Chapter 01: Ang Panloloko
April, 4, 2015
Masayang-masaya akong mine-make-upan ni Mama sa loob ng kuwarto ko sa bahay. Nakasuot na ako ng gown, pampaganda lang sa mukha ang kulang—well, I'm confidently beautiful even walang make-up pero kailangan iyon para maging ala-Apphrodite ang hitsura ko. Ang nararamdamang kaba ko sa mga oras na ito ay walang katulad—sa mga oras lang na 'to ko nakaramdam ang ganitong klaseng kaba. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na ikakasal ka na, halos matae na nga ako sa sobrang kaba pero napipigilan ko naman.
Nang magtungo na kami sa wedding venue na nasa isang hotel ay nagulat kami dahil wala pa rin si Frederick, nagpahuli na nga ako ng sampung minuto pero hindi pa rin siya dumarating. Dapat siya ang maghihintay dahil siya iyong lalaki. Ilang beses na nila itong tinatawagan pero hindi naman niya ito sinasagot. Nagkaroon ako ng hinuha sa isip ko na sana lang ay hindi totoo. Naghintay na laman ako, tingin ko ay walang magandang idudulat ang pag-iisip ko ng masama—binibigyan kong kuwento ang hindi pa naman sigurado. Naghintay ako ng kalahating oras—hanggang sa isang oras. Dahil sa kaba ko, ako na mismo ang tumawag sa kanya—at tulad nga sa una ay hindi pa rin ito sinasagot. Nababagot na rin ang mga tao sa paligid dahil sa kakahintay, nakatulog na nga iyong magkakasal sa amin, e.
Lalo pang dumoble ang kaba ko, hindi naman kaya may nangyaring masama sa kanya? Maraming beses na siyang tinawagan at pinaulanan ng lahat ng kakilala niya ng mga mensahe ngunit wala ni isa sa mga ito ang nakatanggap ng kahit isang 'k' man lang sagot mula sa kanya. Pumasok sa isip ko na hindi naman kaya nag-back up na siya sa kasal namin ngunit hindi iyan ang mas inisip ko—mas posible kasi na may nangyaring masama sa kanya kaysa sa nag-back up siya. Imposible niyang gawin iyon dahil ako ang pinakamagandag babae sa balat ng lupa—hindi niya ako iiwan.
Naging triple pa ang kaba ko, isa't kalahating oras na kaming naghihintay ngunit hindi pa rin siya dumarating, nagpasya na akong magtungo sa pagmamay-ari nitong condo unit, kotse nina Mama't Papa ang ginamit ko upang magtungo roon. Dahil traffic, umabot ako ng isang oras bago ako makarating.
Dahil naka-gown, pinagtitinginan ako ng mga tao na nadadaanan ko—ang weird ko naman talaga kasing tingnan. Dumaan ako ng elevator upang tunguhin ang condo unit nito na nasa 20th floor ng building. Kinakabahan ako, hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko, tingin ko may magyayaring hindi maganda.
Nang makarating na ako sa 20th floor ay agad na akong tumakbo patungo sa kuwarto niya, nasa may pinakadulo ito nang tingnan ko ang pinto ay masasabi kong ayos naman ito—tingin ko wala namang nangyaring hindi maganda. Napalunok ako dahil sa kaba. Humugot din ako ng isang napakalalim na buntong-hininga.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, sa sobrang bilis ay puwede ko itong ikumpara sa bilis ng tibok ng puso ng mga taong nakakaranas ng malapit na kamatayan o near death experience. Dahan-dahan kong pinindot ang doorbell, hindi ako sigurado kung nasa loob ba siya pero ito lang ang paraan upang malaman kung nasa loob nga siya o hindi. Naghintay ako ng sampung segundo ngunit walang tugon sa loob, muli kong pinindot ng tatlong beses ang doorbell, naghintay ako ng labinlimang segundo upang maghintay sa tugon ngunit wala pa rin. Dahil sa pag-aalala at pagkainis na rin sa mga nangyayari, hindi ko ito naiwasang pindutin nang napakaraming beses, halos naiiyak na ako dahil sa mga nangyayari. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa buhay ko, hinding-hindi ko iyon kakayanin.
Kinuha ko ang phone ko sa hidden pocket ng suot kong gown at sinubukang i-dial muli ang numero ng phone ni Frederick. Nag-ri-ring ito... nanalangin ako na sana ay mayroon nang sumagot na nito—at sana ay si Frederick iyon at hindi mga pulis na magsasabing 'kamag-anak ka ba ng lalaking may-ari nito?'.
Muli ko ini-dial ang phone nito at sa pagkakataong iyon ay nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko, dahil sawakas ay mayroon na ring sumagot. "Hello!" agad kong panimula. Walang sumasagot sa kabila. "Hello, Frederick! Nand'yan ka ba?" taka kong tanong na may halong kaba. Naghintay ako ng sagot—at ang nagmistulang naging sagot sa tanong ko ay ang pagbukas ng pinto ng unit ni Frederick—laking gulat ko nang makita ang taong nagbukas ng pinto at sumandal doon. Nakatuwalya lamang ito mula dibdib hanggang sa mas mababa sa kanyang tuhod. Hello kitty pa iyong tuwalya—paborito ko si Hello Kitty—at ako mismo ang nagregalo sa tuwalyang iyon kay Frederick.
"Nandito nga siya, natutulog siya," sagot nito sa akin habang nakadikit pa rin sa tainga ang phone.
"Sino ka?" matapang kong tanong sa kanya. Nandidilat ang mga mata kong tinatanong siya habang patuloy pa rin ang phone ko na nakadikit sa tainga na katulad sa ginagawa niya
"Well, ako ang girlfriend ng taong may-ari nitong phone, ako si Sandra Sang," tugon naman niya.
"Ganoon ba? Kung ganoon, puwede bang pumasok ako sa loob?" tanong ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin kumukurap ang mga mata ko mula pa kanina, namumula na rin ito at nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko, pinipigilan ko na lang dahil ayaw kong umiyak.
BINABASA MO ANG
I Do, My lady
RomanceSi Haizel ay isang bride, ikakasal na sana siya sa kanyang fiancé kung hindi lang nangyari ang bagay na iyon, sa araw mismo ng kanilang kasal, napag-alaman niyang may iba pang babae ang pinakamamaal nito at magmula nga niyon ay itinanim na niya sa i...