Chapter 30: Encounter

26 3 4
                                    


Dito na napalapit ang asawa nito't si Frederick para umawat. Si Sandra naman ay tuloy lang ang pag-upo sa bangko habang sa kung saan ang tingin at pinakikinggan lang ang mga nangyayari. Gumigilid na rin ang luha sa mga mata nito.

"Mama tama na iyan, ano ba'ng ginagawa mo?" pagalit ni Frederick sa mama nito.

"Respeto ba ang sabi mo? Sasampalin ka ng tao, bubuhusan ka niya ng tubig, tapos hahanapan ka niya ng respeto? Bibigyan mo ba ng respeto ang gagawa no'n sa'yo? Ang respeto, hindi ibinibigay sa mga matatanda, ibinibigay iyon sa mga taong karapat-dapat no'n."

Gusto sanang pigilan ni Riko si Haizel pero kahit siya, hindi rin nagustuhan ang ginawa ng matanda kaya hindi naman pu-puwedeng gano'n-gano'n na lang iyon, kailangan ng hustisya kahit ang pagsagot man lang ni Haizel sa matanda.

"Ang kapal naman ng mukha mong sagut-sagutin ako, wala ka sa lugar para gawin iyan sa akin."

"Ayokong makipag-usap sa 'yo. Pumunta na lang tayo sa punto ng usapang 'to. Iyong kasal? Sinira ko man iyon o sa hindi, wala kang karapatang sampalin ako dahil nang isa diyan ang nagloko, hindi siya sinaktan ng mama ko. Professional? Tsk, talagang anlakas naman ng loob mong sabihing isa kang professional matapos mong gawin iyon sa akin. Iyong anak mong walang kuwenta, sa'yong-sa'yo na iyan, isaksak mo sa baga mo, kung gusto mo talian mo iyan na parang aso para hindi ako malapitan."

Naputol siya sa pagsasalita dahil sa isang masakit na sampal na pinakawalan sa kanya ng mama nito.

"Tumigil ka na, Haizel," awat pa ng papa ni Frederick.

"Haizel tumigil ka na, pakiusap," pakiusap naman ni Frederick.

"Huwag mong i-stress ang sarili mo kung iyang anak mo lang ang pinoproblema mo. Mas gusto ko pang mamatay kaysa sa balikan siya. May sarili na akong mundo ngayon kaya kung puwede lang sana huwag kang magpaka-low class para lang maipagtanggol iyang walang kuwenta mong anak" sigaw pa nito at muli siyang pinagsasasampal ng mama ni Frederick nang napakaraming beses, pinigilan siya ng asawa niya. Hinawakan naman ni Frederick ang wrist ni Haizel para sana hilain ito palayo mula sa mama niya pero nagpumiglas si Haizel. "Bitawan mo 'ko, gusto kong matapos na dito ang lahat. Ayaw ko na sa mga susunod na araw, may mga asong tatahol sa harap ko at saka ako kakalmutin sa mukha. At ayaw ko na ng asong matapos mag-layas ng bahay, babalik sa akin at magmamakaawang pabalikin ko siya. Mas maganda na iyong habang maaga, nagkakalinawan na tayo rito. Unang-una, gusto ko sanang isampal mo sa mukha ng mama mong walang manners na ayaw ko na sa'yo at kahit na anong gawin mong pamimilit, hinding-hindi na kita babalikan," sabi nito. "Pangalawa, may taong tahol nang tahol sa 'yo para balikan ka na at iyon na lang ang balikan mo, tutal matapos mong maglayas, sa kanya ka lumapit kaya do'n ka na lang. Nagmamakaawa na siyang balikan ka niya kaya pagbigyan mo na lang, baka naman kasi mag-suicide pa siya sa sobrang pagka-obsessed niya sa 'yo," patuloy niya habang kay Sandra ang tingin. Bawat letrang sinasabi niya ay may hugot at talagang mararamdaman mo ang galit niya sa mga taong pinagsasabihan niya no'n.

"Ang kapal talaga ng mukha mo."

"Tama na, Mama."

"Anong tama na? Bakit ba ako ang pinapatigil mo?"

"Sinabi ng tama na" sigaw nito.

"Ano?"

"Mama, hindi totoo ang sinabi ng lalaking iyon, hindi si Haizel ang nagplano no'n kundi ako, ako talaga ang nagplano no'n. Ginawa ko iyon dahil ayaw kong ikasal sa kanya—sa babaeng iyon—kay Sandra—sa babaeng ipinipilit niyo sa akin. Gusto ko nang kumawala sa taong hindi ko mahal."

"Ang kapal ng mukha mo, nagagawa mo pang sabihin iyan matapos ang ginawa mo." 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Do, My ladyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon