Galit na galit si Sandra at ramdam ni Riko ang galit na iyon, sobrang tindi ng awrang nakapalibot sa katawan ni Sandra.
"Puwede bang ipakalma mo muna iyang sarili mo, kung ganyan mo haharapin si Haizel, baka kung ano pa ang mangyari."
"Wala akong pakialam kung ano ang mangyari, pagbabayaran niya ang pagsabutahe niya sa kasal ko. Magpapakatanga pa ba ako para isiping hindi siya ang may pakana nito? Siya lang ang satingin kong gagawa niyon at siya lang ang alam kong may motibo. Kaya palabasin mo siya Dalian mo!"
"Teka lang, ano bang nangyayari? Bakit ba ang ingay?" pasok ni Haizel sa eksena, sobrang lakas kasi ng boses ni Sandra at para bang sa tainga talaga niya iyon mismong gustong pumasok kaya't narinig niya kahit na kumakanta siya ng tatlong bibe sa loob ng banyo ng inaangking kuwarto.
"Ikaw, walang hiya ka! Buksan mo ang pintong bruha ka! kasalanan mo 'to, sinet-up mo ako sa kanya at paaaminin kita kay Frederick. Ikaw ang may kagagawan nitong bruha ka!"
Nag-cross arms si Haizel. "Tsk, tigilan mo nga ako, unang-una hindi ako bruha, pangalawa hindi ko ginawa iyang ibinibintang mo. Alam mo naaawa sana ako sa 'yo eh pero kung pagbibintangan mo ko r'yan, hindi na kita kaaawaan."
"Hayop ka! Huwag kang maawa sa akin dahil hindi mo ako dapat na kaawaan, si Haizel ka lang, ang dating nobya ng groom ko!"
"Well, wala kang magagawa, naaawa ako sa 'yo, eh."
"Puwes mo akong kaawaan!"
"Eh iyon ang nararamdaman ko, eh. sa totoo lang hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon ang nangyari, isa lang sa inyo ni Frederick ang may mali kaya iyon nangyari. At kung satingin mong hindi ikaw iyon, puwes pagdudahan mo iyang nobyo mong hindi makuntento sa isa, hindi ko alam kung ano bang nakita mo sa lalaking iyon at nagpapaka-low class ka sa para sa kanya."
"Sandali lang, Miss, sigurado ka ba talagang hindi totoo iyong sinabi niyong lalaking umintrada sa kasal?" tanong ni Riko.
"Tingin mo ba gano'n akong klaseng babae!"
"Malay ko."
"Tsk, tinanong mo pa," sagot naman ni Haizel, nang-iinis siya. At talagang hindi iyon nagustuhan ni Sandra, napakasama ng tingin nito kay Haizel, kung nakamamatay lang ang tinging iyon ay siguradong patay na ngayon si Haizel. Hindi na lang nagpapatinag si Haizel sa tinging iyon dahil alam niyang sapat na ang taas ng bakod para hindi makapasok si Sandra.
"Kung hindi mo talaga ginawa iyong sinabi niyong lalaking iyon, ang ibig sabihin may mali sa nangyari. At satingin ko may ideya na ako kung sino ang may gawa niyon."
"Si Haizel!"
"Mali ka, siya ang nasa isip mo dahil iniisip mong gustong gumanti ni Haizel sa inyo at tingin ko iyan lang ang gusto mong paniwalaan. Maliban diyan, naniniwala rin ako na pinagdududahan mo rin si Frederick, ngunit ayaw mo lang siyang pagdudahan dahil ay ayaw mong tanggapin ang katotohanan."
"Tumahimik ka! Katotohanan!? Ano ba satingin mo ang katotohanan!"
"Ayokong sa 'kin 'to manggaling, kaya tanungin mo na lang si Frederick."
"Para matauhan ka," singet ni Haizel.
"Hindi iyon magagawa sa akin ni Frederick!"
"Riko, mas mabuti pang pumasok na lang tayo, makitid ang utak ng babaeng iyan kaya huwag na tayong makipagtalo sa kanya, masasayang lang ang oras ng buhay natin. Ang mahalaga nabigyan natin siya ng isang posibilidad, pero kung ang paniniwala pa rin niya ang gusto niyang paniwalaan, wala na tayong magagawa," sabi niya kay Riko pero kay Sandra ang tingin. Matapos niyang sabihin iyan ay pumasok na nga sila ni Riko sa loob ng main door ng bahay. Napaupo si Sandra sa semento at napasandal sa gate, lumuluha.
Totoo iyong sinabi ni Riko na pinagdududahan niya si Frederick pero ayaw lang niya iyong pagdudahan, kaya ngayon, naghahanap siya ng taong puwede niyang pagbintangan sa nangyari. Pero naniniwala siyang hindi lang dito nagtatapos ang lahat, hindi siya makakapayag na magkahiwalay sila ni Frederick. Pagbabayaran din ni Gary ang pakikipagsabwatan nito sa kung sino man talaga ang may pakana sa nangyari.
Matapos niyon ay pumasok na siya sa kotse niya at kinuha ang phone sa shoulder bag at may tinawagan. "Hello!"
"Oh, ikaw pala, Sandra, bakit ka napata—" Natigil siya dahil nagsalita kaagad si Sandra.
"May ipapagawa ako sa 'yo, hanapin mo ang taong iyon at dalhin mo siya sa harap ko, ako mismo ang papatay sa kanya."
"Ah, tao, ah, sino ba?"
"Iyong hayop na lalaking iyon na nagsabing may nangyari sa amin, iyong hayop na dahilan ng pagkaudlot ng kasal namin ni Frederick."
"Ah gano'n ba, okay, wala namang problema sa akin."
Seryosong-seryoso siya, hindi niya hahaayang hindi pagbayaran ng lalaking iyon ang ginawa niyang paninira sa kasal nila.
Hindi naman umabot ng isang araw ang paghahanap sa taong iyon, alas-otso ng kinabukasan ay nahuli rin nila si Gary at bugbog sarado ang mukha nito nang makita ni Sandra. Nasa pagitan sila ng dalawang mahabang gusali na umaabot ng sampung palagapag, wala namang masyadong dumaraan sa lugar na iyon kaya ayos lang at walang makakakita sa pagto-torture niya rito.
Imbes na maawa si Sandra sa bugbog sarado nitong mukha ay lalo lang kumulo ang dugo nito. nagpipigil lang siya. "Anong pangalan mong hayop ka," pinipilit lang niya ang sariling pakalmahin.
Nakasandal lang sa konkretong dingding si Gary, at sa baba ang tingin, duguan ang mukha nito at basag na rin ang suot-suot na salamin. Limang tao lang sila sa lugar kasama ang lalaking inutusan ni Sandra na hanapin siya at ang isa nitong alipores. Gangster ang dalawang iyon, nagkakilala sila ni Sandra nang minsang sumali si Sandra sa grupo nila. Dati kasi siyang gangster noong kabataan niya.
"Ang sabi ko anong pangalan mo!?" sigaw nito, napupuno na siya dahil sa hindi nito pagsagot sa kanya.
"Gary," sagot nito na para bang napipilitan pa.
"Sinong nag-utos niyon sa 'yo?"
Naghintay siya ng limang segundo pero wala siyang narinig na tugon. "Sumagot ka kaagad kung tinatanong kita!"
"Hindi ko alam kung bakit mo pa ba tinatanong sa akin iyan, alam mo kung sino ang may pakana nito. huwag mo nang pagurin ang sarili mong itanong sa akin iyan, wala na rin akong lakas para sagutin ka."
Alam niya kung ano ang ibig nitong sabihin, kaya mas lalo siyang nasaktan. Napalunok siya at muling tumingin kay Gary.
"Kung gano'n, isang linggo mula ngayon, sabihin mo sa mga magulang niya na sinet-up niyo lang ako."
"Nagpapatawa ka ba? Kapag sinabi ko iyon, ang lalabas, ayaw sa 'yo ni Frederick kaya nagawa niya iyon."
"Hindi mo naman sasabihing siya ang may pakana, ang sabihin mo, si Haizel, iyong dati niyang bride, ang sabihin mo gusto lang niyang maghiganti sa amin ni Frederick."
Napangisi na lang ng ilang segundo si Gary at pinilit na itinaas ang tingin kay Sandra. "Ibang klase ka ring magmahal, noh. Baliw ka na."
"Wala kang pakialam kung baliw ako, ang intindihin mo, ang sarili mo, dahil kapag hindi mo iyon ginawa, sinisiguro kkong katapusan na ng walang kuwenta mong buhay."
"Huwag mo nang ipagpilitan ang sarili mo sa taong ayaw sa 'yo, dahil masasaktan ka lang."
"Tumigil ka!" sigaw nito nang malakas na malakas. Gigil na gigil siya.
"Wala kang karapatang sabihin iyan sa akin, bakit sino ka ba? Wala ka namang alam kaya tumahimik ka!"
"Ano, patutulugin ko na ba 'to?
BINABASA MO ANG
I Do, My lady
RomantizmSi Haizel ay isang bride, ikakasal na sana siya sa kanyang fiancé kung hindi lang nangyari ang bagay na iyon, sa araw mismo ng kanilang kasal, napag-alaman niyang may iba pang babae ang pinakamamaal nito at magmula nga niyon ay itinanim na niya sa i...