Chapter 12: Obsession

9 4 0
                                    




Sandra's POV

Mabilis akong tumakbo palabas sa bar at pumasok sa kotse kong kulay pink at saka mabilis na nagmaneho patungo sa kung saan man ako dadalhin ng kapalaran. Sobrang sakit ng mga sinabi niya, kahit na kailan hindi pumasok sa isip ko na gagawin niya iyon sa akin dahil alam kong mahal niya ako. At hindi ko alam na nagbago na pala iyon. Bawat salitang lumabas sa bibig niya ay napakasakit ng epekto nyon. Luhaan ako at hindi ko maituon nang maayos ang pagmamaneho ko dahil siya lang ang nasa isip ko. Minsan nga'y malapit pa akong mabangga o hindi naman kaya'y malapit na akong makabangga ng mga kung ano-ano.

Nang hindi ko na kinakaya ang sakit ay sandali muna akong tumigil sa pagmamaneho sa mismong kalsada. Ipinagpatuloy ko ang pag-iyak doon.

Mula sa mga mata ko ay lumalabas doon ang luha na dumadaan sa pisngi ko hanggang sa mapunta sa may baba ko at nalalaglag sa may damitan ko. Halos bumaha na sa loob ng kotse dahil sa bawat segundong lumalabas sa mga mata ko. May naririnig rin akong mga malalakas na busina na nangangaling sa likod ng kotse ko. Kahit na hindi ko tingnan, alam kong marami na ang mga kotseng nakapila roon at naghihintay sa pag-abante ko.

Pero hindi ko sila pinansin at inintindi. Gusto kong umiyak nang umiyak at iyon nga ang ginawa ko. mahal na mahal ko si Frederick at hindi ko hahayaang magtapos na lang dito ang lahat. Ibinigay ko sa kanya ang pagkadalaga ko kaya hindi puwedeng hanggang doon na lang iyon. Kung hindi lang naman magiging kami, mas mabuti pang mamatay na lang ako. Pero hindi ako magpapakamatay dahil alam kong hindi pa ito rito nagtatapos.

Naaninag pa ng mga mata ko ang isang lalaking malakas na kumakatakot sa may bintana ng sasakyan ko, tingin ko'y galit siya pero hindi ko na siya nilingon sa halip ay inapakan ko na lang ang pedal at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Sa mga oras na ito'y wala na rin akong mailuha kaya't nagpasya na lang akong pumunta sa bahay nina Mr. and Mrs. Lacson, ang Mama't Papa ni Frederick. Paminsan-minsan pa'y sumisinghot ako ng uhog ko habang patuloy lang sa pagmamaneho.

Nakarating ako sa bahay ng mga Lacson mga bandang 8pm. Ipinara ko ang kotse ko sa labas ng bahay nila, sabay baba at pindot sa doorbell sa may kanan ng pinto ng gate. Mayamaya'y bumukas ang pinto. Si mama iyon—si Mrs. Lacson pero nasanay na akong tawagin siya sa ganoon.

"Oh, Sandra, may problema ba?"

Malungkot ang mga mata kong nakatingin lang sa kanya, nagbabadyang umiyak. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang ang una kong sasabihin o paano ko sisimulang magsalita. Dahil sa ipinakita kong ekspresyon ay nagdulot iyon nang pagtataka sa kanya.

"Oh, anong problema, Sandra, may nangyari ba?"

"Mama?" mangiyak-ngiyak kong tawag sa kanya hanggang sa tuluyan nang bumuhos ulit ang luha ko. Napayakap ako kay mama. Inalalayan naman niya ako at hinayaan nga niya akong umiyak habang yakap-yakap siya na para bang itinuturing talaga niya akong daughter-in-law niya. Napapahimas pa siya sa likod ko.

Gustong-gusto ako ni Mama para sa anak niyang si Federick. Higit ng mas gusto niya ako ng ilang daang ulit kaysa kay Haizel. Ipinagpapatuloy ko lang ang pag-iyak kayakap siya. Habang umiiyak ako ay sinasabi ko pa ito, "Mama, mama!"

"Ano bang nangyari, Sandra? Sabihin mo nga," damang-dama ko ang pag-aalala mula sa bibig ni Mama. Sa loob ng salas namin ipinagpatuloy ang pag-uusap, nasa kanang sofa ako habang nasa kaliwa naman sina Mama't Papa. May center table sa gitna namin. Ikinuwento ko nga sa kanila ang lahat—at talagang galit na galit sila—lalo na si Mama. Kaunti na lang ay puputok na siya sa sobrang galit. Kaagad niyang ini-dial ang numero ni Frederick at ipinapatawag nga niya ito upang pag-usapan ang problema naming ito—o sabihin na nating problema ko lang dahil satingin ko'y hindi naman 'to pinoproblema ng lalaking iyon. Satingin ko, ang pinoproblema niya ay kung papaano niya muling makukuha si Haizel—at hinding-hindi ko iyon hahayaan na mangyari. Habang naghihintay kami ay ginagawa naman nina Mr. at Mrs. Lacson ang paraan para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Itinatatak pa nila sa isipan ko na walang mangyayaring hiwalayan na para bang gusto nilag sabihin na mapapasunod nila ang anak nila.

Pero, hindi ko magawang pagkatiwalaan ang sinasab nilang iyon. Magkahalo-halo na ang nararamdaman ko: sabik; kaba; takot; at tuwa. Tuwa dahil kahit papaano ay sa akin ang panig ng mga magulang niya, at kita ko sa kanilang gustong-gusto nila ako para kay Frederick. At sana'y ganoon din si Frederick para sa sarili niya. Mayamaya ay dumating na rin ito.

Hindi ko nakikita sa ekspresyon ng mukha niya ang kaba o ng ano mang nararamdaman. Para bang wala lang para sa kanya ang nangyayari.

"Ano pong sasabihin ninyo, Mama?" tanong nito sa mama niya. Then, napatingin siya sa akin na para bang ngayon lang niya ako napansin.

"Nandito ka pala," reaksyon niya pero malumanay lang ang tono. Parang wala lang nangyari base sa mukha at tono niya.

"Hiwalay na kayo ni Sandra?" may tonong galit na sabi ni Alfred—ang tatay ni Frederick.

Hindi muna kaagad siya sumagot, naghintay siya ng tatlong segundong gap bago sumagot.

"Opo, hiwalay na kami." Sa may center table lang ang tingin ko. Huminga nang malalim si Mama, mas makakabuti iyon dahil mukhang nadadala na siya ng emosyon niya.

"Mabuti pa, umupo ka muna sa tabi ni Sandra nang makapag-usap tayo nang maayos."

Napabuntong-hininga si Frederick, hindi man ako nakatingin sa kanya pero nakita ko iyon. Tumabi nga siya sa akin sa pagkakaupo.

"Walang mangyayaring hiwalayan," sabi ni Papa, kaagad akong napatingin kay Papa dahil sa sinabi niya.

"Sa susunod na linggo, may magaganap nakasal, at kayong dalawa iyon." Nagulat ako—sobrang nagulat. Pero kung mayroon mang pinakamagugulat dito ay si Frederick iyon. Nanlaki nga ang mga mata niya.

"Mama, hindi iyon puwede, naghiwalay na kami."

"Ganoon na lang ba iyon kadali para sa 'yo? Matapos mong ipagpalit si Haizel kay Sandra tapos hihiwalayan mo rin pala siya? Hindi ka ba nahihiya?"

"Pero, pinagsisisihan ko nang ginawa ko iyon—iyon na ang pinakapinagsisisihan kong desisyon na ginawa ko. Hanggang ngayon kiniklabutan pa rin ako dahil sa ginawa kong iyon."

I Do, My ladyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon