Matapos mag-usap nina Remmy at Melissa sa telepono ay kaagad na tinungo ni Remmy ang kuwarto ng anak na si Riko. Nakaupo si Riko sa study table sa kuwarto nito habang nagdo-drawing ng bago nitong robot na gagawin, inililista rin niya ang mga device na gagamitin niya at kung ano ang function nito. Kung hindi niyo pa nalalaman, isang inventor si Riko at mayroon na nga siyang na-develop na isang robot na puwede kang kausapin at puwede mong utusan ng mga maliliiit na bagay.
"Riko, puwede ba tayong mag-usap?" pakiusap ng ina. Sabik na sabik ang mukha nito. Si Riko naman ay tuloy lang sa pagsusulat. "Ano iyon?" sagot nito.
"Hay, anak naman, lumingon ka naman dito," sabi ni Remmy. Ginawa nga iyon ni Riko.
"Kasi, ang totoo niyan, hindi ba gusto mo nang mag-asawa?"
"Ako? Oo, gusto ko na nga pero hindi naman totally. Bakit, Mama? May irereto ba kayo sa akin?"
"Hindi lang basta irereto," sagot nito at ikinuwento nga niya ang lahat. Okay naman iyon para kay Riko, wala nga rin namang masama kung susubukan ang bagay na iyon. Kung hindi niya magustuhan eh di fine, kung magustuhan naman niya eh di destiny na ang nagbigay ng pagkakataon para magkakilala sila. Napangiti na lang si Riko at pumayag nga siya. Inasahan na rin naman iyon ni Remmy pero masaya pa rin siya.
"Saang bahay ba kami titira? Doon ba sa binili ninyo ni Papa para sa akin?"
"Oo, doon nga. Sa susunod na araw magsisimula ang one month na iyon, ah."
"Ah, okay, sige."
"Sige, ipagpatuloy mo na iyang pagsusulat mo," sabi ni Remmy at tumalikod na kay Riko. Tuwang-tuwa siya, pakiramdam niya magkakaroon na siya ng apo kahit na wala pa namang kasiguruhan kung may mangyayari ba sa one month na iyon.
Mayamaya ay lumapit sa kanya ang robot na si Dorae—ang robot na inimbento ni Riko. Gulong ang mga paa nito na malayang gumalaw 360degrees. Black ang body nito, ang mga braso naman ay "Magandang araw sa inyo, Mama. Ayos lang po ba kayo?" tanong ng robot kay Remmy. Mahahalatang isang robot ang nagsasalita.
"Oo naman, anak. Okay lang ako, ang cute mo talaga."
"Opo, Mama. Alam ko pong cute ako." May lumabas na salitang 'HAPPY 'sa mukha ng robot. "Sa nakikita ko sa inyong mukha, mukhang napakasaya ninyo."
"Talaga namang masaya ako, alam mo magkakaroon ka na ng pamangkin soon."
Nangirindi naman si Riko dahil sa sinabi ng ina. "Apo kaagad? Hindi ko pa nga iyon kilala, hay si Mama talaga," bulong ni Riko.
***
Matapos ang oras na iyon ay ini-prepare na ni Remmy ang mga requirements na hinihingi ni Haizel. Awing-awa nga siya kay Haizel dahil sa nangyari noong nakaraang taon. Tingin tuloy niya'y makaka-jackpot ito dahil sa anak niya. Matapos niyang i-prepare ang mga requirements ay nagtungo na siya sa bahay ng kumare upang i-abot ito sa kanila. Dahil sa pananabik nito, nakalimutan niyang idagdag ang picture na hinigingi ni Haizel, naalala lang niya iyon nang nagmamaneho na siya sa sinasakyang itim na kotse. Naisip na lang niya na hindi naman kawalan ang picture na iyon, tutal guwapo naman ang anak niya, mas maganda na iyong mga-surprise si Haizel sa oras na makita na nito sa personal si Riko.
***
Nang dumating na siya sa bahay nina Haizel ay tinawag ni Melissa si Haizel upang magkausap sila ng tingin niyang magiging future mother-in-law na nito. Bumaba naman si Haizel at nagtungo nga sa salas kung saan ang kaganapan. Umupo si Haizel sa tabi ng ina, sa harap nilang sofa si Remmy tuwang-tuwa ang dalawang ina habang pinagmamasdan si Haizel. Kinikilabutan naman si Haizel dahil sa mga ngiti ng dalawa.
Kung ano-ano ang mga positive thing ang ikinuwento ni Remmy kay Haizel upang maging sabik si Haizel na makilala ang anak nito tulad sa pagiging cum laude nito at ang pagiging imbentor. Ikinuwento rin niya ang pagkakaroon ng abs ng anak.
Hindi naman nagpatalo si Melissa.
"Ang cool talaga niyang anak mo. Ganoon din si Haizel, Remmy. Alam mo bang noong elementary days pa lang ni Haizel siya ang laging may pinakamaraming star sa braso, napupuno nga ng stars ang braso niya. Best student 'to noong grade one siya," buong pagmamalaki nito. Hindi niya alam, masyadong nakakaramdam ng hiya si Haizel dahil lang sa mga pinagsasasabi nito.
"Ano ba iyan, Mama, nakakahiya naman iyang mga papuri mo, hindi ko ma-reach," bulong ni Haizel sa sarili. Halata sa mukha niya ang kahihiyan.
Matapos nilang mag-usap ay umakyat na siya sa sariling kuwarto at tiningnan nga ang mga requirements na hiningi. Nakaupo siya ngayon sa kama. Natutuwa naman siya sa educational background ni Riko na puro 90 plus ang grades noong high school. Puro 1.00 to 1.10 naman ang grades noong college. Natuwa rin siya sa picture ng isang robot na may nakasulat nga na inimbento ni Riko—tuwang-tuwa siya roon. Lalo tuloy siyang na-excite.
"Ang cool ng lalaking 'to, guwapo kaya siya?" tanong niya. Pumasok rin sa utak nito ang abs ng sinasabi nilang Riko, kinilig naman siya dahil sa na-imagine. Hinanap niya ang picture ni Riko sa envelope pero wala. Nagtaka siya. "Hindi naman kaya pangit iyon?" duda niya.
Kaagad niyang ini-report iyon sa mama niya at nagpaliwanag naman si Remmy na noon ay nakauwi na kung bakit ganoon.
"Nga pala, Haizel, sa susunod na araw ka na nga pala lilipat ng bahay. Next day na magsisimula ang one month-one month na iyan," sabi ni Melissa sa kanya.
"Sa susunod na araw na? Ang bilis naman," reklamo niya. Pero hindi naman talaga siya nagrereklamo, parang may mga-reak lang kumbaga.
"Anak, pakiusap, bigyan mo ako ng napaka-cute na anak para sa ekonomiya!" paalala ng ina sa kanya na maluha-luha pa. Hinipo rin nito sa balikat si Haizel.
"Hay, Mama tumigil nga kayo sa kadramahan niyo, wala pa ngang assurance kung magugustuhan ko ba iyon. Malay mo masama naman pala ang ugali niyon, huwag kayong magpakampante," sabi ni Haizel sabay naglakad na siya paakyat.
"Teka, bastos iyon, ah. Sayang tuloy iyong luha ko."
BINABASA MO ANG
I Do, My lady
RomanceSi Haizel ay isang bride, ikakasal na sana siya sa kanyang fiancé kung hindi lang nangyari ang bagay na iyon, sa araw mismo ng kanilang kasal, napag-alaman niyang may iba pang babae ang pinakamamaal nito at magmula nga niyon ay itinanim na niya sa i...