Kaagad kong nailingon ang tingin ko sa lalaking katabi ko na nagsabi niyon, gusto ko siyang sampalin at saktan pero hindi ko magawa. Sobrang sakit ng mga sinasabi niya, pero sa kabila niyon, hindi ko pa rin kayan bitawan ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal na mahal ko siya. Kinamumuhian ko na siya dapat ngayon pero hindi ko iyon magagawa sa kanya.
Napatayo si Papa dahil sa sinabing iyon ng anak. Gusto na sana niya itong sampalin kundi lang siya pinigilan ni Mama.
"Hoy, hindi kita pinalaking ganyan kaya umayos ka, maawa ka naman kay Sanda."
"Hindi, hindi ko iyon gagawin sa kanya. Dapat nga kamuhian niyo rin siya dahil kung hindi niya ako nilandi, masaya na dapat kaming namumuhay ngayon ni Haizel. Siya ang puno't dulo ng nangyari, alam niyang nang araw na iyon ay ikakasal dapat ako pero inakit pa rin niya ako. Ganoong bang klaseng manugang ang gusto niyo para sa akin. Malayong-malayo ang level niya kay Haizel," sabi nito. Habang sinasabi niya iyan ay tuloy lang ako sa pag-iyak, nakapatong sa magkabilang tuhod ko ang mga kamao ko habang nasa baba ang tingin, natatakpan pa ng buhok ko ang mukha ko.
"Anong sinabi mo?" galit na galit na tanong ni Mama. Napatayo si Frederick.
"Tototo naman iyon, eh. Sinasabi ko lang, pero siya ginawa niya. Kaya kung mayroon ka mang dapat na pagalitan, hindi iyong nagsabi lang kundi ang gumawa niyon." Sasampalin sana ni Mama si Frederick pero pinigilan ko siya. Kaagad akong tumayo at humarap sa kanya at tinitigan, namumula ang mga mata. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang intense ng mga nangyayari.
Napatingin din sa akin si Frederick, at iba iyong tingin niya. Ramdam kong galit na galit talaga siya sa akin, ngayon ko lang nakitang tiningnan niya ako nang ganoon kasama.
"Oh bakit?"
Isang napakalutong at napakalakas na sampal ang ginawa ko sa pisngi niya. Nagulat ang lahat pero alam kong hindi ako masisisi nina Mama't Papa kung sakali mang gawin ko iyon sa kanya.
"Ganoon na ba talaga kababa ang tingin mo sa akin?" mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya.
"Hindi, mas mababa pa sa iniisip mo."
"Hoy, Frederick, umayos ka nga! Bakit ka ba nagkakaganyan?" tanong ni Papa.
"Mahiya ka nga sa sarili mo, kahit na anong mangyari, tuloy ang kasal." Wala akong ibang masabi kaya't nagpaalam na ako kina Mama't Papa bilang pagrespeto sa kanila at saka naglakad palabs ng bahay na nakababa ang tingin. Wala akong maimumukhang harap kina Mama't Papa dahil totoo ang mga sinabi ni Frederick, tanggapin ko man iyon o hindi, hindi pa rin niyon mababago ang katotohanan. Hindi pa man ako tuluyang nakalalabas ng bahay ay may naisip lang akong isang bagay. Alam kong mali ang naisip kong iyon pero desperada na ako ngayon. Huminto muna ako sa paglalakad hanggang sa lingunin ko sila.
Hinawakan ko ang tiyan ko. "May aaminin ako sa inyo, Mama, Papa at lalo na sa 'yo Frederick."
"Ano iyon, Sandra?" tanong ni Mama.
"Tingin ko buntis ako," sabi ko habang nakatingin kay Frederick.
Nagulat sila—lalo na si Frederick. Kitang-kita ko ang reaksyon niya nang sabihin ko iyon. Sinundan ko iyon ng ngiti at saka naglakad na palabas ng bahay. Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay ay kaagad kong pinahid ang mga mata at pisngi ko gamit ang kamay ko lang.
***
Hindi alam ni Frederick kung ano ang iisipin dahil sa rebelasyon di umano na ito ni Sandra. Speech less siya.
"Nakita mo na ang ginawa mo? Sinaktan mo siya. Ngayong buntis siya, kailangan mo siyang panagutan," sabi ng Papa nito.
Napaiyak naman si Mrs. Lacson dahil sa mga nangyayari. Hinampas-hampas niya si Frederick dahil sa sama ng loob dito. Inilalagay lang niya ang loob niy sa lugar ni Sandra kaya lalo siyang nasasaktan. Sana nga lang ay ginawa riin nya iyon nang unang magloko ang anak nito kay Haizel.
***
Kinabukasan sa bahay ng mga aso't pusang sina Haizel at Riko...
Naunang magising si Riko kayat siya ang nagluto ng agahan. Ayaw pa sana niyang lutuan si Haizel pero nakonsiyensiya siya kayat sinalihan na rin niya ito ng luto. Matapos maluto ang agahan ay kaagad siyang umakyat sa kuwarto ni Haizel at kumatok ng siya roon nang kumatok upang gisingin ito. Nagising nga siya pero may mga pabulong-bulong pang sinasabi tulad nito: "Istorbo naman, eh", "Ang aga-aga pa, eh", "Natutulog pa nga iyong tao rito, eh, nakakainis."
Naiinis niya iyang ibinubulong habang kinakamot ang leeg. Wala namang masabi si Riko roon, hinayaan na lang niya. Ano nga naman ang magagawa niya kung ganoong ang personality ng babaeng iyon.
After nga niyon ay kumain na sila. Dinala ni Haizel ang almusal niya sa may salas para doon kumain, manonood kasi ito ng Doraemon, sinundan naman siya ni Riko upang makinood na rin ito. Ang totoo niyan, ngayon lang pumasok sa isip ni Riko ang ganoon. Nasanay na kasi itong kumain sa kusina, at talagang inuubos talaga niya ang pagkain niya bago manood ng tv. Ngayon lang niya napagtantong maganda nga palang ideya iyon, mas sasarap ang pagkain kapag ganoon. Noodles, tinapay at kape ang agahan nila.
Umupo si Haizel sa may sofa at ipinatong niya sa may center table ang pagkain niya at nanood nga ng Doraemon, mayamaya'y nakitabi sa kanya si Riko. Dahil naman sa pagtabi na iyon ni Riko ay may biglang hinuha ang tumakbo sa isip ni Haizel.
"Teka lang sinusundan mo ba ako?"
"Hoy, excuse me bahay ko 'to, noh. Ako pa 'tong susunod sa 'yo?"
"Mabuti naman, kilala ko na kayong mga lalaki. Uhaw na uhaw talaga kayo sa bagay na iyon."
Napatigil sa pagsubo ng noodles gamit ng chopsticks si Riko, tumingin siya sa babaeng katabi niya at nginuya-nguya muna ang pagkaing naisubo na niya saka nilunok.
"Hoy, ano ba iyang sinasabi mo?" tanong nito. Pero alam na rin naman niya kung ano ba ang "bagay" na iyon na ibig sabihin ni Haizel. Gusto lang niyang kumpirmahin.
Ipinatong rin niya sa center table ang bowl na hawak-hawak niya upang makapag-usap sila nang maayos.
"Naniniguro lang ako, mahirap na iyon lalo na't tayo lang dalawa rito. At saka, mamaya ka na magsalita kapag nag-commerical, ilalabas na ni Doraemon iyong gadget niya, oh."
Nanahimik na nga lang siya niyon at nakinood na rin, nawala rin sa isip niya ang pakikipag-usap kay Haizel dahil na-entertain na siya ni Doraemon. Gumuguhit pa sa kani-kanilang mukha ang napakalawak na ngiti dahil sa panonood ng Doraemon. Hindi nila namamalayang may pag-uusapan nga pala sila.
BINABASA MO ANG
I Do, My lady
RomanceSi Haizel ay isang bride, ikakasal na sana siya sa kanyang fiancé kung hindi lang nangyari ang bagay na iyon, sa araw mismo ng kanilang kasal, napag-alaman niyang may iba pang babae ang pinakamamaal nito at magmula nga niyon ay itinanim na niya sa i...