Chapter 07 : House

16 4 1
                                    




Haizel's POV

Ito na ang araw na kung saan ay aalis na ako sa bahay namin at tutungo na ako sa bahay niyong sinasabi nilang Riko. Mas better sana kung mabait at gentleman siya pero much better pa rin kung gentleman na, guwapo pa. Nakasakay na ako ngayon sa kotse ko. Sa isang subdivision daw ang lokasyon niyong bahay kaya nag-inspection muna iyong guwardya ng subdivision, at dahil ayaw ko nang matagalan sa paghahanap niyong bahay niyong Riko na iyon eh nagpaturo na lang ako sa isa sa mga staff niyong subdivision kung saan nakatayo iyong bahay na isinulat ko sa papel. Kaagad naman niyang itinuro at nagpasalamat naman ako sa kanya.

Bumaba ako ng kotse at pansin kong open ang gate niyong bahay na masasabi kong cute naman kahit papaano. Hanggang tiyanan lang ang barrier ng bahay niya, iyong tipong bahay ng mga amerikano. Aware naman siguro kayo roon, 'di ba? Mayroon pang mga halaman sa paligid ng barrier. At dahil bukas ang gate, pumasok na ako kaagad dala ang isa kong maleta. May mga gamit pa ako sa loob ng kotse pero ipapabuhat ko na lang iyon kay Riko. Dahan-dahan lang akong naglalakad papasok habang palinga-linga sa paligid upang tingnan kung may tao ba.

Nang tuluyan na akong makapasok sa main door ng bahay nila, biglang may kung anong nilalang ang bumulaga sa akin, halos atakihin ako sa gulat dahil sa pamumulaga niya—isang robot. Nakatingin sa akin ang robot habang may nakasulat na "processing..." sa mukha nito at mayamaya ay nagsalita.

"Base sa inyong emosyon, kayo ay gulat na gulat," sabi ng robot sa akin. Laking tuwa ko naman dahill doon—I mean, kahit na halos ikamatay ko na iyon ay nagawa ko pa ring matuwa dahil sawakas sa unang pagkakataon ay nakakita rin ako ng nagsasalitang robot. Iyong bang robot na hindi kinokontrol ng kung sino.

"Ang cute mo naman, anong pangalan mo?" tuwang-tuwa kong tanong.

"Cute nga ako, ako si Dorae, ikaw sino ka? Ngayon lang kita nakita," sabi pa nito. Tuwang-tuwa talaga ako. Nakaka-in love ang gumawa nito, oh my gosh. Nakaka-in love talaga.

"Ako si Haizel."

"Haizel? Bagong pangalan, kinagagalak kitang makilala. Sana maging mabuti ka sa akin."

O-M-G! Nasaan na iyang Riko na iyan? Pakakasalan ko na siya ngayon na ngayon din! Kinikilig ako ano ba iyan, napaka-cool pala talaga niya. Hindi ko alam kung papaano siya nakaimbento ng robot na magalang. Mas magalang pa yata 'to sa akin.

"Ah, ikaw na ba si Haizel?" tanong ng isang lalaki, nakaka-in love iyong boses niyong lalaki at napaka-gentleman pa ng pagkakabigkas niya niyon. Kaagad akong napatingin sa kanya at nang mapatingin nga ako ay ganoon na lang ang gulat ko.

Halata ko rin sa mukha niya ang gulat. Nakaturo pa sa akin ang hintuturo ng kanang kamay niya, ganoon din ako sa kanya.

"Ik-ikaw si Riko?"

"Oo ako nga, at huwag mong sabihin ikaw si..."

"Haizel," patuloy ko sa sinasabi niya.

"Aba, kita mo nga naman ang pagkakataon, oh. Nagkita na naman tayo, mabuti na lang at mabilis lang lumipas ang isang buwan dahil kung hindi, hindi ko talaga iyon kakayanin," sabi niya na satingin ko ay pang-iinsulto. Sa tono niya parang siya pa ang liyamado. Excuse me, maganda ako at sexy kaya wala siyang dahilan para ganyanin ako.

"Hoy magpasalamat ka na lang at isang buwan lang ang itatagal natin dito dahil kung hindi..." Teka, ano ba ang kasunod niyon? Naghintay siya ng susunod pero ibinaling ko na lang sa iba ang usapan.

"Nasaan ang kuwarto ko?"

"Sa itaas," sagot niya sabay turo sa itaas.

"Mayroon pa akong mga dalang gamit sa kotse, pakikuha," masungit kong sabi sabay lakad na ako paakyat sa itaas.

Umakyat na lang ako sa itaas.


Riko's POV

"Ayos ang babaeng iyon, ha. Ako pa ang pagbubuhatin niya?" bulong ko sa hangin. Kinuha ko na lang iyong sandamakmak niyang mga gamit sa loob ng kotse niya at ipinasok sa loob. Pagkapasok ko galing sa pagbubuhat niyong mga gamit niya ay narinig ko siyang tinatawag ako.

"Hoy, Lalaki! Nasaan a rito iyong kuwarto ko?" tanong niya. Nasa may hagdan siya ngayon.

"Sa itaas nga, may dalawang kuwarto riyan, iyong isang kuwartong walang kandado ay akin iyon."

"Kandado? Wala namang may kandado rito, pass code lang iyong mayroon doon sa isang kuwarto."

Napaisip ako. talaga? Hindi ko iyon alam, ah. Hindi ko rin napansin.

Umakyat ako upang tingnan kung ano ba iyong mga pinagsasasabi niya. Pagkaakyat ko, tama nga iyong sinabi niya. May pass code nga roon. Napakamot na lang ako ng ulo. Ano kayang password nito? mabuti pa tanungin ko na lang sina Mama't Papa.

Ini-dial ko ang number ni Mama at tinanong ko nga siya ukol doon pero nakalimutan daw niya ang code—imposible, hindi ako naniniwalang nakalimutan niya iyon. Sigurado akong plano na nila iyon noong umpisa pa lang. Sigurado ako roon. Pinilit ko si Mama na sabihin na lang niya pero mukhang ayaw niyang magpaawat hanggang sa binaaan na niya ako ng phone. Nakakainis!

"Ano raw?"

"Nakalimutan daw niya, eh."

"Ano!" gulat niyang sigaw sa akin. "Ano nang gagawin natin ngayon?"

"Eh di ano pa—sa salas ka matutulog," sagot ko. Tumingin siya sa akin nang masama at humakbang nang paunti-unti palapit sa akin.

"Ako pa ang patutulugin mo sa salas gano'n?"

"Alangan namang ako, 'di ba?"

"Tsk," napa-smirk siya dahil sa sinabi ko.

"Ako sa kuwarto, ikaw sa salas. Tutal ako ang babae rito.

"Hoy wala akong pakialam kung ikaw iyong babae rito, sa Mama ko 'tong bahay—nakikitira ka lang."

"Sa nanay mo pala, eh. Nakikitira ka lang din."

"Hay, ayo'kong makipag-discuss sa 'yo, puwede ba?"

Aakto na sana ako para bumaba nang magsalita siya.

"Hindi, ako sa kama dahil kung hindi isusumbong kita sa Mama mo," pananakot niya. As if naman na natakot ako roon.

"Eh di magsumbong ka," sabi ko sabay tuluyan nang bumaba.

Habang bumababa ako ay narinig ko ngang mukhang may kausap siya sa phone niya. Dinedma ko na lang siya at pumunta na lang ako sa salas at umupo sa sofa, ipinatong sa center table ang mga paa, Kinuha sa center table ang remote at saka ini-on ang TV. Nanood na lang ako ng cartoon sa cartoon network. Mukhang mas may sense pang manood ng cartoon kaysa sa kausapin ang malditang iyon.

I Do, My ladyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon