Chapter 25 - After

8 3 0
                                    



Nang matapos nang ihatid ng tatay ni Sandra ang anak nito ay umupo na siya sa kanyang seat sa tabi ng asawa na nasa harap lang nina Riko at Haizel. Napatingin si Frederick kay Sandra nang nasa harap na niya ito. "Nandyan ka na pala," sabi pa niya.

"Ano?" Nakaramdam siya ng pagkainsulto niyon. Hindi na niya maunawaan kung ano ba talaga ang iniisip ni Frederick, naguguluhan siya. Nagsalita lang nang nagsalita ang pari hanggang sa pinagpalitan na niya ang dalawa ng vow.

"Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba ang babae bilang iyong asawa sa lungkot at saya, sa hirap at ginhawa?"

Ayaw sana niyang sumagot dahil gusto pa niyang hintayin na umintrada si Gary para sirain ang kasal nila kaya pinatagal muna niya ang lahat. Tahimik siya ng dalawampung segundo kaya muli siyang tinanong ng pari. Napapaisip naman ang mga tao sa loob ng venue kung bakit antagal nito bago sumagot. Sobrang kinabahan doon si Sandra, pakiramdam niya'y wala naman talagang balak si Frederick na pakasalan siya.

Napatingin si Riko kay Haizel, at kita naman sa mukha nito ang pagka-thrill dahil sa hindi pagsagot ni Frederick. Muling ibinalik ni Riko ang tingin niya sa mga ikakasal. "Haizel, umaasa ka pa bang hindi matutuloy ang kasalang ito? Huwag ka nang umasa dahil masasaktan ka lang," komento ni Riko ngunit sa isip lang.

Dalawampung segundo ulit pero hindi pa rin siya sumasagot anggang sa nang pangatlong tanong na niya ay dalawampung segundo ulit saka sumagot na siya. "Opo."

Laking tuwa ni Sandra nang marinig iyon, halos maiyak siya pero pinigilan lang niya ang sarili. Ang buong akala niya'y may hindi mangyayaring hindi maganda katulad sa mga drama sa TV na biglang uurong ang groom o ang bride sa araw ng kasal nila. Walang makakapantay sa saya at tuwang naramdam ni Sandra. Kabaligtaran naman niyon ang naramdaman ni Haizel, nagkaroon siya ng panghihinayang pero hindi naman siya nalungkot. Umasa lang talaga siyang walang mangyayaring kasal.

"Ikaw babae—" tanong ng pari ngunit natigil siya dahil sa lalaking biglang pumasok sa eksena.

"Itigil niyo 'to," sigaw ni Gary kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat. Ang pari, ang mga magulang ng mga ikakasal, sina Riko at Haizel at lalo na si Sandra. Hindi na rin masyadong magulat si Frederick, napangiti pa nga siya nang marinig ang linyang iyan. Hudyat na ng pinaplano niya.

Naglakad palapit si Gary sa kanila. "Itigil niyo 'to," ulit pa niya. "Frederick, niloloko ka lang ng babaeng iyan."

"Anong sabi mo?" pagkukunwari ni Frederick.

"Teka lang, sino ka ba?" sobrang kabadong-kabadong tanong ni Sandra. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Inisip niyang ito na kaya ang bagay na sisira sa kasal nila katulad sa mga drama.

"Ako? kunwari hindi mo ako kilala?" sabi ni Gary at hindi ito mukhang umaarte lamang. Para bang may pinaghuhugutan siya niyon. Napatayo ang ilan sa mga tao sa loob dahil sa mga mala-telenobelang eksena. "Anggaling mo ring magpanggap. Ano, gano'n na lang iyong kadaling kalimutan para sa 'yo? Matapos ang nangyari sa atin basta mo na lang ako iiwan?"

"Hindi, hindi kita kilala kaya tigilan mo ako, huwag mong sirain ang kasal naming dalawa ni Frederick," mangiyak-ngiyak na sagot ni Sandra rito.

"Teka lang, ano bang mga pinagsasabi mo?" pagkukunwari ni Frederick.

"Sa totoo lang ngayon ko lang nalaman na may fiance na pala iyang bride mo at ikaw iyon," sabi nito kay Frederick then tumingin naman siya kay Sandra. "Ansama mong babae, nakakahiya ka!"

"Hoy! Ano ba iyang sinasabi mo? Ipaliwanag mo nga!"

"Oh sige, para madali ninyong maintindihan, nagkaroon kami ng relasyon ni Sandra nang nasa states kami at hindi ko namalayang bumalik na pala siya rito. At... aaminin ko, may nangyari na sa amin niyon," paliwanag naman niya. Kunwari ay nagulat doon si Frederick kaya masamang tingin ang ibinaling niya kay Sandra.

"Frederick, sinungaling siya, hindi iyan totoo. Gusto lang niyang sirain ang kasal nating dalawa."

"Hindi, hindi ako naniniwala, mabuting tao si Sandra, ano naman ang katibayan mo na ginawa nga niya iyon?"

"Katibayan? Oh sige, pagbibigyan kita, pagbibigyan ko kayo." Kinuha ni Gary ang phone niya at itinaas, may mga litrato roon nilang dalawa.

"Ito ang katibayan, may video pa nga kami, kung gusto niyong makita, oh sige, ipapakita ko sa inyo," sabi nito. mabilis na inagaw ni Frederick ang phone kay Gary at tiningnan nga iyon. Kunwari ay nagalit siya. ipinakita niya iyon kay Sandra.

"Anong ibig sabihin nito?" laking gulat ni Sandra nang makita iyon, hindi niya maipaliwanag kung papaano nangyari iyon. Alam niya sa sarili niyang walang nangyaring ganoon kaya gano'n na lang ang pagkabigla niya nang makita ang litrato.

"Hindi, hindi, hindi iyan totoo. Nagsisinungaling lang siya, in-edit lang iyan."

"Anong in-edit? Ganyan ka na ba talaga kasamang babae?" sabi ni Gary. Para mas maging makatotohanan, sinampal ni Frederick si Sandra sa pisngi. Nagulat ang lahat ng tao sa loob. Ang mga magulang ni Sandra at mga magulang niya, napatayo pa sila sa sobrang gulat. Nagulat din sina Haizel at Riko nang makita iyon.

"Nakakadiri ka, grabe. Hindi ko inakalang magagawa mo pala iyon sa akin," sabi pa niya sabay naglakad palabas ng venue. Walang masabi ang mga magulang nila, tingin nila'y kanila nang problema ang bagay na iyon kaya ayaw na nilang makisali. Gusto sanang ipagtanggol ng mga magulang ni Sandra ang anak nila pero kung sakali mang totoo ang mga litratong iyon, maiintindihan nila si Frederick. Kung totoo nga iyon ay nababagay lang iyon kay Sandra.

"Frederick, hindi iyon totoo! Huwag kang maniwala sa kanya," umiiyak na sigaw ni Sandra. Hinabol pa niya si Frederick pero sa tuwing hinahawakan niya ang braso nito'y mabilis iyong inaalis ni Frederick.

"Huwag mo akong hahawakan dahil nandidiri ako sa 'yo," sabi pa niya.

Naisip ni Haizel na magandang pagkakataon 'to para maipamukha kay Frederick ang ginawa nito dati kaya't sinundan niya ang dalawa, sinundan naman siya ni Riko.

"Frederick!" tawag niya. Mabilis siyang nitong nilingon. Tumigil siya sa paglalakad, napalingon din si Sandra. "Oh, anong pakiramdam na niloloko ka? Maganda ba?"

"Wala ako sa mood makipag-usap ngayon, Haizel."

"Ah, talaga? Okay, next time na lang siguro tayo mag-usap, kapag nasa mood ka na."

"Ikaw, ikaw ang may pakana niyon, 'di ba? Ikaw ang may pakana niyon!" sigaw ni Sandra kay Haizel."

"Ako? bakit ko naman iyon gagawin? Mukha ba akong cheap para gawin iyon?"

I Do, My ladyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon