Chapter 22: Make-Up

9 2 0
                                    



Nakita ko pang mukhang natatawa siya pero nagpipigil. "Hoy, natawa siya," panunukso ko.

"Hindi noh," sabi naman niya.

"Tumawa ka, eh."

"Hindi nga, eh."

"Kita ko, eh."

Tiningnan niya ulit ang mukha niya sa salamin particularly sa kanyang mala-bibeng labi. And then hindi na niya napigilang hindi matawa. "Paanong hindi ako matatawa eh mabisa pa lang joke 'tong make up mo. Akalain mo, nagagawang gawing pangit ang pogi. Sa'n ka ba naman makakakita ng ganoon," sabi niya na talaga namang hindi ko nagustuhan that's why tumigil ako sa kakatawa at nagsimulang iseryoso ang mukha. Nanlaki pa ang mga tainga at mata ko nang marinig ko iyan sa kanya. Unti-unti kong ibinaling ang tingin sa kanya. "Oh bakit?" taka nito.

"An-anong sinabi mo patungkol sa make up ko?" tanong ko. Gusto ko lang ulitin niya nang mas klaro.

"Huh?" taka naman niya na para bang inosente. Kita ko rin sa mukha niya ang pagkakaba.

"Ah, wala joke lang iyon," kinakabahan niyang sagot.

"Mismo, sinabi mo ngang joke ang make up ko."

"Ah pero teka, relaks ka lang, joke lang ang sinabi kong joke ang make up mo."

Tumayo ako. "Siguraduhin mo lang na joke nga lang ang sinabi mong iyan dahil kung hindi, papatayin talaga kita," babala ko sa kanya. Matapos kong sabihin iyan ay naglakad na ako palayo sa kanya paakyat sa taas. Nag-iinit ako sa inis grabe. Paano niya nasabing joke lang ang talento kong iyon. How dare him, kaloka, hindi ako makapaniwala. Nakakapanindig-balahibo dahil sa galit. Kung iyong mukha pa niya ang sabihan niya ng joke okay lang sa akin, pero huwag niya akong idamay.

<<<

Sinundan siya ng tingin ni Riko, kabadong-kabado siya. Pakiramdam niya'y mamamatay na siya sa sobrang takot. Ibang-iba ang naramdaman nitong aura ni Haizel kanina, hindi maipaliwanag na katatakutan. Samantala, nasa labas ng gate ng bahay nina Riko sina Remmy at Donald. Kanina pa sila roon at naghihintay lang ng tamang tiyempo para pumasok sa loob ng walang permiso.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo? Paano kung mahuli natin sila sa akto sa salas? Eh di kita natin sila kaagad."

"Hayaan mo na, mas maganda nga iyon, eh. Ang mahalaga ay may ebidensya tayong nagkakamabutihan na nga sila. Maganda at guwapo ang mga iyon kaya hindi sila mahihirapang mapa-ibig ang isa't isa.

"Hay, anong klase ka bang ina? Mahiya ka nga. Ewan ko lang ha pero kinakabahan kasi ako, eh. Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda."

"Talaga? Nararamdaman mo? Eh di bilisan na natin, pumasok na tayo. Baka mahuli pa tayo sa show."

"Haist," sabi na lang ni Donald. Binilisan ni Remmy ang paglalakad furtively. Ni hindi man lang nila nagawang pindutin ang doorbell. Kunsabagay, kung pipindot nga naman sila ay wala silang makikita sa akto. Napilitan na lang si Donald na makisama sa asawa niya. Pagkapasok nila sa main door ay kita kaagad doon ang salas at wala silang nakitang ano mang tao roon na nagpaparami. Nakaramdam pa si Remmy nang pagkabigo pero hinayaan na lang niya. Iisang tao lang ang nakita nila na nakaupo sa sofa sa salas na nakatalikod mula sa kanila. Kilala nila ang ulong iyon at kay Riko.

"Hay, mabuti na lang at walang gano'ng moment," sabi ni Remmy, napangiti rin siya from kabadong-kabado kanina.

"Tsk, ano ka riyan, nagpapatawa ka ba?" bara niya kay Remmy. "Kita mo na, pinalaki ko nang maayos iyang anak mo. Mana yata iyan sa akin. Hindi iyan papatol without marriage"

"Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan eh kaya nga tayo naikasal eh dahil sa pambubuntis mo sa aking hayop ka."

"Okay lang iyon, naging tayo naman, eh. Umabot na nga tayo ng tatlong dekada, eh."

Maglalakad na sana sila palapit kay Riko nang makita nilang napatayo rin ito and then, nagkatinginan sila. Laking gulat nang mag-asawa nang makita kung ano ang nakita nila—ang hitsura ni Riko. Halos mag-slow mo ang oras na iyon. Nabitawan pa ni Remmy ang dala nitong box ng pizza na regalo nila para sa dalawa. Nag-ala-slow mo rin ang pagkahulog ng pizza.

Hindi nila maipaliwanag ang kanilang feeling dahil sa kagimbal-gimbal na nakita.

"Oh, mama, papa, nandito pala kayo," sabi ni Riko na wala pang ideya kung bakit ganoon ang reaksyon ng dalawa.

"An-anak, b-bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong ni Remmy. May tono itong hindi makapaniwala.

"Ah, ito ba?" sabi ni Riko, susundan sana niya iyan nang paliwanag pero bigo siyang gawin dahil ayaw magpaawat ng mga magulang sa pagsasalita.

"Huwag mong sabihing nagladlad ka na, anak?" tanong ni Donald, katulad ni Remmy, may tono rin itong hindi makapaniwala.

"Hindi, anak, magpakalalaki ka, ikaw lang ang nag-iisa naming anak," nagsusumamo ang tono nito.

"Sandali lang," sabi ni Riko para sana magpaliwanag pero hindi talaga sila mapigilan sa kakadada.

"May pagkukulang ba kaming mga magulang mo sa 'yo, anak? Sabihin mo," sabi ni Donald.

"Tumira ka lang sa isang lugar kung saan wala kami, nagladlad ka na, bakit ambilis naman yata?"

"Puwede ba akong magpaliwanag?"

"Na ano? Na pinagpraktisan lang ni Haizel ang mukha mo dahil isa siyang make up artist? Wala ka na bang ibang palusot. Kung mag-iisip ka iyong kapani-paniwala naman."

"Pero, Donald, tingin ko wala na tayong ibang magagawa kundi ang tanggapin ang kung ano ang anak natin. Sigurado akong hirap na hirap siyang itago kung sino talaga siya sa gabi sa loob ng mahabang panahon."

"Kung gano'n kailan mo pa na-realize? Sumagot ka, bakit ayaw mong sumagot?"

"Huwag mo siyang i-force na sumagot, Hon. Baka hindi pa siya handa. He needs space," sabi pa ni Remmy.

Sana nga langay ma-realize din nilang kailangan nga ni Riko ng space para makasagot, paano ba naman siya maakasagot eh tuloy-tuloy ang bira nila kay Riko.

I Do, My ladyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon