"Kahit na ano pang sabihin mo, naniniwala akong ikaw lang ang may motibo para gawin iyon. Frederick, maniwala ka, ini-set up lang niya ako para hindi matuloy ang kasalang 'to at iyon mismo ang nangyayari. Huwag mong hayaang magtagumpay siya sa gusto niyang mangyari."
"Hindi, Sandra. Huwag mo na akong paikutin pa, sa simula pa lang, alam ko nang gano'ng klase kang babae. Alam kong nakakasuka kang babae at kinamumuhian kita. Para sa akin, ang makilala ka ang isang bagay na pinakapinagsisisihan ko," sumbat sa kanya ni Frederick na ikinabigla niya. Natahimik na lang siya at hindi na nagawa pang sundan ang tuluyang umalis na si Frederick. Nakaramdam naman ng pagka-konsiyensiya si Haizel dahil sa tinatamasa ngayon ni Sandra. Gusto namang makisali ni Riko at payuhan si Frederick pero minabuti na lamang niyang huwag na lang makialam sa problema nila.
Nang tuluyang nakalabas na ng venue si Frederick ay saka nagtuloy-tuloy ang pag-iyak ni Sandra, maingay ang pag-iyak niya. Bawat letra ng mga sinabing iyon ni Frederick ay parang katumbas ng isang bala na tumama sa kanyang puso at nagdulot niyon nang matinding pagdurugo sa kanya. Dahil sa kahihiyan, minabuti niyang lumabas ng venue at nagtungo siya sa banyo at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak. Walang ibang nasa puso niya ngayon kundi sama ng loob at kahihiyan.
***
Nasa kotse ngayon sina Haizel at Riko. Tahimik lang si Haizel habang si Frederick naman ang nagmamaheo. May tuwa sa puso ni Haizel pero mas malaki pa rin ang porsyento nang pagkagalit nito rito. Kahit kailan ay hindi niya makakalmutan ang araw na iyon. Natutuwa siya dahil sa dalawang posiblidad; at iyon ay dahil hindi natuloy ang kasal at ang isa naman ay dahil naranasan na rin sawakas ni Frederick ang naranasan niya nang araw na iyon. Alin man sa dalawang iyan ay hindi masasabi ni Haizel. Nakatunganga lang siya habang iniisip ang nangyari kanina.
Nalulungkot siya para sa nangyari kay Sandra dahil alam niya kung gaano kasakit ang ganoon pero sa tuwing naaalala niya ang ginawa nito dati sa kanya ay minsan ay napapalitan iyon ng pagkatuwa. Pero naiisip din niyang hindi naman yata tama na matuwa ang isang tao gayong mayroon nang masamang nangyayar rito.
"Haizel, iniisip mo pa rin ba iyong nangyari kanina?" tanong ni Riko. Kanina pa niya nahahalata ang pananahimik ni Haizel.
"Huh? Hindi, pabayaan mo na ako. Magmaneho ka na lang."
"Okay, sabi ko nga."
Nanahimik na nga lang si Riko pero mayroon lang siyang gustong itanong sa katabi niya na nag-aalangan lang siyang gawin. Para maitanong niya iyon nang maayos, nagpasya siyang ipara muna ang kotse sa tabi.
"Oh, bakit ka pumara?" taka ni Haizel.
"May itatanong lang sana ako sa 'yo, Haizel."
"Ano iyon?"
"Mahal mo pa ba si... Frederick?"
"Huh?" Nabigla si Haizel sa tanong na iyon, parang hindi siya ready na sagutin iyon. Pero, wala na rin naman siyang balak na sagutin iyon ng totoo.
"Ayos lang naman kung sabihin mo sa akin ang totoo. Wala namang masama."
"Hindi, wala. Hindi ko alam kung... paano mo pa naitatanong sa akin iyan... eh sa ginawa niya sa aking iyon, kamumuhian ko na siya niyon." Halata sa tono nang pagsagot niya ang hindi pagsasabi ng totoo. Kita rin iyon sa mga mata niya, hindi kasi niya magawang tingnan sa mga mata si Riko.
"Talaga?" sagot na lang ni Riko kahit na hindi naman siya naniniwala. At alam naman ni Haizel na hindi ito naniniwala sa kanya.
***
Pagkauwi ni Haizel sa bahay nila, humiga siya sa kama niya. Este, sa inaaangkin niyang kama. Naiinis siya sa sarili niya dahil sa nararamdaman niyang iyon kay Frederick. Dapat wala na ang pakiramdam na iyon, aminin man niya o sa hindi, iyon ang tingin niyang nararamdaman niya kaya naiinis siya sa kanyang sarili. Ayaw na niyang maramdaman ang damdamin na iyon kay Frederick.
"Manloloko siya! Walang ganitong damdamin dapat. Ayaw ko sa kanya!" sigaw niya at saka nagpaikot-ikot sa kama na parang bulateng binudburan ng asin. Gano'n siya ka naiinis.
Samantala, nasa baba lang si Riko at nakaupo sa sofa. Nagkakaroon lang ng pagdududa sa kanyang isip dahil sa nangyari kanina. Pinagtagpi-tagpi niya ang mga pangyayari noong una niya itong nakita.
Doon sa bar at ang pagmakakaawa nito kay Haizel para balikan siya. Masasakit din na mga salita ang binitiwan niya kay Sandra kaya nagkakaroon lang ng pagdududa sa isip niya kung bakit biglang nagkaroon na kaagad ng kasal na hindi man lang siya umangal. Naaalala din niya ang pagpunta ng mama ni Frederick sa bahhay nila upang bigyan si Haizel ng invitation card.
Kung magpapaka-detective siya at pagtutugpi-tugpiin niya ang mga nangyayari. Ito ang lalabas; matapos mangyari sa bar ang kaganapan na iyon ay mabilis na nagsumbong si Sandra sa mga magulang ni Frederick at siguro nga'y gusto ng mga magulang nito si Sandra at ayaw na nilang mangyari ulit ang nangyari na kay Haizel. At ang mas hindi pa nila kakayanin ay ang ipagpapalit ng kanilang anak kay Sandra ay ang babaeng dati na rin niyang ipinagpalit dito. Kaya nang malamang nila ito, kaagad silang nagpa-schedule ng kasal para maagapan ang mangyayari. Ito namang si Frederick, ayaw pumayag na magpakasal kay Sandra sa umpisa pero siguro'y nakokonsiyensiya rin siya at ayaw niyang isipin ng mga magulang niya na gano'n siya kasamang lalaki kaya gumawa na lang siya ng ibang paraan para hindi siya magmukhang ganoon.
"Hay, ano ba 'tong naiisip ko? Hindi ba puwedeng maharot lang talaga iyong si Sandra?" sabi na lang niya sa sarili at tumigil na sa pagaala-detective.
"Pero maganda ring experience iyong napanood ko kanina, ah. Para kaming nasa isang telenobela."
Mayamaya lang ay nabigla na lang siya dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng doorbell na para bang galit na galit ang pumindot niyon. "Sino iyon?" tanong niya sa hangin na kulot ang kilay. Habang naglalakad siya palabas ng bahay ay narinig niya ang pagwawala ng isang babae at hindi na rin bago sa kanya ang boses na iyon.
"Teka lang, ba't nandito ka?" taka ni Riko.
"Ilabas mo ang malandi na iyon! Si Haizel!" sigaw nito at talagang nakakatakot ang tono niya. Parang sinasapian na siya sa sobrang galit.
BINABASA MO ANG
I Do, My lady
RomanceSi Haizel ay isang bride, ikakasal na sana siya sa kanyang fiancé kung hindi lang nangyari ang bagay na iyon, sa araw mismo ng kanilang kasal, napag-alaman niyang may iba pang babae ang pinakamamaal nito at magmula nga niyon ay itinanim na niya sa i...