Don't worry

5K 163 5
                                    

---thank you! :)) Sana'y ipagpatuloy mo ang pagbabasa nito. ;)

CASSANDRA'S P.O.V

Isang linggo na buhat ng malaman ng lahat sa school ang tungkol sa nangyari kina Harold at Stef. Ewan ko ba sa mga ka-school mate ko, masyadong napa-praning sa buhay ng ibang tao. Andyan na yung may nagpagawa ng napakalaking tarpaulin at nakasulat doon ang "BE MINE HAROLD. I WILL NEVER LET YOU CRY."

Potek lang po di ba. Kahiya! Hindi ko na nga lang pinapansin kasi parang nasanay na din ako.

Mas matindi pa kasi yung mga sumunod na nangyari. Andyan na yung may nagbigay ng cakes. Oo, hindi lang isa, tatlo. Para daw I love you. Pwe! Meron pang kasamang isang dosenang balloons.Tanong ko lang, ganun ba nila ka-mahal si Harold inspite of his attitude? Snob kaya sila. Goshness.

Andyan na din yung may nagpadeliver ng flowers sa classroom namin during Physics time. Kaloka. Ayun tuloy, nabadtrip si Harold. Pero what's good with that, nagamit ko yun pang-asar sa kanya. Haha.

Oo, nag-aasaran pa kami. Akala niyo ba dahil nag-emote siya sakin noon eh hindi niya na ko inaasar? Mali kayo ng akala. Parang mas lalo pa nga atang naging masungit sakin yun eh. Hmp. Nakakagigil na nga. Buti nalang at ako ay may busilak na kalooban. Pinaghahanda ko pa siya ng pagkain as well as pinaglalaba ko pa siya. Grabe talaga, feel na feel ko ang pagiging asawa sa kanya. Siya naman eh hayahay ang buhay. Ansarap batukan habang ansarap ng higa sa may couch at nanunuod ng tv. Grrr..Di man lang ako tulungan sa gawaing bahay!

Anyways, mamaya naman ako magkukwento. Tapusin ko lang tong ginagawa ko ah.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtatype sa laptop ng may biglang kumatok. Book report kasi to and malapit na ang deadline, kelangan ko nang matapos. Meron na akong draft kaya konting edit nalang.

"Pasok." sigaw ko. Alam ko namang si Harold yun eh.

Narinig ko ang pag-ingit ng pintuan.

"Magbihis ka."

Lumingon ako sa may bandang pintuan at nakita ko doon si Harold. Nakatayo ito habang boring na nakatingin sa akin.

"Bakit, san tayo pupunta?" tanong ko at ibinalik ulit ang paningin sa laptop.

Imbes na sagutin ay narinig ko nalang ang pagsara ng pintuan.  

Aish. Ba't pinapagbihis ako ng impaktong yun? Ano ba'ng meron?

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag at tiningnan ang notes doon. Kasi kung may special event ngayon, dapat naka-save yun dito.

Muntikan ng mapasukan ng langaw ang bibig ko ng mabasa ang nasa Notes.  

"Oh my goodness! How can I forget?!" sabay sapok sa ulo ko.

Agad akong napatayo sa pagkakadapa sa kama sabay hablot ng tuwalya. Shet, anniversary pala nina tita---ay este ni Mommy ni Harold pala! Ba't ko ba nakalimutan? Namannn!

Binilisan ko lang ang paliligo ko saka pagkabihis ay bumaba na sa sala.

"Tara na?" i said smiling while my hands still busy fixing my hair.

Asar naman na tumingin ito sakin.  

"Such a slowpoke." narinig kong wika nito at agad na tumayo saka tinungo ang pintuan. Naiwan naman akong nakatanga. Anong sabi niya? Ako? Slowpoke? Psh.. Hindi ko na nga naayos ang sarili ko tapos slowpoke pa?? Pukpukin kong ulo niya eh! Hmp.

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon