Ikaw?

6K 166 1
                                    

CHAPTER 26

Harold's P.O.V

"Malayo pa ba?" tanong ni Cassandra. Lulan kami ng kotse ngayon. Nang lingunin ko'y  mababakas dito ang pagkaantok. Ang aga-aga pa inaantok na agad siya?

"Malapit na." tugon ko. Siguro mga kalahating oras pa. 7pm na, so 7:30 andun na kami. Malamang!

"Okey." maikling wika nito at sumandal sa upuan. "Gisingin mo nalang ako ah." and she close her eyes. 

Natigilan naman ako sa naging tugon nito. Hindi siya nainis sa haba ng byahe namin? Wow,himala. Parang nagbabago na itong si Cassandra this past few days. Hindi masyadong naninigaw. Sumpungin lang talaga ata to eh. Pero okey na rin. Nice. 

"Sure. Take a nap." i answered back pero hindi na ata ako narinig dahil tulog na ito. Humingi ako ng favor sa kanya kase kelangan ko talaga ng opinyon niya para sa date namin ni Stef. Baka kung ano-ano na naman ang iniiisip niyo dyan. Yun lang yun, opinyon niya lang ang kelangan ko. Period.

Makalipas ang ilang sandali ay tumunog ang cellphone ko. Agad-agad ko namang sinagot iyon.

"Hello?"

"Son." rinig ko. Si Dad. 

"Oh Dad, bakit?" tanong ko. Ba't kaya napatawag 'to? 

"Kamusta kayo ni Cassandra?" biglang tanong nito.

Nilingon ko si Cassandra na noo'y nakayukyok na ang ulo sa upuan. Aist naman. Sabi ko nap lang ang gawin, hindi sleep.

"Harold." tawag sa kabilang linya.

"H-ha? were doing...fine." at sinulyapan ulit si Cassandra.

"Where is she? I wanted to talk to her." 

"She's asleep." Ba't naman gustong kausapin ni Dad si Cassandra? 

"Ah ganun ba. Harold, napatawag ako dahil sa lola mo. She will arrive next week."

Grandma? Antagal na naming hindi nagkikita nun ah. Siya ang paborito kong lola nung bata pa ko. Pero, ano naman kung uuwi si lola? Eh di umuwi siya.

"So, what's with her?" walang kaabog-abog na tanong ko.

"She wil be staying with you."

"Ah okey...WHAT?!" biglang pagpreno ko kaya nag screech ang gulong ng sasakyan. Nabigla ako sa sinabi ni Dad.

"Sh*t!" 

"Are you driving?" takang tanong nito. 

"Ahm..yeah."

"It's already late. Bakit nagda-drive ka pa? Is Cassandra with you?" Patay.

Sinulyapan ko ulit si Cassandra at napansin kong nagising ito dahil sa bigla kong pagpreno. Napaayos ito ng upo at kinusot-kusot ang mata.

"Yeah...Dad, bakit naman ganon? Dyan nalang siya sa mansion. Wag na samin." Punyeta naman oo. Ba't sa bahay pa?

"She requested na dyan daw tumira sainyo. Lalo na't nalaman niyang may asawa ka na. She wanted to meet Cassandra." 

"But Dad.."

"Wala kang magagawa. Ano bang problema kung dyan siya sainyo tutuloy?"

Natahimik ako.

"Dad...alam niyo naman ang pagpapanggap namin di ba? Na masaya kami. Na gusto namin ang isa't-isa kahit 'di naman." paliwanang ko. Alam kasi ni Dad lahat na ang pinaggagagawa namin ay pawang mga kasinungalingan lang. Sumasakay lang ito.

"I know. Pero Harold, kelangan mo ng sanayin ang sarili mo sa asawa mo. Siya ang nararapat sayo. Wala ng iba pa." madiing wika nito.

"Pero may usapan tayo Dad."

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon