra Valle who at the age of sixteen became married to Harold Benitez, one of the school's hot guy...