"Ah wala iyon, parang may kakilala lang kasi akong nakita, eh," sabi ko na lang sa kanya. In fairness, guwapong-guwapo 'tong ka-blind date ko, ah. Pero siyempre, hindi lang ako sa pisikal nakatingin. Ngumiti ako sa kanya at sinuklian din naman niya ako ng isang ngiti. Pero... teka lang, pamilyar 'tong lalaking 'to, ah. Sa'n ko ba ito nakita?
"Ah... ano nga pala ang pangalan mo?" nakangiti nitong tanong.
"Ah... ako?" medyo ipinapakita ko sa kanyang nahihiya ako kahit na hindi naman, "ako si haizel," sagot ko sa tanong niya, iyong tono niyon ay iyong tipong para bang inoobserbahan siya. Tingin ko parang nakita ko na talaga ang mukha ng lalaking 'to, eh. Saan ko nga ba siya nakita?
Naniningkit ang mga mata kong pinagmasdan ang bawat kasuluk-sulukan ng mukha niya, and actually, ganoon din pala siya. Ang ibig sabihin ba nito ay napapansin din niyang parang nagkita na kami dati?
"Naiisip mo ba ang nasa isip ko?" tanong ko rito habang naninigkit pa rin ang mga mata.
"Oo, tingin ko nga, pareho tayo ng iniisip, nagkita na ba tayo dati?" tanong niya sa akin, ganoon pa rin ang mukha niya, naninigkit.
"Parang, eh. Tingin ko... nagkita na tayo dati pa," sagot ko naman. Ipinatong ko ang siko ko sa table at hinimas-himas ang baba ko habang inaalala siya. Ginaya rin ako niyong pamilyar na lalaki. Mayamaya ay dumating ang waitress dala ang menu upang hingin ang order namin.
"Ah, ano pong order ninyo?" tanong nito sa amin. Kami naman nitong lalaki ay inaalala pa rin kung saan ba kami nagkita.
"A, miss, sir, ano pong order ninyo?" muli nitong tanong.
Isip lang kami nang isip nitong lalaki...
Isip...
Isip...
Nanlaki na lang ang mata namin nang maalala ang lahat. Napatayo pa kaming dalawa dahil sa gulat.
"Ik-ik-ikaw?" ulat naming tanong habang itinuturo ang isa't isa. Nagsimulang kumulot ang mga kilay namin.
"Hoy ikaw! Anong ginagaw mo rito?" tanong niya sa akin.
"Tsk, ako ang dapat na magtanong niyan, anong ginagawa mo rito?"
"Tsk, hindi ba obvious, eh di makikipag-date," sagot naman niya.
"Kung gano'n, tapusin na natin ang date, dahil ayaw kong makipag-date sa 'yo, okay?"
Ngumiti siya. "Maganda ngang ideya iyan." Aalis na sana siya niyon nang pigilan ko siya.
BINABASA MO ANG
I Do, My lady
Любовные романыSi Haizel ay isang bride, ikakasal na sana siya sa kanyang fiancé kung hindi lang nangyari ang bagay na iyon, sa araw mismo ng kanilang kasal, napag-alaman niyang may iba pang babae ang pinakamamaal nito at magmula nga niyon ay itinanim na niya sa i...